webnovel

KABANATA 10

ERCYL's pov...

Habang nag lalakad ako at pinagmamasdan ang kapaligiran madaming nabubuong plano at tanong rito.

Tumingala ako sa kalangitan at napangiti nalang ng maalala ko yung time na umulan at sinadya kong hindi magdala ng payong  para payungan ako ni jethro tulad ng ginagawa nya sa iba naming kaklase kapag wala silang dalang payong.

"Napaka weird mo talaga"

Napatingin ako sa nagsalita, nakangiti sya at nakapamulsa. Lumapit sya sa akin at tumingin din sa langit.

"Kanina, kaya nagalit ako kay Princess dahil napaka halaga ng kwintas na yun para sa akin. Ang kwintas na yun ay galing pa sa unang babaeng minahal ko"

Uminit agad ang ulo ko

" Edi tama lang na nawala mo yun loko loko ka pala eh "

Pero ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko.

Pero sa langit padin nakatingin.

"Sya ang nagsabing ibigay ko ang kwintas na yun sa babaeng importante sa akin "

At lumingon sya sa akin

"gets mo?" tanong nya na ikinakunot noo ko

" oh bat ka sakin tumitingin sakin moba ibibigay? Duh dinga kita kilala eh" at nag cross arms ako ng bigla syang tumawa

"hindi ah, Actually Kay cess ko binigay kasi alam kong iingatan nya yun"

"sus sabihin mo gusto mo sya pakeme kapa e"

At ngumuso ako at sinipa ang bato

"alam mo para kayong abnoy, Naniwala ka namang iwawala ni cess ang kwintas? Tch. Minsan kasi iba ang sinasabi ng bibig sa sinasabi ng puso"

At tinuro ko ang dibdib nya.

"bakit hindi ka nagtaka na napaka dami ng sugat ni princess? Bakit kaya sya natagpuan ni andrea?"

"anong ibig mong sabihin?"

Inirapan ko sya

"ewan ko sa inyo"

Lalakad na sana ako palayo ng hawakan ako sa wrist ni nicholas

"Tell me, Princess is not that talkative. She's good and kind but she never tell a secret's"

Nakakaawa naman sya

"Naiwan mo daw ata yung kwintas at ibabalik nya sayo dahil alam nya kung gaano ito ka importante sayo kaso may babae daw na bigla nalang nagalit ng makita ang kwintas tapos pilit inaagaw sa kanya hanggang sa saktan sya nito at nakita naman sya ni andrea ayun ang nangyare"

Pagpapaliwanag ko. Pero wala manlang akong makitang reaksyon sa mga mata nya.

Dahan dahan nyang binitiwan ang kamay ko.

"W-wag mong sasabihin kay Princess na sinabi mo sakin yang nalalaman mo. Nasaktan ko sya I feel guilty"

At yumuko sya

"oy! Gusto mo makabawi sa kanya diba?"

At tinapik ko sya sa braso nya as in pahampas. Nagulat sya at tinaasan ako ng kilay pero agad na ngumiti

"paano?"

"edi suyuin mo" at siniko ko tagiliran nya.Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko.

" okay then, what do you want in exchange?"

Parang nagliwanag naman ang paligid ko .

"Si jethro " sabi ko at tinignan sya nang nakangiti

Tumahimik sya sandali na nagiisip

"aish wala nang bawian " at niyugyog ko ang damit nya

"oo na oo na hahaha gusto mo talaga sya eh noh? Magkakilala ba kayo?"

Natigilan ako.

Oo wala ata syang alam dahil si Aries at Zajid lang ang may alam na kilala ko si jethro at sabay kaming napapunta dito.

"h-hindi .. Nakita kolang sya sa bahay ni zajid na bumisita"

Sabi ko . What an excuse.

"ow sige una na ako ha,bye "

At nag wave sya

Bumuntong hininga nalang ako. All this time kinakabahan ako ng sobra. Binabalot ako ng takot sa di malamang dahilan. May mangyayari bang masama?

