"Anong sinasabi mong okey lang at di ka selosa?"
Takang tanong ni Martin sa akin. Huminto siya sa pagkain at bahagyang tumingin sa direksyon ko na naka kunot ang noo kaya napilitan akong magpaliwanag para maintindihan niya yung point ko.
"Di ba nag papaalam ka sa akin kung pwedi ka magsama ng ibang babae sa party?"
"Ha parang wala naman akong sinabing ganun saka bakit ako magsasama ng ibang babae eh andito ka naman. Bakit may lakad ka ba sa Saturday?"
"Akala ko kasi may gusto kang isamang iba sa party kaya sinabi ko okey lang di naman ako selosa."
"Honey anu ka ba girlfriend kita bakit di kita isasama at bakit ako magdadala ng ibang babae?"
"Akala ko kasi yun ang ibig mong sabihin!"
"Maraming namamatay sa maling akala Hon!"
Seryoso niyang sabi sa akin na parang di niya gusto yung naisip ko kaya nagpakumbaba na ko.
"Sorry di ko naintindihan."
"Hon pag di mo ko naintindihan okey lang tanungin mo ko para linawin ang bagay bagay ayaw ko magkaroon tayo ng misunderstanding dahil sa di tayo nagka intindihan di yung nag assume ka kagad."😇
"Okey, sorry!"
"Halika nga rito!"
Sabay hila sa akin papalapit sa kanya at pinatong yung baba niya sa balikat ko at dahan dahang nagsalita malapit sa tenga ko.
"Di kita ikinakahiya kahit san ako magpuntang party ikaw lang yung yayain ko. If ever di ka pwedi mas pipiliin kong pumuntang mag isa or di na ko pumunta kaya wag mong isiping magsasama ako ng iba."
Bahagya niya kong hinalikan sa pisngi at tiningnan ng puno ng pagmamahal at tinugon ko iyon ng ubos ng tamis na ngiti. Hahalikan sana uli ako ni Martin ng tapikin ko ng mahina yung muka niya para di niya iyon maituloy at muli akong kumain.
"Formal party ba yun?"
Tanong ko sa pagitan ng pagkain.
"Oo"
"So kailangan pala naka gown dun. Anung susuot mo?"
"Ako baka mag Americana na lang ako."
"Anong kulay?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Para sana pares tayo ng color di ba sweet yun?"
Sabay kindat ko sa kanya.
"Haha... haha... pwedi sige sabihin ko sa magpe-prepare ng damit natin na dapat parehas ang kulay."
"Nagpa handa ka na ng damit natin?"
Takang tanong ko.
"Oo, bale sa Saturday sunduin na lang kita ng maaga tapos dito na tayo magbihis para maka pili ka pa ng gusto mong kulay at style."
"Bakit ilan ba pinahanda mo?"
"Nagpahanda ako ng five gown para sayo sabihan ko na lang na paresan din yun ng damit para sa akin para termo tayo!"
"Ano ka ba sayang naman yun kahit isa lang di naman ako mapili."
"Okey lang yun marami ka pang pagkakataon na masuot yung iba marami pa tayong parting pagsasamahan."
"Ang gastos mo!"
"Haha...haha wag mong alalahanin yung gastos may mas dapat ka pang alalahanin dun."
"Ano yun?"
"Basta mag ready ka sa Saturday!"
"Bakit ako magreready?"
"Basta!"
"Wag mong sabihin andun parents mo!"
"Nahulaan mo kagad ah hahaha!"
Napa hinto ako sa pagkain at napa tingin sa kanya ako naman yung napa kunot ang noo.
"Akala ko nasa Europe pa sila kaya wala sila dito?"
"Oo pero di ko naman sinabi saya na di sila uuwi. Nagkataon na pauwi na sila next week kaya pupunta sila sa party."
Casual na sabi ni Martin na parang normal lang kami mag meet ng parents niya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at kinakabahan ako.
"Di ba masyado pang maaga para ko ma-meet ko ang mga parents mo? I mean is baka pwedi next time na lang di muna ako sasama sayo sa party."
"Three months na tayo Hon, ako nga na meet ko na yung parents mo nung one month pa lang tayo. Kaya dapat makilala ka narin nila saka magandang oppurtunity ito para ma meet nila yung daughter in law nila."
"Martin anu ba yang pinagsasabi mo. Masyado pang maaga para sabihin mo yan."
Bigla akong nahiya paano nasa ganung stage na pala ang tingin ni Martin sa relationship namin samantalang ako nasa knowing each other parin. Akala ni Martin dahil nanahimik ako natatakot ako sa parents niya kaya agad niya kong kinofort.
"Wala kang dapat ikatakot Hon sila Mommy at Daddy lang yun di ka nila kakainin saka isa pa andun naman ako kaya wag kang mag-alala ako bahala sayo!"
Sabay hawak sa kamay ko. Agad akong ngumuso dahil sa remarks niya na parang wag kong alalahanin yung mga magulang niya. Alam ko naman na malapit siya sa mga ito dahil nga nag iisang anak kaya malaking bagay din kung magugustuhan nila ako.
"Sinabi mo ba sa kanila na may babae kang papakilala sa party?"
"Hindi ko pa sinasabi, surprise ko yun sa kanila."
"Paano kapag nagalit sila sa surprise mo o kaya di nila ako nagustuhan or may iba silang gusto para sayo di ba ganun sa mga mayayaman ayaw ng magulang ng lalaki sa babaeng mahirap para sa anak nila."
"Tigilan mo nga yung kakapa nuod ng mga palabas sa na ganyan sa TV. Di naman lahat ay ganyan yung ending or situation saka di naman matapobre yung mga magulang ko. Mabait yung mga yun at sure ako na magugustuhan ka nila. Saka may tiwala sila sa akin sa pagpili ng babae para sakin. Mataas kaya standard ko. Pero kung sakaling ayaw nila sayo eh di problema nila yun ang importante gustong gusto kita!"
Sabay halik sa labi ko. Umiling na lang ako sa sagot niya kasi parang sigurado siya na di magiging sagabal yung magulang niya sa relasyon naming dalawa at wala kaming magiging problema kaya wala dapat ako alalahanin.
Kaya medyo nakapanti ako ng kaunti dahil sa assurance niya. Painom ako ng kape ng muli siyang magsalita.
"By the way andun din sila Lolo at Lola ko medyo strict yung mga yun kaya ingat ka!"
"Wow nice naman sana andun din yung mga Tito at Tita mo!"
"Actually andun din sila pati mga pinsan at some of my niece and nephew kaya dapat mag practice ka nang maki pag beso-beso at magpa kilala!"
"FAMILY REUNION?"
Di ko maiwasang mapasigaw, paano ba naman sa parents pa nga lang kinakabahan na ko ngayon kasama pa yung Lolo at Lola ngayon kasama pa Tita at Tito pati mga pinsan ang daming mag eestima sa akin lalo tuloy ako kinabahan samantalang siya natutuwa.
"Hindi annual party lang siya haha!"