webnovel

Shameless

Huminto kami sa isang Filipino Restaurant sa tabing kalsada.

Agad kaming dinala ng waiter sa isang apatang lamesa. Agad akong umupo sa may malapit sa bintana si Mang Kanor ang umupo sa tapat ko. Samantalang si Sir Martin tumabi sa akin. Di ko na masyadong inisip kasi kahit papano may kasama kaming iba. Malamang umayos siya at di na siya gumawa ng mga nakakahiyang bagay. Agad kaming omorder ng makakain.

Naging tahimik yung pag kain namin.

"Sir Excuse nga muna, punta lang ako sa powder room." Nasa pagitan kasi ako ni Sir Martin at ng bintana. Kailangan tumayo ni Sir Martin bago ako makalabas. Pinipilit kong pigilan ang pag ihi, para sana di ko maistorbo si Sir Martin sa pagkain. Pero di ko na kayang pigilan kaya nag excuse na ko.

Agad naman siyang tumayo para bigyan ako ng way. Nang bigla niya kong hawakan sa braso na agad kong ikinagulat.

"Bakit Sir?" Inosente kong tanong.

Di niya ko sinagot at di rin niya binitiwan yung braso ko. Sa halip kumuha siya ng tissue sa lamesa at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"May sauce!" Maikli niyang sagot. Sabay bitiw sa kamay ko at bumalik sa pag upo niya.

"Sana sinabi mo nalang Sir, ako nalang sana nagpunas!" Naasar kong sabi. Pano nakakahiya sa kanya saka si Mang Kanor nakatingin samin na nakangiti na para bang nang aasar. Pero parang bale wala lang ang sinabi ko. Dahil muli lang siyang umupo na para bang walang nang yari.

"SHAMELESS..."! Sigaw ng isip ko.

Pagbalik ko sa table namin, wala na si Mang Kanor si Sir Martin nalang ang nakaupo habang nagpipinndot ng cellphone niya. Pag lapit ko agad siyang nag salita.

"Okey ka na?" Tanging tango lang ang isinagot ko sakanya. Agad naman siyang tumayo para umalis na kami.

Pag dating namin sa parking area andun na si Mang Kanor nakaupo na sa kotse. Kaya agad kaming sumakay para umalis na. Ganun parin yung sitwasyun busy parin si Sir Martin sa laptop niya. Kaya ako naglagay nalang ng headset sa tenga at nagpatugtog ng mellow music. Mapapanisan talaga ako ng laway pag kasama ko si Sir Martin.

Dumating kami sa Pagudpod ng two o'clock ng hapon. Ibinaba kami ni Mang Kanor sa harap mismong hotel.

"Baba na po kayo dito Sir and Ma'am para di na po kayo maglakad!" Kaya agad kaming bumaba. Pagka baba namin, agad na umabante yung sasakyan.

"Wait Kuya yung bag ko!" sigaw ko. Pero di huminto si Mang Kanor.

"Ibaba nalang niya yun mamaya!" Maikiling tugon ni Sir Martin. Na agad namang pumasok sa hotel kaya sumunod narin ako kasi talaga namang mainit.

"Good Afternoon Sir and Ma'am Room po?" Magalang na bati ng receptionist.

"We have appointment with Mr. Edison Gamboa, I'm Mr. Martin Ocampo please tell him!"

"Wait lang po Sir, Call ko lang po si Manager." Sagot ng receptionist.

Maya-maya may humahangos na isang lalaking medyo may katabaan, sa tingin ko nasa late 40's na yung edad niya. Pero kahit papano maayos parin siyang manamit naka suot siya ng itim na slack at leather shoes. Medyo may kalakihan lang yung tiyan niya.

"Sir Martin?" Agad niyang tanong paglapit niya sa amin.

"Yes!" Sagot ni Sir Martin.

"Hello Sir, I'm Bernard Tan the manager of Hotel Paraiso. Nabilin na po kayo sa akin ni Sir Edison." Sabay lahad sa kanyang kanang kamay.

"Hello, I'm Martin! Where is Edison?" Inabot naman niya yung nakalakahad na kamay ng isa.

