webnovel

Chapter210

"Text mo ko kapag mag-meet kayo ha!" Muli niya sa aking paalala nung pababa na ko ng sasakyan niya para pumasok sa trabaho ko.

"Opo!" Sagot ko naman.

"Ingat ka!" Muli kong sabi habang hinalikan siya sa labi bago ako tuluyag bumaba.

"Hon!" Muling tawag niya kaya muli ko siyang nilingon.

"I love you!" Sabi niya uli.

"I love you too!" Sabay kaway sa kanya at tuluyan na siyang umalis.

Agad din naman akong pumasok sa opisina namin.

"Uy Michelle long time no see!" Sabi ni Dina ng makita niya kong pumasok.

"Oo nga eh!"

"So kamusta ang bakasyon?" Pang-aasar niya sa akin.

Nabanggit ko kasi sa kanya na magkasama kami ni Martin sa may Palawan nung kamustahin niya ko nung nakaraang Lunes.

"Masarap at talagang mare-relax ka."

"Talagang masarap yun at titirik yung mata mo!" Nakatawa niyang sagot sa akin.

"Baliw!" Hambas ko sa balikat niya.

"Siya nga pala pasalubong ko sayo!" Sabay abot sa hopia na binili ko sa Palawan.

"Thanks! Ang sweet mo talaga!"

" Naman!" Sabay kindat ko kay Dina at iniwan ko na siya.

"Morning boys!" Masaya kong bati nung pumasok na ko sa Department namin.

Kumpleto sila ngayon mukang wala kaming out of town project.

"Uy Michelle lalo kang gumaganda ah!" Papuri sa akin ni SIr John.

"Hay naku Sir John wag mo na kong bulahin dahil may dala akong pambara diyan sa kapeng iniinom mo." Sabay lapag ng tatlong box ng hopia sa may lamesa para pagsaluhan ng lahat.

"Yun ang panalo!" Sagot ni Sir Anthony na umupo narin sa may upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa kung saan nag-meeting kaming lahat para sa upcoming projects and on-going.

"Kamusta ka?" Bati ni Alvin sa akin habang ipinatong yung kamay niya sa ulo ko.

"Mabuti!" Mabilis kong sagot sabay tanggal ng kamay niya.

Alam ko naman na walang malisya yun kay Alvin kasi nga tanggap niya na yung relasyon namin ni Martin at para sakin walang ano man iyon kaya lang mahirap ng may makakitang madumi ang isip at maging issue pa.

"Bilisan niyo ng kumuha ng mga kape niyp at umupo na kayo dito ng magsimula na tayo!" Sigaw ni Sir Anthony nung yung iba ay di pa umuupo. Ako naman ay nasa pwesto ko na katabi si Alvin.

"Kumpleto na?" Muling tanong ni Sir Anthony habang sumusubo ng hopia sa bibig niya.

"Kumpleto na Sir!" Sagot naming lahat.

"Okey, start na tayo!" Bangit ni Sir Anthony sabay bukas ng power point niya naka naka view sa aming malaking TV sa office.

"As you can see wala tayo ngayong out of town project more on support tayo ngayon kaya stand-by ang status natin kasi nga December na. Nagbaba pala ng memo si Boss Helen na lahat ng design ay si Michelle na ang gagawa so di na siya pweding lumabas."

Hinihintay kong mag react yung mga kasamahan ko pero nanatili silang tikom ang mga bibig.

Marahil nasabi na ni Boss Helen ang nangyari sa akin kaya wala ng nagtanung kung bakit.

"May question ba, violent reaction?" Muling tanong ni Sir Anthony nung matapos siyang magpaliwanag ng mga gagawin namin this few days.

Dahil walang nag-react ay natapos na yung meeting namin at bumalik na kami sa kanya-kanya naming lamesa.

"Uy linis ng table ko!" Sabi ko habang paupo pero di pa nag-iinit yung pwet ko sa upuan ko ng lumapit si Sir Anthony na may bitbit na madaming folder.

"Dahil nagbakasyon ka ng one week ito ang pabuya namin sayo!"

"Pak!" Tunog ng mga folder na inilapag niya sa lamesa ko.

Halos dalawang dangkal ang kapal ng mga iyon.

"Mukang kunti yan Sir ha!" Pagbibiro ko.

"Yaan mo may parating pa!" Sabay kindat sa akin.

Ito yung time kasi na dumadagsa ang design namin kasi nga magpapalit na yung taon.

"Mukang sasakit ang mata ko nito sa katitig sa laptop ko." Sabi ko sa isip ko.

Dati kasi hinahati-hati ito sa amin bale three days ka sa field and two days sa design pero kung need kang mag five days sa field ipinapasa sa iba yung design mo at dahil nga sa office lang ako at di na pweding lumabas sa akin na napunta halos lahat ng design.

"Di yan mauubos kong titigan mo lang!" Pang-aasar sakin ni Sir John habang kumakain parin.

"Parang natutuwa ka Sir ha!" Naka simangot kong sabi.

"Oo naman kasi kahit papano mas mapapadali na ang buhay namin kasi kapag ikaw ang nagdesign walang error saka madaling sundan di kagaya ng iba diyan ang sakit sa ulo lalo na yung gawa nun." Sabay nguso niya sa direksyon ni Dariel.

"Talagang di lang kayo marunong magbasa ng design." Sagot naman ni Dariel kay Sir John sa paratang niya.

"Pero salamat Michelle ha, alam mo naman ikaw lang ang may malinaw pang mata dito." Papuri sa akin ni Sir Dariel nung bumaling sa akin.

Wala akong nagawa kundi umiling nalang at inumpisahan yung trabaho ko.

"Ting!" Tunog ng cellphone ko.

Expected ko si Martin yung nagtext malamang nagyaya mag lunch pero unknown number yung nagtext sa akin na kaagad ko ding binasa.

"Hi Michelle! Christopher here may ipinabibigay si Anna para sayo please meet me sa may Bliss Restaurant sa may tapat nung office niyo sabay na tayo mag-lunch!" Laman ng text.

"Sige wait mo ko dun ng twelve fifteen." Reply ko sa message niya.

Iniisip ko kasi twelve pa ang labas ko kasama yung paglalakad at pagbaba sa office aabutin ako ng fifteen minutes bago makarating sa restaurant na sinasabi niya.

"Thanks!" Muling text niya sa akin na di ko na nireplayan.

Pagtingin ko sa relo ko magquarter to twelve na pala kaya mabilis kong tinapos yung ginagawa ko para mamaya pagbalik ko ibang project naman yung uumpisahan ko.

"Ting!" Muling notification ng phone ko.

"I'm here already waiting for you!" Muling text ni Christopher sa akin.

"Walking!" Reply ko habang naglalakad na ko pababa ng office namin.

Bago ako makalabas ng elevator naalala kong i-text si Martin.

"Hon mag meet kami ni Christopher ngayong lunch break sa may Bliss Restaurant." Laman ng text ko.

I expected na makaka receive ako ng reply kay Martin pero hanggang makarating na ko sa pintuan ng restaurant wala paring siyang reply.

"Baka busy!" Sabi ko sa isip ko at tuluyan na kong pumasok sa restaurant.

Next chapter