webnovel

Chapter two

*Akina pov*

Hindi ko parin makalimutan yung kahapon na nakita ko noon lang ako nakaramdam ng ganoong kakaibang kaba at takot? Yun bang pakiramdam mo na nasa panganib ka pero hindi yung panganib na sasaktan ka basta hindi ko siya maipaliwanag, ipinikit ko uli ang mata ko.

" Aki! Apo gising kana ba?"

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng ko, kumatok si Lola kaya napabangon akong bigla. Kanina pa ako gising pero tamad lang akong bumangon.

"Opo Lola bababa na po ako"

Sagot ko sa kanya narinig kong pababa na sya kaya hinanda ko na ang uniform ko at pumasok sa banyo para maligo.

Pagbaba ko ay naghahanda na si Ate Mira ( siya ang kasama namin dito sa bahay at kasama ni Lola dito sa bahay kapag pumapasok ako ) Nang almusal habang si Lola ay nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning po Lola, Ate Mira" masaya kong bati sa kanila sabay halik sa pisngi ni Lola.

"Good morning din sa maganda kong Apo" nakangiting turan ni Lola umupo na ako at uminom ng gatas.

"Apo uuwi ako sa makalawa sa Batangas susunduin ako ni Marcelo mag-aani na kase sa mangahan kailangan na nandoon ako iyon din ang hiling ng Lolo mo" napatigil ako sa pagsubo ko sa sinabi ni Lola oo nga pala hindi ko nabanggit na isang Hasyendera si Lola at Lolo, at ang pamilya namin ay mayroong pinakamalaking lupain sa buong Batangas, doon din nakatira si Lolo hindi nya maiwanan ang hacienda kaya si Lola na lang pumupunta doon o kaya naman ay tuwing bakasyon ay sumasama ako sa kanya miss ko na rin si Lolo.

"Ikumusta n'yo narin po ako kay Lolo at Uncle Ben, Lola" nakangiti kong wika sa kanya tumango si Lola at nagpatuloy na kaming kumain habang kain ay napasinghap si Lola na ikinagulat ko.

Nanlalaki ang matang nakatingin sa dyaryong hawak nya.

"Lola may problema po ba bakit po?" Nagaalala kong tanong.

"Tingnan mo ito Apo may biktima nanaman ng patayan, isa nanamang kolehiyala ang namatay at katulad ng dati ay winarak din ang katawan, ibang klase na talaga ang panahon ngayon" nakakakilabot naman yun parang hindi kapani-paniwala ang balitang iyon marami na talaga ang nagda-drugs.

"Wag na po muna kayo magbabasa ng dyaryo Lola baka makasama payan sainyo eh" kumalma nalang si Lola at itiniklop ang dyaro tsaka ibinigay kay Ate Mira.

"Kaya ikaw apo wag kang magpapagabi atsaka mag-iingat ka lagi, naku wag namang sana na makarating pa kung sinong mga sanggano ang gumagawa ng kahayupang iyon sa lugar natin" napatango na lang ako buti nalang tapos na akong kumain.

"Teka lang po madam may nasagap akong tsismis sa palengke na hindi daw tao gumagawa non" napatingin ako kay Ate Mira.

"Oh e ano naman at sino?" Tanong ni Lola.

"Sabi nila Vampira daw yung gumagawa nun kase wala ng dugo ang biktima eh" hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa sinabi ni Ate Mira pero totoo kaya yun nakakapagtaka din naman yun.

Totoo kaya ang mga Vampira? Pero imposible yun baka kagagawan lang iyon ng taong adik na lulong na sa droga o mga psycho na halang ang kaluluwa.

Nagpaalam na ako kay Lola at pumasok na ako sa school asual balita din yung nangyari sa isang JRU student nakakatakot.

Papunta na akong classroom ng may tumawag saakin paglingon ko ay si Sandy lang pala kumaway siya saakin.

"Buti nakita kita may ipapakiusap sana ako sayo Akina" hinihingal sya kaya natawa ako.

"Tumakbo kapa pwede ka namang magtext saakin eh edi sana hindi ka napagod sa paghahanap saakin ano ba yun at mukhang importante yan?" sermon ko sa kanya kahit kailan talaga mas gusto nya mapagod kaysa gumawa ng pinakamadaling paraan.

"Nakalimutan kong dalhin cp ko kakamadali ko, eto na nga nakiusap si Mr.President na tayo daw muna ang mag-asikaso sa bagong tranferee may sakit sya kaya di nakapasok" napatango ako kawawa naman si Russel nabasa sya ng ulan kahapon dahil siya ang kumuha ng mga bolang nagkalat kahapon sa football field may mga pasaway kasing estudyanteng naglagay nanaman nun doon.

Magkasabay kaming pumunta sa Faculty room dahil nandoon daw ang mga bagong student. Kung ganoon madami sila? Mukhang marami ang mabubuling transferre ngayon ah.

Kumatok muna si Sandy tsaka niya binuksan ang pinto ng office ni Mr.Geronimo nakita kong may apat na lalaking nakaupo at may nakatayo din habang kausap ni Sir.

"Oh andyaan na pala kayo Miss Flores at Miss Smith" lumapit kami sa lamesa ni Sir Floresca saktong paglapit namin ay ang pagsalubong ng mga mata namin ng isa sa mga lalaki kaya napahinto ako. Bigla akong kinabahan dahil ang mga mata nya na sobrang lalim kung makatingin at pamilyar sya saakin ang bughaw nyang mga mata na tagos kung makatingin iniiwas ko ang tingin ko at sumunod kay Sandy.