"Sorry Sir nagka roon lang ng emergency si Sir Edison kaya bigla siyang lumuwas ng Manila. Sabi po niya tour ko muna kayo dito sa hotel para po maging familiar kayo. Pero ina-sure naman si Sir Edison na bukas andito na po siya para po mapag-usapan niyo yung tungkol sa hotel. Gusto niyo po ba munang kumain, magpapahanda po ako ng lunch?" Mahabang paliwanag ni Sir Bernard.

"Gusto mong kumain?" Baling sakin ni Sir Martin.

"Busog pa po ako!"

"Pahinga nalang muna siguro kami Mr. Tan, medyo mainit pa naman. Mamaya mo na lang kami tour."

"Okey po Sir kung yun po ang gusto niyo! Hatid ko kayo room niyo."

Pasunod na kami kay Sir Bernard ng pumasok din si Mang Kanor dala yung mga bagahe namin. Agad ko siyang nilapitan para kunin yung bag ko. Pero naunahan ako ng bell boy tumulong sa kanya. Kaya sumunod nalang ako sa likuran nila Sir Martin at Sir Bernard.

"This way please!"

Dinala niya kami sa isang family room sa 3rd floor which is merong dalawang kuwarto na available.

"Ito yung susi Sir Martin. Maganda 'tong kwarto na ito nakaharap sa dagat. Plus meron narin po siyang kitchen na pwedi niyong gamitin. Andito po yung CR saka meron siyang mini bar." Explain ni Sir Bernard.

Ang ganda ng kuwarto napaka simple pero kumpleto na ng gamit. Saka yung view panalo kasi yung ding-ding niya pure glass na natatakpan lang ng purong salamin kaya kitang kita mo yung view ng dagat. Meron din siyang mahabang beranda na mayroong duyan. Tamang tama talaga kapag gusto mong mag relax at eenjoy ang nature. Pero wait dalawang kuwarto lang yung sabi ni Mr. Tan. Eh tatlo kami, alang namang tabi si Sir Martin saka si Mang Kanor sa isang kuwarto at lalo namang di kami pwedi magtabi. Baka sa sofa si Mang Kanor pero pagtingin ko sa sofa di pweding tulugan kasi puro one seater. Kaya di ko mapigilang magtanong.

"Sir may available pa po ba kayong kuwarto?" Magalang kong tanong kay Mr. Tan

"Bakit po Ma'am? May problema po ba? May ayaw po ba kayo?" Dire-diretsong tanong ni Sir Bernard.

"Di sa ganun Sir, Gusto ko po yung kuwarto! Maganda po siya kaya lang tatlo po kasi kami eh sabay turo kay Sir Martin at Mang Kanor, na agad namang sinundan ng tingin ni Sir Bernard. Maliban po kung may spare bed po kayo na pwedi ko pong ilatag dito sa sala para po may matulugan ako."

"Sorry akala ko po kasi share na kayo ni Sir Martin ng kuwarto. Kasi two rooms lang yung pinareserved sa amin. Di pa po pala kayo nag tatabi".

"Ha... bakit po kami magtatabi"? Takang tanong ko pero bigla kong narealise yung ibig niyang sabihin.

"Ay.. di po Sir wala po kaming ano ni Sir Martin! I mean... di po kami.... ano...". Di pa ako natapos magpaliwanag ng magsalita si Sir Martin.

"Mr. Bernard please give one room to Mang Kanor, biglaan kasi ang pag sama ni Michelle kaya di ako nakapag pareserve ng isa pang room. Pero okey na kaming dalawa dito, Salamat".

"Sige po Sir, Check ko lang po kung ano pang room ang available. Punta lang po ako sa receptionist". Agad lumabas si Sir Bernard.

"Sunod ka na sa kanya Mang Kanor, para makapag pahinga ka narin po, Ako ng bahala sa mga gamit." Kaya sumunod si Mang Kanor kay Sir Bernard na lumabas.

Nang makalabas na yung dalawa saka ko naalala, Bakit ako nagpaiwan?

"Wait... ako nalang po lilipat ng kuwarto!" Kaya agad akong humakbang papunta sa pintuan pero hinarang ako ni Sir Martin.

This is the longest chapter kaya isang beses lang ako magrerelease ngayong araw :)

pumirangcreators' thoughts
Next chapter