He likes what he is doing, being an assassin, like a predator that always want to find a prey. I met him in a not great situation, situation where in front of my eyes he killed a person. Then we met again in someother time, but he is not a killer this time but a classmate.. When he enter our school,he looks like an angel to my schoolmates but to me he's a demon, a demon who kills a person.. We both get to know each other then one day I suddenly felt this fluffy feeling in my heart and before I realise it, I'm already fell in love with a killer. But that's not where the story end, because we didn't know that we have a connection to each other. A/N:This story is just a fictional story, names and events of this story are only made up by my mind, so if any of them have a comparison to life or names are just a coincidence.. Also this story is not a gore It's purely decent... also this a story from my other account and it's in filipino YuKi...
Heidi's Pov...
*Yawn*
Inaantok na ako sa event na ito dapat kasi si mama ang dadalo dito kaya lang ang taas ng lagnat niya kaya lang mahalaga daw itong event na ito kaya nagpresenta na lang akong pumunta kaysa naman mapahamak pa si mama.
"Oh Heidi ikaw pala iyan" Napatingin ako sa likod at sa wakas may kakilala na ako dito sa event na ito.
"Hello po tita Elly" Nang makita ko siya ay para bang may hinahanap siya.
"Di mo ba kasama ang mama mo ngayon diba siya dapat ang pupunta dito?" Tanong niya.
"Di po makakapunta si mama kasi po bigla po siyang nagkasakit, ang taas po ng lagnat niya kaya ako na lang po ang pumunta" Nang sabihin ko iyon ay biglang nagbago ang mukha ni tita at mahahalata ang pag aalala sa mukha niya.
"Ganon ba, sige sabihin mo na lang magpagaling kaagad siya" tumango na lang ako kay Tita Elly at nagpasalamat bago mapag isipan na mag libot libot muna sa mansyon ng mga delta.
Nakalimutan ko pa lang sabihin na event ito ng mga Delta dahil malapit na ang eleksypn at inimbita nila ang mga matagal ng kasapi ng partido nila at isa sa mga suporters nito si mama pero dahil nga nagkasakit siya ay hindi ko na siya hinayaang umalis dahil baka kung mapano siya.
Nag ikot ikot ako hanggang sa mapunta ako sa may hallway na walang tao at dumiretso ako dito. Napatigil ako ng makarinig ako ng mga nagtatawanan.
"Nakakatawa ang mga tao sa ballroom talagang naloko natin sila, napaka dali talaga nilang utuin pero mas maganda na rin iyon para sa atin dahil mapagpapatuloy natin ang pagpapadala ng mga baril sa ibang mga clan" Boses ng isang babae, anong clan at bakit may baril? Lihim ba silang sindikato.
"Sinabi mo pa, sa paraang ito ay mapapataas na rin natin ang ranggo natin sa mga clan na iyon at mabibigyan ng pagkakataong pamahalaan lahat ng pamilyang iyon." Sa pagkakataon namang ito ay lalaki ang narinig ko. Medyo naguguluhan na rin ako sa mga pinagsasabi ng mga tao sa loob.
"Siguraduhin niyo lang na iyan lang ang pakay niyo sa pagtakbo ngayong halalan dahil kung pati posisyon ko kunin niyo ano nang silbi ko sa clan natin." Dahil hindi ko na rin naman maintindihan ang mga pinagsasabi nila ay aalis na sana ako ng bigla kong nasagi ang vase na nakadesign sa gilid.
Halos atakihin ako sa kaba dahil sa tunog na ginawa nito.
"Sinong nandyan?! " Pasigaw na sabi sa akin ng isa sa mga tao sa loob.
"Tingnan mo nga Julie" Dahil sa utos sa loob ay kinabahan ako dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin bakit ba kasi ako nahkulit eh.
*Screech*
"Wala naman eh, baka si Frisky lang iyon" Hindi ako makapaniwala dahil sa bilis ng pangyayari, sino ang lalaking 'to.
"You must not move yet" Sabi ng lalaking hawak hawak ang bewang ko at nakasabit sa isa sa mga chandelier na nakadesign sa kisame.
Nang magsara na ang pinto ay dahan dahan akong binaba ng lalaking bumuhat sa akin at medyo natakot ako sa ayos niya.
Magnanakaw ba siya bakit puro itim ang mukha niya at nakatago ang mukha niya.
Hahawakan ko sana ang tela na nakatakip sa mukha niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"What are you doing?!" Alerto niyang sabi na ikinagulat ko pero ng makita niya ng maigi ang mukha ko ay nakita ko rin ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko pa napoproseso ang mga mangyayari ng bigla niya kong buhatin at itakbo.
Grabe dahil sa sobrang bilis niya ay para bang masusuka ako at bakit pangsako ang buhat niya sa akin.
Nang tumigil siya at ibinaba ako ay medyo nahihilo pa ako at tinulungan niya pa akong tumayo pero grabe naman siya, di naman niya ako kailangang dalhin na parang sako paano na lang kung masuka ako.
"Sino ka ba? " Tanong ko sa kanya na pinalitan niya ng pagkatulala sa akin. Ano bang nangyayari sa taong 'to?
"Kaneshiro sensei we need to get going" hindi ko alam pero biglang may sumulpot na mga kalalakihan na kaperehas niyang nakaitim pero mas simple ang suot dahil wala silang suot na cape di tulad ng lalaking 'to.
Tiningnan niya lang ako ng matagal ng bigla na rin siyang nawala sa paningin ko. Ano ba iyon?
Pumasok na lang ako ulit sa loob ng mansiyon at nanatili na lang sa event hall at hinintay ang mga leader ng party list.
Maya maya ay lumabas na din ang hinihintay ng lahat sa event na ito pero ikinagulat ko ng makita ko na isa sa mga tao sa labas yung babaeng nakita ko kanina.
"First of all thank you sa lahat sa pagpunta sa special event ng Delta Party list I'm George Delta, I'm running as governor this coming elections I hope i can expect your votes" Iyan yung isa sa mga boses na narinig ko kanina ah, so sila yung mga parang mga corrupt na politiko sa pelikula na napaka cliché ngayon.
Maya maya ay nakumpirma ko iyon ng magsalita na rin yung isa pa nilang kasama.
Hindi ako makapaniwalang kay ganitong nangyayaring kalokohan sa party na ito.
Napaatras na lang ako at maya maya ay may isang bagay na itinapon sa harapan ko, bigla akong kinabahan ng makita ko ang bagay na iyon.
Bomba.
Handa na sana ako sa hindi ko pinlanong kamatayan pero ng tumagal ay hindi ito pumutok kundi naglabas lamang ng makapal na usok.
Smoke granade.
Nagsigawan ang lahat dahil sa nangyari at nagulat kaming lahat ng maka rinig kami ng mga sigaw sa may bandang stage.
Maya maya ay may nakita akong imahe ng babae na papalapit sa akin at nakilala ko siya kaagad.
Siya si Julie Delta at mahahalata ang takot sa mga mata niya habang tumatakbo papunta sa akin.
"Tu... Tulong tulungan mo ak... Ughh" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang may tumagos na espada sa likod niya.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. Napakaraming dugo.
Maya maya ay may bigla akong mga narinig sa utak ko.
'**** mahal na mahal ka ni oka sama'
Napasigaw ako dahil sa sakit na dinulot nito sa akin.
Ang mga alaalang nakalimutan ko na para bang ayaw sa aking ipaalala ng dating ako.
Maya maya ay nanlalabo na ang paningin ko. Pero bago ako mawalan ng malay ay may malalakas na bisig ang sumalo sa akin.
A Suivre...