"Sila nga pala ang mga bagong Transfer exchange student sila na nagmula sa Transiylvania" nagulat ako dahil sa pagkakaalam ko ay malayo ang lugar na iyon atsaka nasa bansang Romania iyon.

"I tour nyo sila sa buong school at ituro sa kanila ang room nila, Sila sina Fendrel Felstead,Fraden Felstead,Thomas Greene and Alistair De ville" napatingin ako sa dalawang nakaupo halata namang magkapatid sila at yung isang lalaki na nakasandal sa sulok may pilyo syang aura at yung nakatayo din na nasa gilid ng dalawang magkapatid yung may mga matang bughaw na parang langit sa sobrang aliwalas pero nakakakaba syang tumingin sa kabila ng maganda nyang mga mata.

"Sige po Sir! Kami na po bahala ni Akina sa kanila. Diba Akina?" Sabay ngiti saakin ni Sandy na bahagya pa akong siniko kaya napatango ako.

"Pano Sir hmmm pwede na kaming lumabas diba?" rinig kong sabi ng isa sa kanila kaya tumango na si Sir.

Sabay sabay kaming lumabas ng office ni Mister Floresca atsaka kami naunang maglakad ni Sandy. si Sandy lang ang nagsasalita nakikipagusap naman sa kanya yung kambal narinig ko kaseng sinabi nila na kambal sila.

"Uy bakit ang tahimik mo?" Tumabi saakin si Sandy kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw naman lahat ang nakakaalam eh alam mo naman na mahina ako sence of direction kaya baka maligaw pa sila hehehe assistant mo lang ako" napatawa sya sa sinabi ko kapag may room ang building kaming tinitigilan dahil nagpapaliwanag si Sandy ay sumasabat lang ako sa kanila kung kinakailangan.

"Mahiyain ka siguro or ayaw mo saamin kaya ka tahimik kanina pa Miss Smith"napatingin ako sa nagsalita isa sa mga kambal namula ako dahil sa seryoso nyang turan.

"Pasensya na kayo sa bff ko ha ganyan lang yan hindi pa sya sanay hihihi pero wag kayo she is one of our Deciplinary Officer tawag sa kanya ay Ice Queen hihi" inawat ko si Sandy dahil sa compliment nya napatingin ako kay Alistair na bahagyang natawa.

Ang gwapo nya pala...ano ba itong naiisip ko tsss...

"Its odd you know i try many times to read you but i can't" napatingin ako kay Thomas na seryosong nagsalita hindi ko alam kung sino kinakausap nya dahil nakatingin lang sya sa unahan.

"Don't even try it Thom" banta naman ni Alistair sa kanya kaya medyo naging gloomy ang atmosphere hindi ko alam ang pinaguusapan nila pero pakiramdam ko saakin iyon patungkol.

"Ok guiz nandito na tayo at magkakaklase pala tayo,well kayo kambal ay sa next room kayo and kayong dalawa naman ay kaklase namin ni Akina" masiglang wika ni Sandy kaya napatawa yung kambal sa kasiglahan ni Sandy na tuwang tuwa pa.

"Ok hmmm king...kita na lang tayo mamaya sa cafetiria ciou!" Nauna nang pumasok sa kasunod nilang room yung dalawa nagpaalam din sila saamin na kimi ko lang silang nginitian kakaiba talaga pakiramdam ko sa kanila.

Kami naman ay pumasok narin sa sarili naming kwarto natigil yung mga kaklase naming maiingay at napatingin sa dalawang nakasunod lang saamin. Halata ang gulat sa kanila at yung ibang babae ay kinikilig dahil nakakita ng gwapo tss...

"Ah wala nang upuan so dito kayo sa katabi ni Akina dyaan na kayo umupo ok" tumango yung dalawa kay Sandy at ang siste napapagitnaan nila ako dahil nasa likuran ko si Alistair at nasa harap ko naman si Thomas sigh* sama tuloy ng tingin ng mga babae lalo na si Sena na irap lang ng irap kaya napayuko na lang ako.

Sa mga sumunod na oras ay naging maayos naman ang lahat lalo na itong isang lalaking transfer na katabi ko lang.

Pwera dito sa likod ko dahil ramdam ko ang intensidad ng tingin kinikilabutan tuloy ako sa presensya nya.

Nang tumunog ang bell ay bigla akong tumayo at nagmamadaling lumabas hindi ko pinansin ang tawag ni Sandy basta tuloy tuloy lang akong lumabas para makalayo sa lalaking iyon.

Napadpad ako sa dulong bahagi ng hallway papunta sa libray wala masyadong tao sa bahaging ito kaya napasandal ako sa pader bakit kase ganoon na lang kaba ko sa mga tingin nya hindi ko sya maintindihan kakaiba talaga.

Pumasok ako sa library sa totoo lang ito ang lumang libray dito yung bago ay nasa ground floor na wala nang pumupunta masyado dito dahil yung iba sabi may multo daw dito pero para saakin ito ang paborito kong lugar tahimik at malayo sa mga maiingay na studyante.

Medyo madilim dahil nakasara pa ang mga blinds akma akong pupunta sa may bintana ng biglang sumara yung pinto na bahagya ko lang isinara kaya nagulat ako kasabay ng may biglang humawak sa akin kaya napahiyaw ako pero bigla ring tinakpan ang bibig ko...

*-*

I hope you guiz read my story?

SeirinSkycreators' thoughts
Next chapter