"huli ka balbon!"

"aypalakangtinolalumipad!"

Sigaw ko sa gulat at hinampas si zajid

"aray naman hahaha bakit kaba nakatulala dyan? Walang pasok ngayon kaya ka gumagala? Dapat sinabihan mo ako para naipasyal kita"

At inakbayan nya ako.

"laro tayo zajid"

Total bored din naman ako.

"anong laro?"

"tagu taguan " sabi ko at inilibot ang tingin sa malawak ng damuhan at kabahayan sa palibot

"hmmm.. Sige ikaw taya "

"ako taya pero may kapalit"

At inismidan ko sya. Aba wala nang libre ngayon

"makikipaglaro ka na nga lang may kapalit pa "

At dahan dahan syang lumapit pero inanbaan ko sya ng sapak, Kaya tawa sya ng tawa

"hahahaha okay fine talo na ako "

"hindi pa nga nagsisimula ang laro e!" naiinis kong sigaw

" I mean kahit walang laro panalo kana dahil ikaw ang winner sa puso ko "

"luma na yan " at binelatan ko sya

"okay then if were going to play I will fight to win your heart "

Nag make face lang ako sa kakornihan nya

"okay pag nakita kita, isang linggo kang hindi lalabas ng gabi. pag hindi kita nakita bago mag gabi pag luluto kita ng isang linggo"

Medyo napangiwi ako sa last na sinabi ko.

Duh hindi ako marunong magluto!

Ngumisi naman sya at tinuro ang paligid

"this is my place , go and find me 'mine' if you can "

At kumindat sya at nag flying kiss.

Napa face palm nalang ako. Anlakas ng tama sa ulo ng isang yun.

--

Hindi ko alam pero biglang tumaas balahibo ko ng may gumalaw sa matataas na damo . Para bang may tumakbo doon.

Wala sa sariling pumasok ako sa damuhan kahit na nakakatakot ako ng sobra sobra.

Sa bawat pag tanggal ko sa dahong naka hara sa harapan ko ay feeling ko dinadala ako ng mga paa ko sa kapahamakan.

Anong nangyayare sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nilingon ko ang humawak sa balikat ko.

At halos lunukin ko lahat ng laway ko sa takot.

"Andrea nakakagulat ka" at napahawak ako sa dibdib ko

"tch so ano nga ginagawa mo dito?"

Pag uulit nya sa tanong

"ahm hinahanap ko kasi si zajid"

Sabi ko at napatingin sa likod ni Andrea.

May babaeng naka hood dun pero natatakpan ang mukha ng dahil sa mga matataas na damo.

"nakikinig kaba? Hoy bubita sabi ko samahan moko"

"h-ha?" pagharap ko kay andrea at tumingin uli sa likod nito ay nawala na ang babae.

Hindi ako maaaring magkamali parang napaka pamilyar ng awra nya.

"ewan,!" sabi nya at hinila ako paalis sa damuhan pero may naapakan ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Ng makalabas na kami dun pilit kong tinatanggal ang hawak ni andrea sa kamay ko..

"teka lang may kukunin lang ako" sabi ko at tumakbo pabalik dun.

Nakangiti kong dinampot ito at nilagay sa bulsa ko at lumabas na doon.

"tagal mo naman tch bilis follow me"

At sumunod nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami palayo sa matataas na damuhan natanaw ko si Nicholas na kumakaway sa akin

Napahinto ako ng hawakan ako sa wrist ni Andrea at mahinang nagsalita

"Dont come near him. kung maaari iwasan mo ang anim"

Ewan ko kung warning yun. Knowing andrea mataray sya na warfreak.

Tuluyan ng nakalapit si Nicholas sa amin at nakangiti sya. Well halos lahat naman mahilig ngumiti si jeth lang ata nag bago simula mapunta dito eh.

"Hi andrea , Hi Ercyl "

At tinignan nya kami ni andrea .

