webnovel

CHAPTER 11

Jessy P.O.V

Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact nang makita ko ang seryosong mukha ni Boss Ahraw. Titi na titig ako sa mga mata niya na nakatitig rin sa akin, mabilis na lumabas ito ng kotse at nilapitan ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko ngayon. Nandito siya sa likuran ko nakaharang habang ako hindi pa rin gumagalawa sa kinatatayuan ko. Lumukso ang puso ko dahil sa sunod-sunod na putok ng baril, hanggang sa matapos na ito.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Ahraw. Bigla na lang niya akong kinabig paharap sa kanya at niyakap ako ng mahigpit, ang lakas ng tibok ng puso ko habang magkadikit ng husto ang katawan namin. Hindi ko alintana ang mahigpit na yakap nito na sa manipis kong katawan.

"I'll kill everyone, makita lang lang kita." mahinang usal ni Ahraw sa may punong tenga ko.

Naiiyak ako dahil... Dahil sa tuwing na sa panganib ako lagi siyang nandiyan para sa akin. Hanggang sa nilayo niya ang katawan ko at tiningnan niya ako sa mata, sinalubong ko ang mata niya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa pisngi ko dahil dumikit na ito sa subrang pawisan ng mukha ko.

"A-a... B-boss," mahinang usol ko at napapikit na lang ako.

Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang bumaba ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang malambot ang mainit at mabangong hininga nito. Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko dahil sa nangyari, pero hindi ko nagawang tumanggi dahil alam ko na nagustuhan ko ito.

-----

Hindi ko magawang magsalita dahil na sa isip ko pa rin ang paghalik niya sa akin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang kotse niya, ngayon ko lang naramdaman ang ganun. Alam kong walang halong malisya ang panghahalik niya sa akin.

"Punasan mo mukha mo." napalingon ako ng magsalita siya. Inabot niya sa akin ang panyo na kulay blue.

Atubili na kinuha ko ito dahil parang naiilang akong humarap sa kanya. Sa huli ay kinuha ko pa rin at sinimulan ko ng punasan ang mukha ko. Napansin ko na parang ibang lugar ang dinaanan namin.

"Sandali? Saan tayo pupunta?" Tanong ko na nagtataka, pero hindi siya sumagot kaya natahimik na lang ako.

Hindi nagtagal 'ay huminto na itong kotse sa isang napakataas na building. Kung tama ako 'ay isa itong condo building. Subrang taas at ang ganda kapag nakatingala ka dahil nagkikislapan ang mga ilaw sa itaas. Pati ang harapan nito napakaganda ng mga disenyo. Kulay krema ito na may combination na brown, napakadaming salamin nito. May spot light sa mismong pangalan ng building na lalong nagbigay ganda nito. Constancia Tower

Dinala ni Ahraw sa underground ang kotse at doon pinark. Magkasunod na lumabas kami ng kotse, nasa likuran niya ako habang naglalakad siya papasok doon sa may pinto.

Napansin ko na binati siya ng lahat ng makakakita sa kanya, ginagantihan niya rin sa pamamagitan ng tango. Bakit kaya parang kilala siya ng lahat? O baka naman sa kanya itong condo?

"Dito muna tayo magpalipas ng oras," simulang salita nito pagkapasok namin sa elevator.

Tiningnan ko muna siya bago magsalita. "Bakit hindi mo na lang ako hinatid doon?" sagot ko at tukoy ko doon sa tinutuluyan namin.

Tiningnan niya lang ako at wala akong nakuhang sagot, hanggang sa bumukas na ito. Nauna siyang lumabas kasunod ako, wala naman akong nararamdaman na kaba siguro dahil siya ang kasama ko. Ayoko man aminin pero simula pa lang nung una kakaiba na ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil ni minsan hindi ko pa ito naramdaman.

Gamit ang kanyang kanang palad tinapat niya lang ito sa parang monitor at nakalagay access verified. Kakaiba pala ang password dito dahil kamay mo ang gagamitin.

Pagpasok namin sa loob sumalubong agad sa akin ang mabangong amoy at malamig na palagid. Ang sarap sa mata ng kulay ng loob, dahil paborito ko ang kulay ng combination ng loob. White and black halos lahat ng makikita mo dito.

"Huwag kang mag-aalala wala akong ibang gagawin sa'yo," seryoso na salita nito na lumabas kung saan. Sabay hagis nito ng isang can ng beer, mabuti at nasalo ko agad.

Sinundan ko siya sa pinusakan niya habang nagtatanggal siya ng kurbata niya. Pagpasok ko sa loob namangha ako sa ganda ng kusina, kumpleto ang lahat ng kagamitan at napakalinis. Naupo ako sa isa sa mga upuan dito sa babasagin na lamesa.

Binuksan ko ang can at tinungga ito. Naupo siya sa tabi ko, nakiramdam lang ako sa kanya.

