webnovel

Chapter 226

"Dito ka uli matutulog mamaya?" Tanong sa akin ni Martin habang tinutuyo niya yung buhok ko sa pamamagitan ng blower.

"Uuwi ako mamaya, Baka gusto mong paluin na ko ni Mama at saka isa pa sa Friday dito uli ako matutulog di naman kaya masyado ka na nung abusado?" Sabi ko kay Martin habang nakataas yung kilay ko.

"Sa akin lang naman kung gusto mo?" Sabay kindat niya sa akin.

"Di ko gusto!" Irap naman ang tugon ko sa kanya.

"Haha...haha... Siya nga pala dadalhin mo ba yung mga sapatos mo?"

"Yung isa lang, dito nalang yung iba di na yan kasya sa lagayan ko sa bahay."

"Okey, hiwalay mo nalang yung dadalhin mo para ilagay ko mamaya sa trunk ng kotse ko."

"Okey, Siya nga pala yung damit ko na isusuot ko bukas saka yung regalo ko dalhin ko na?"

"Iwan mo nalang dito palalabhan ko muna yung damit. Dito ka na lang magbihis bukas."

"Okey!" Sagot ko sa kanya at tuluyan na kong tumayo.

Hinatid muna ako ni Martin sa trabaho ko bago siya pumasok.

Mabilis lumipas ang araw at Friday na. Five palang ng hapon nasa baba na si Martin at hinihintay ako kaya pag pitik ng orasan sa five at agad akong bumaba.

"Ang aga mo ah, exited?" Sabi ko kay Martin nung maka pasok ako sa kotse niya.

"Medyo!" Naka ngiti niyang sagot sa akin.

"Baka andun yung Ex mo kaya exited ka!" Pagbibiro ko.

Nagdilim yung muka ni Martin sa sinabi ko na labis kong pinagtakahan.

"Andun siya pero di ako exited na makita siya!"

"Defensive?" Comment ko nalang para makabawi Ang akin lang sana ay binibiro ko lang siya pero di ko akalaing andun din pala talaga sa party si Elena.

"Di ako defensive, ayaw ko lang magkaroon tayo ng misunderstanding dahil diyan."

"Eh bakit ganyan reaction mo?"

"Ano ba yung reaction ko?" Sabay hila sakin palapit sa kanya.

"Nagagalit ka eh!" Sagot ko sa kanya habang itinutulak ko siya papalayo sa akin.

"Paano ako di magagalit kung ano-ano nanaman ang iniisip mo!" Sabay kagat sa tenga ko.

"Ano ba yan! Mahiya ka kay Mang Kanor!" Sabay kurot ko sa tagiliran niya.

"Humanda ka sakin mamaya!" Pagbabanta niya sa akin bago ako binitawan.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko naman habang inaayos yung polo shirt ko na nagusot dahil sa paghablot ni Martin sakin kanina. Di ko maiwasang mapatingin kay Mang Kanor na naka ngiti habang nag mamaneho. Malamang sanay narin siya sa amin ni Martin kaya lang di ko parin maiwasang mahiya.

Muli akong napatingin kay Martin ng kurutin niya yung pisngi ko.

"Masakit!" Reklamo ko.

Sinagot lang niya ako ng ngiti at muling inilagay yung kanang kamay niya sa baywang ko.

"Kain muna tayo bago tayo pumunta dun."

"Eh di ba seven yung start nung party, di ba tayo ma late?"

"Yaan mo sila mag-antay." Kibit balikat na sagot ni Martin.

Tuluyang pinarada ni Mang Kanor yung sasakyan sa parking area na naka disignated para kay Martin pero sa halip na umakyat kami sa Pad niya ay pumunta kami sa restaurant ng Hotel sa groung floor.

First time kong kumain dun, kaya pala masarap yung mga pagkaing hinahatid samin sa taas world class chief pala ang nagluluto doon at di biro ang presyo. Kung ako lang pati bulaklak na design nung steak kakainin ko (silly me). Di ko maiwasang matawa sa naiisip ko.

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ni Martin na napansin yung pagngiti ko dahil sa naisip ko.

"Wala naman natutuwa lang ako dito sa bulaklak na andito, pwedi ba itong kainin?" Biro ko.

"Pwedi mo namang kainin basta wag ka lang magrereklamo kapag sumakit tiyan mo!" Pagpatol ni Martin sa joke ko.

"Di pala pweding kainin bakit pa nila nilalagay dito." Sagot ko habang kinahig yung mga bulaklak sa side ng pinggan ko.

"Ang cute mo talaga!" Sabi ni Martin sa akin sabay muling kurot sa pisngi ko.

"Kapag ang pisngi ko lumuyloy sa kakakurot mo, ipapa face lift mo talaga ako!"

"Akin na yung kabilang pisngi mo para sabay na natin pa face lift." Sabay abot sa kabilang pisngi ko pero bago pa niya iyon mahawakan hinampas ko yung daliri niya.

"Subukan mo!" Sabay irap sa kanya.

"Kumain ka na nga bago tayo lalong ma-late!" Sagot ni Martin sa akin at muli ng sumubo. Kanina pa tumutunog yung cellphone niya, malamang yung barkada niya yung nag message at hinahanap na siya.

Binilisan ko narin yung pagkain para matapos narin kasi nga naman six thirty na ng gabi eh di pa kami naka bihis kung tatantiyahin ko aabutin kami ng seven thirty bago kami maka alis at makapunta sa location.

"Una na ko maligo!" Sabi ni Martin sa akin nung makapasok na kami sa Pad niya. Tumango lang ako bilang pagsang ayon.

Habang hinihintay siya tinext ko si Zaida.

"Zai nasa party ka na?"

"On the way pa lang, kayo?"

"Naku asa Pad palang kami ni Martin mukang eight na kami makakarating sa venue."

"Kahit kaylan talaga VIP yang si Martin."

"Kumain pa kasi kami." Depensa ko naman.

"Tama lang yun na kumain muna kayo kasi mamaya dun sa venue alak lang ang madami dun."

"Bakit? Saan ba yung location?"

"Sa Music House. One of the property ni Jerold. Kilala mo naman na siya di ba?"

"Ah, Oo na meet na kami once. See you nalang dun."

"Okey, Ingat kayo!"

"Kaw din!" Huling reply ko ng marinig ko yung tawag ni Martin.

"Hon, ligo ka na!" Tawag niya sa akin.

"Coming!" Sigaw ko.

Naka tapis lang ng tuwalya si Martin nung pumasok ako sa kwarto niya. Tinutuyo niya ng blower yung buhok niya. Kitang- kita ko yung mga muscle ni Martin sa dibdib at Abs sa tiyan. Parang pag bumungo ka dun malamang magtumba ka dahil sa sobrang firm ng mga iyon

"Tulungan kita!" Pagpresenta ko

"Wag na, ligo ka na para maka alis na tayo! Gusto mo lang makita ng matagal yung katawan ko eh." Pag tease niya sa akin.

"Asa ka! Ligo na ko." Sabay irap sa kanya at mabilis na kong pumasok sa banyo. Di ko na siya muling tiningnan baka kasi mahuli niya ako na gusto ko pa sanang tingnan at hawakan yung mga muscle niya.

Next chapter