webnovel

Meeting with Parents 2

Kanina ko pa hawak yung cellphone ko di ko alam kung panu i-text si Martin para sabihing like siya ma meet ni Papa. Alam ko naman busy siyang tao. Pero pag di siya pumunta anung sasabihin kong dahilan.

Inabot na ko ng hapon pero di ko parin siya na-text. Sumasakit na ulo ko sa kaka compose ng text at kabubura.

"Hays!"

Buntong hininga ko sabay muling lapag ng cellphone ko. Sumandal ako sa upuan at ko at sabay pumikit para kahit papano ma-relax yung mata ko.

Maya-maya biglang tumunog yung cellphone ko nung tiningnan ko yung caller naka lagay "Mr. M". Agad akong natuwa kasi siya na yung tumawag.

Napangiti rin ako sa nick name na binigay ko sa kanya bagay na bagay kasi short yun ng Martin at Manyakis.

"Haha...haha...!"

Evil laugh....sa isip ko lang.

"Hello!"

Mahina kong bati kasi kahit papanu nasa office pa ako nakakahiyang marinig ako ng mga ka officemate ko.

"Nasa office ka?"

"Yup! Bakit ka napatawag?"

"Sunduin kita mamaya, six labas mo di ba?"

"hmmm!"

Mahina kong tugon bilang pang sang ayon sa kanya.

"Wait mo nalang ako mamaya! Bye!"

"Bye!"

Ibinaba ko na yung phone pero di ko nasabi yung dapat kong sabihin, iniisip ko bahala na mamaya kapag nagkita na kami. Ayaw ko kasing isipin ni Martin na exited akong ipakilala siya sa mga magulang ko.

"Wag ko na lang kaya siya papuntahin sabihin ko na lang kay Papa na nag out of town"

Daming pumapasok sa utak ko na idea para sa gagawin kong dahilan ng tumunog yung cellphone ko si Mike ang nag text.

"Ate, uwi ka na kagad nagugutom na ko ang sarap ng lutong kare-kare ni Mama!"

"Okey!"

Matipid kong reply na imagine ko reaksiyon ni Mama if masasayang yung effort niya.

"Bahala na si batman mamamaya!"

Sabi ko sa sarili ko habang tinapos ko yung mga trabaho ko.

Saktong six ng gabi ng tumunog yung cellphone ko nagtext si Martin

"Dito na ko sa baba wait kita. Ingat!"

Laman ng text niya kaya agad na kong nagligpit at nag ayos ng sarili. Tiningnan ko muna yung mga ka officemate ko ng sa tingin kong walang masyadong pumapansin sa akin agad akong nagpunta ng parking lot. Palinga-linga ako at hinahanap yung kotse ni Martin pero di ko siya makita.

Akma ko ng kukunin yung cellphone para sana tawagan siya ng may marinig akong bumusina.

Pag tingin ko sa bumubusinang sasakyan nakita ko si Martin nakasakay sa isang pulang porsche 911 carrera.

Tagal kong naka tingin sa kanya kasi naman ang ganda ng sasakyan niya.

"Hop in kung ayaw mong makita tayo ng mga ka officemate mo!"

Dahil dun bumalik ang ulirat ko at agad akong pumasok baka nga mamaya may makakita sa akin mahabang paliwanag kung sakali.

"Seat belt!"

Narinig kong sabi ni Martin kaya mabilis kong isinuot para makaalis na kami. Nung umandar na yung sasakyan at bumabyahe na kami pa Makati ng maalala ko na kailangan ko umuwi kagad.

"Hatid mo na ko sa bahay! Kailangan kong uwuwi ng maaga!"

Paki usap ko sa kanya.

"Dinner muna tayo!"

Mabilis namang sagot ni Martin.

"Sa bahay na lang tayo mag dinner, naghanda si Mama ng kare-kare para sayo!"

"Talaga?"

Tuwang tuwang sabi ni Martin sa akin.

"Oo, pasasalamat niya para dun sa wine, tea at suppliment na ibigay mo."

"Ha? Akala ko pa naman gusto na ko ng Mama mo para sayo!"

"Oo gustong gusto ka niya para sakin sa sobra niya ngang gusto sayo malapit na niya akong hatawin ng walis!"

Sarkastiko kong sabi.

"Ha? Bakit ka hahatawin?"

Inosente pa niyang tanung. Di ko na siya sinagot tiningnan ko na lng siya ng masakit.

"Hahaha... haha...!"

"Tuwang-tuwa!"

Muli kong irap sa kanya.

"Lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka! Alam mo ba yun?"

Papuri niya sa akin.

"Lalo ka namang nakakaasar kapag nagpapa cute ka ng ganyan."

"Hahaha... hahaha! Atleast na cutan ka sa akin!"

Muli niyang tawa.

"U-turn ka na diyan!"

Turo ko sa isang U-turn sa unahan namin.

Pero dumiretso lang siya.

"Daan muna tayo dun sa bahay ko. Kunin ko lang yung bibigay ko sa parents mo."

"Naku wag na! Mag-aabala ka!"

"Okey lang binili ko yun para sa kanila!"

"Hays! Sige pero pwedi ba wag mo silang bigyan ng sobrang mahal na bagay. Mahirap na baka masanay sila di ko yan kayang bilhin."

Mahina kong sabi.

"Don't worry di naman yun ganun ka mahal saka isa pa kailangan ko rin magpalakas sa parents mo para magustuhan nila ako para sayo."

Sabi ni Martin sabay hawak sa palad ko at bahagya pa niyang pinisil.

"Di ka nila magugustuhan dahil diyan kaya wag ka ng bumili ng kung ano-ano!"

"Ano ka ba di yun kung ano-ano para yun sa kalusugan nila maganda kaya yun sa health. Saka binabayaran mo naman yun kaya wag kang mahiya."

"Binabayaran ko? Paano?"

Takang tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin ako bigla niya kong hinalikan sa labi.

"Ayan bayad na yung wine, bale yung tea at suppliment na lang ang di bayad!"

Napa iling na lang ako sa ginawa ni Martin. Di ko talaga siya maintindihan.

"Siya nga pala madami ka bang sasakyan diyan sa hotel?"

Mahina kong tanong.

"Meron akong apat diyan sa hotel. Itong porsche, ung montero, ung bwm saka yung ferrari ko. Bakit like mong humiram?"

"Hindi... pwedi bang yung BMW nalang yung dalhin mo ngayon papunta sa bahay masyado kasing masakit sa mata yung sasakyan mong ito."

"Bakit masakit mata? Dahil ba sa kulay?"

Tanong sa akin ni Martin habang nagpapark sa parking area.

"Basta yung BMW na lang dalhin natin."

Matigas kong sabi habang bumaba sa sasakyan. Ang hirap ipaliwanag kasi na baka atakihin yung kapatid ko kapag nakita yung sasakyang ito.

"Okey, kung ano pong gusto ng mahal na prinsesa"

Naka ngiting sabi ni Martin sabay akbay sa akin at ginaya akong papuntang elevator.

"Diba may kukunin ka lang naman. Hintayin na lang kita dito!"

Sabi ko habang papalapit kami sa elevator.

"Sumama ka na sa akin may utang ka pang dapat bayaran!"

Ang ganda ng ngiti niya pero alam ko di maganda ang naiisip niya. Kaya agad akong nagprotesta.

"Martin, nagugutom na ko kaya kailangan na nating umalis kagad."

"Mabilis lang tayo don't worry!"

"Hays!"

Mukang wala nanaman akong takas nito. Nasabi ko na lang sa sarili ko habang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng elevator paakyat.

Next chapter