"Gusto mo bang kumain?" Maya'y tanong nito habang may hawak nito ang cellphone niya.

"Ayos lang ako, salamat." mahinang sagot ko.

"Sa susunod huwag niyo ng gagawin ang ganun, dahil baka hindi lang ganun ang abutin niyo." Simulang salita nito at nilapag ang cellphone niya.

Lumipas ang oras medyo marami na kaming nainom dahil nakailang labas na siya ng beer.

"Alam mo bang kaya kita kinuha noon dahil sa-" basag nito sa katahimikan namin, binitin pa niya ang sa sabihin niya.

Napalingon ako kahit pa ramdam ko na ang tama ng alak matino pa rin ang pag-iisip ko. At hindi ako makapaniwala na may dahilan pala ang pagkuha niya sa akin.

Tumangga muna siya at tiningnan ako, nakita ko naman sa mata niya ang ka-seyosohan sa sinabi niya.

"Dahil... Naaalala ko ang sarili ko sa'yo noo pa, lahat sa pagkatao mo halos katulad sa akin." patuloy nito.

Napalingon ako sa kanya at naghihintay pa sa sabihin niya.

"Isa lang akung masayahin na bata, kuntento na sa buhay kahit mahirap lang kami. Namamsura ako at nangangalakal kung saan-saan, upang may ipakain ako sa Nanay ko na may sakit." simulang kwento habang ang kanyang mata sa can lang nakatingin.

Mahirap rin pala ang kanyang buhay noon, pero bakit kaya siya napunta sa sitwasyon ngayon?

"Hanggang sa hindi sinasadya na makita ko at masaksihan ang isang masamang gawain. Nakita nila ako at dinampot mula sa pinagtataguan ko, halos maiyak ako sa takot nun dahil nakakatakot sila. Nakilala ko si Mr. BlackMoon, dahil sa kagustuhan ko na mabuhay pa nakipagkasundo rin ako tulad mo." Patuloy na kwento nito at nilingon ako.

Natigilan ako at hindi ko magawang magsalita, dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hinintay ko na ituloy niya ang kwento dahil gusto kong malaman ang lahat sa kanya.

"Akala ko sa pakikipagkasundo ko, matutulungan nila ang Nanay ko. Ngunit... Namatay siya dahil inipit ng tauhan nila ang perang pangpagamot sa Nanay ko," seryoso na salita nito at naging nakakatakot ang anyo nito.

Pakiramdam ko nawala ata ang tama ng alak sa katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang galit at emosyon at kinakabahan sa maaaring nangyari sa Nanay niya.

"Magpahinga ka na tara dalawa ang kwarto dito, kaya huwag kang mag-isip sa akin." bigkas nito at tumayo na.

Gustohin ko mang magtanong kung ano ang nangyari sa Nanay niya hindi ko na ginawa. Pero kahit paano nakilala ko ang tunay na siya.

Sinundan ko lang siya kung saan ang sinasabi niya na kwarto. Huminto siya at binuksan ang pinto, sinindihan nito ang ilaw kaya kumalat ang liwanag sa loob. May malaking kama sa pinaka-gitna na kulay gold at puti. Muli niyang pinalitan ang ilaw at naging parang light orange na ito, kaya medyo nagdilim.

"Sige na matulog ka na, bukas na kita ihahatid." mahinang salita nito at tumalikod na.

Akala ko talagang umalis na siya naramdaman ko na lang ang kamay niya sa beywang ko at inilapit ito sa katawan niya. Nagkabunggo ang katawan namin dahil sa biglang kabig niya sa akin.

"B-bakit?" Tangin nasabi ko. Nagsimula naman na bumilis ang tibok ng puso ko ng magkadikit ang katawan namin. Langhap ko ang pinaghalong amoy ng alak at ang mabangong hininga niya.

Titig na titig siya sa mga mata ko para akong napapaso, bumaba ang mata niya sa labi ko at parang nag-slow motion ito bago lumapat ang labi niya sa labi ko na natutuyo na sa kaba.

Alam ko ang nangyayari ngayon dahil malinaw na malinaw ang lahat.

Kusang pumikit ang mata ko at dinama ang kakaibang damdamin dito sa kailaliman ng puso ko. Hinapit pa niya lalo ako ng husto palapit sa kanya, hanggang sa napasandal na kami sa gilid ng pinto. First time ko ang mahalika kaya hindi ko alam kung paano gagawin, pero kusang sumusunod ang galaw ng labi ko sa ginagawa niya.

Alam kong mali ito pero hindi ko magawang pigilan.

AN: Woohooo, shit! Nakakakaba 😁 pasensya na sa mga nagbabasa. Bitin ba? Hayaan niyo may kasunod yan, wait niyo lang saglit. Ahem! Spg alert mga kapatid. 😁 sa mga bata pa diyan.

Next chapter