webnovel

Chapter 199

"Promise?"

"Yup Promise!" Sagot ko habang itinaas ko pa yung kanang kaya ko habang nanunumpa sa kanya.

Huling pag-uusap namin kagabi kaya ang ending andito na ko ngayon papasok na sa building nila habang may bit-bit na pagkain.

Medyo malamig na yung food dahil nga sa layo ng biyahe ko gusto nga niya sanang pasundo ako kay Mang Kanor pero di na ko nagpasundo nag commute na lang ako.

Eleven ng umaga ng dumating ako at paakyat na ko sa floor kung nasaan yung opisina niya.

"Good Morning Ma'am!" Bati sa akin ni Yago nung bumukas yung elevator.

"Morning din!"

"May bisita lang po si Boss! Kaya doon po muna kayo sa may board room maghintay. This way po Ma'am!" Gabay sa akin ni Yago.

"May microwave ba kayo dito?"

"Meron po Ma'am sa pantry. Bakit po?"

"May dala kasi akong pagkain malamig na kasi initin ko sana."

"Ako na lang po mag-init Ma'am."

"Naku wag na nakakahiya naman!" Mabilis kong tanggi.

"Okey lang po! Saka salamat po pala dun sa pasalubong na bigay niyo masarap po siya."

"Ah... talaga naku si Martin nagbigay nun nahihiya lang siguro magsabi sayo."

Naka ngiti kong sabi pero nawala yung ngiti ko nung makita ko si Elena lumabas sa office ni Martin.

"Baka pwedi kang maka-usap?"

"Ma'am please!" Narinig kong sabi ni Yago.

Mukang natatakot si Yago na magkagulo kami kaya inunahan na niya si Elena. Kung andito si Elena malamang andito din yung Lola ni Martin marahil sila yung sinasabi ni Yago'ng bisita nila kaya pala di ako pinadiretso sa opisina para iwas gulo pero ewan ko ba bakit naka amoy si Elena at nakita pa ako.

"Okey lang Yago, doon na lang tayo sa may board room."

"Sige!" Pag-sang ayon ni Elena kaya lumakad kaming tatlo papunta doon.

"Painit na lang muna ito Yago!" Utos ko para iwan niya kaming dalawa ni Elena paano feeling ko wala siyang balak umalis.

"Pero Ma'am!" Pag-aalinlangan niya.

"Okey lang!" Ngiti ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tuluyan ng umalis at iwan kami.

"Mukang kumportable ka ng utos-utusan yung secretary ni Martin ah." Reamrks ni Elena sa akin nung lumabas si Yago.

"Di naman sa ganun kaya! Way ko lang yun para iwan niya tayo pero kung gusto mong marinig niya yung sasabihin mo sa akin! I don't mind na tawagin siya uli." Naka taas ko ding kilay na sagot.

Simula nung nangyari last time na pagtatangka sa buhay niya para bumalik si Martin sa kanya nawala na yung resperto ko kay Elena pero andun parin yung awa ko sana sa kanya kasi nga marahil nagawa niya lang yun dahil sa sobrang pagmamahal kaya lang sa pinapakita niyang ugali sa akin ngayon parang kahit awa dapat ko ng alisin.

"Buti di na ngangati yung daliri mo dahil sa sing-sing na suot mo?" Muli niyang banat habang naka tingin sa sing-sing na nakasuot sa daliri ko.

"Di naman medyo mabigat lang ang laki kasi ng diamond." Gusto mo palang asaran ah, tingnan natin kung sino maasar sa ating dalawa sabi ko sa sarili ko.

"Malamang malaki kasi family heirloom nila yan alam mo ba kung magkano worth niyan baka kahit kailan di mo kaya yang mabili kahit benta mo pa lahat ng ari-arian mo kahit sama mo pa yung buhay mo at pamilya mo." Napaka intimidating niyang sabi pero sa halip na magalit ko ako nginitian ko lang siya.

"Baka nakakalimutan mo suot ko siya ngayon!" Sabay tapat sa muka niya yung sing-sing na sinasabi niyang di ko kayang bilhin at kailan man di mapapa saakin.

"Wag mo ring kakalimutan naisuot ko rin yan!"

Uy di ko yun alam nasabi ko sa sarili ko pero di ko pinahalata yun sa kanya na nagulat ako sa sinabi niya nanatili akong naka ngiti.

"Sayang nga lang hinubad mo!" Sagot ko nalang sa kanya habang dinampot ko yung binigay na tubig ni Yago kanina.

Iniisip ko lang sarap ibuhos sa kanya ewan ko ba parang habang tumatagal lalo akong na-bwisit kay Elena di nalang kasi mag move-on at maghanap ng iba di yung nagpupumilit sa lalaking may karelasyon ng iba.

"At di rin magtatagal huhubarin mo rin yan." Sagot niya sa akin na parang suguradong-sigurado siya.

"Tingnan nalang natin." Sagot ko naman.

"Talaga at yan ang aabangan ko at sinasabi ko sayo Michelle kapag bumalik na yan sa akin kahit kailan di ko na yan huhubarin kaya kung ako sayo wag na wag mong tatanggalin baka kasi malingat ka nasa akin na yan." Pagbabanta niya sa akin.

"Let see about that!"

"Elena tara na! Don't waste you're breath sa gold digger na babaeng yan!" Bulyaw ng Lola ni Martin ng biglang pumasok sa kwarto.

"Good Morning po!" Bati ko sa kanya. Bahagya pa kong yumuko bilang paggalang kasi kahit anong mangyari elder parin siya ni Martin kaya need ko paring galangin kahit puro masasakit na salita lagi niyang sinasabi.

"Hmp... kapal ng muka mo! Singhal niya sa akin.

"Lola please!" Matigas na sabi ni Martin na sumulpot na rin kasunod si Yago na dala-dala yung pinainit kong pagkain.

"Lola please? Why don't you see na pera lang ang habol sayo ng babaeng ito lalo pa nga ikaw na yung bagong Presidente ng kumpanya natin. Open your eyes Martin!" Muling sigaw ng Lola niya buti nalang kahit papaano lunch break na kaya yung iba niyang empleyado ay naglunch na kundi nakaka hiya. Akala ko ba naman aristocrat itong Lola ni Martin pero kung maka bulyaw daig pa tindera sa palengke sabi ko sa sarili ko habang naka yuko para di ko makita yung panlalaki na mata niya at ang smug na muka ni Elena na mukang natutuwa sa pagtrato ng Lola sa akin ni Martin.

"Mabuti pa po umalis na kayo!" Matigas na sabi ni Martin halatang nauubos narin yung patience niya.

"Hon tara na!" Tawag niya sa akin.

Agad naman akong lumapit para maka iwas na rin sa dragon niyang Lola ang problema nga lang nasa may pintuan siya paano ako makakalabas.

Buti nalang nabasa ni Martin yung suliranin ko kaya inakbayan niya yung Lola niya para igaya palabas sabay kindat sa akin.

"Wait mo nalang ako sa office hatid ko lang si Lola sa labas." Bilin niya sa akin na agad naman akong tumango para sumang ayon sa gusto niya.

Buti nalang tumigil na rin yung Lola niya nung mapansin na may mga ibang tao na nakaka rinig sa kanya kaya nanahimik na samantalang si Elena naman di narin nag comment malamang kasi andito yung Lola ni Martin nahihiya siya marahil na makita yung totoo niyang ugali. Plastic tanging comment ko sa kanya.

Next chapter