"may lakad kami kaya wag kang istorbo kinuha mo na nga alalay ko kukunin mopa babaeng katabi ko"

Pagtataray ni andrea

"tomboy kaba andrea? Shocks hindi tayo talo"

At umiling ako pero sinamaan nya ako ng tingin. Tumawa si Nicholas bago tumikhim at nagsalita

"Later 3pm puntahan moko sa likod ng library may date tayo"

At kumindat sya.

I shrug, joke yata o kaya papatulong kay Princess.

"aray!" napangiwi ako ng hampasin ni andrea ang braso ko.

"ikaw!"

Tinuro nya ako kaya tinuro kodin sarili ko

"ako?"

"oo! You dont know how dangerous you are"

"wala akong virus" inirapan ko sya at akmang sasapakin nya ako ng mag sign ako na tatahimik na.

Nginuso nya ang puno na malaki na medyo matanda na at madaming dahong nangangahulog.

Umupo ako sa ugat nito ganun din sya.

Pinagmasdan ko lang sya habang seryosong nakatingin sa kapaligiran.

"Ang anim na lalaking yun. Hindi mo alam kung anong dala nilang kapahamakan, iba sila sa inaakala mo"

Pamimula nya at pag kuway nagpatuloy din.

"Let me tell you a story, May ibat uri ng langgam or ants. May pula na nangangat at itim na mabait pero kapag nakagat ka masakit at mamamaga , may langgam na malaki at magpapantal o magmamarka kapag kinagat ka nila. Pero kung hindi mo sila papakialaman hindi ka nila sasaktan. Kapag naging mabuti ka sa kanila ibig sabihin may ginawa ka."

"edi alisin sila" nakakunot kong sabi pero sinamaan nya ako ng tingin.

"edi kinagat ka nila. Kahit patayin mo ang isa ka kanila hindi sila kikilos ng nag iisa . Madami sila at siguradong dehado ka . Saka pwede patapusin mo ako?"

Ngumuso lang ako . Dahil nag tataray na naman sya.

"mabuti pang wag mo nalang silang pansinin. Kung nakita mo sila lagpasan molang na para kang walang nakita. Dahil mahilig sila sa matamis alam mo ba ang ibig sabihin ng matamis?"

"sweet sa english"

Hindi nya ako pinansin at nag patuloy

" innocent , to make their victim.. Their foods "

"ahh" pag ayon ko

"so nagets mo?"

Sabi nya

"oo kwento ng langgam , sus kahit ako alam ko na yan na mahilig sila sa matamis e. Akala ko pa naman kahit maalat mahilig sila"

Tumayo sya at nag cross arms sa harap ko.

Tatayo na sana ako ng malag-lag yung kwintas. Dinampot ko ito at akmang ibabalik ng hawakan ni Andrea ang wrist ko na hawak ng kamay ko ang kwintas.

Napalunok ako sa higpit ng hawak nya.

Masakit at mahigpit na mababali ang buto ko.

Diko mapaliwanag ang expression nya.

Basta nakakatakot sya

"Saan mo nakita yan?.....no, Binigay nyaba sayo yan?"

Madiin nyang sabi, pinag-papawisan ako sa kaba dahil parang mamamatay ako anong oras

"h-hindi" tangi kong sagot na pautal utal pa.

"kung ibibigay man nya sayo, hindi mo dapat tanggapin layuan mo sila kung gusto mopa mabuhay"

At makahulugan nya akong tinignan bago bitawan ang namumula kong kamay.

Iniwan nya akong nakatulala sa gulat..

--

*someone pov*

"Asan ang dreamer?"

Sabi ng naka lab suit na babae

"nasa Red room po, ineexamine pa dahil mukhang lumalaban sya sa bangungot"

Napa tango ang babae

"kapag may kakaibang result balitaan nyo ako"

Aalis na sana ang babae ng pigilan sya ng isa sa naka uniform

"Yung babae po....."

"what about her?"

At nilingon ang tumawag sa kanya

"Shes in danger"

--

Next chapter