Medyo malabo na rin sa akin paano kami nagkakilala ni Justine. Mga 5 years ago ata iyon. Bago pa lang ako sa UP at napunta ako sa isang course na super madugo talaga ipasa. Nung nalaman ko na quota course iyon, akala ko on top of the world na ako na nakapasok ako, pero first sem pa lang daig pa sa impyerno naranasan ko. That's when he came into the picture.
Nakick-out ako first sem pa lang at mukha tuloy akong pulubing walang mapuntahan sa campus. Probationary status ako noon, walang course at kung di ako makahanap in 1 year baka palayasin na ako sa UP. Yung laptop na dapat sana ginagamit ko sa pagco-code, ginagamit ko na lang para makanuod ng porn (seryoso!) at paghahanap ng kaibigan sa internet. Di pa uso mga smartphones at Grindr noon kaya ang gamit ng mga gaya ko, old-fashioned na Planetromeo.
Pero di katulad ng marami na ladlad at karinderyang bukas sa lahat ng kakain, di ko pinakita kung sino ako doon. Pa-mysterious ang username, anime character ang DP at higit sa lahat, discreet. Kaya obviously puro discreet din hinahanap ko doon para mabawasan man lang yung lungkot at anxiety dahil sa pagiging course-less at pagiging Orocan. At least may makakarelate man lang sa situwasyon ko.
Sex lagi status ko sa PR hindi dahil sa naghahanap ako ng aura (kahit na to be honest, marami akong natanggap at pinatulan na booking), kundi dahil pain iyon para kausapin ka nila. Aminan na tayo, libog lang naman habol ng mga tao sa mga online "dating" sites. Lalo na kapag malapit na hating-gabi, every second ata may mag-aalok sa iyo. Papadalhan ka pa ng pics ng abs at dick nila without your consent sabay pilit na magsend ka ng facepic. Kapag nakita nilang medyo nerdy looking ako, back-out na iyan. Tang-inang mga hipon iyan, lakas maka-arte.
Kaya linagay ko na agad na disclaimer: don't ask for my facepic at first instance for I'll not give you one most likely.
One of those moments nagsend ng PM si Justine sa akin, di ko matandaan anong username niya noon though. Pero di gaya nung ibang malilibog, medyo subdued pa damoves niya sa akin - if not irritating.
"Hi, liked your profile by the way. There's an error in your status though." Bati niya. Grammar Nazi pala 'to, bulong ko as I corrected that post immediately.
Beyond the message napansin ko agad yung profile pic niya. Nakasuot siya ng hoodie in, apparently, a family restaurant. Medyo punk-ish yung itsura niya but it doesn't hide the fact that he's a geek. Wala siyang salamin in that photo, may hikaw nga siya pero kahit anong tago niya ng braces niya it still shows up sa pagngiti niya.
He has this vibe that makes me feel...at home, I dunno. Like shet, ito yung tipo ko, isip ko. Or maybe I noticed him for he looks like the image that I imagined for myself and tried to work on but failed really miserably. Or maybe the kuya na I always fantasize about - wala akong kuya kasi panganay ako.
"Thanks for noticing that. Sensya naman I wasn't using my glasses when I posted that." Balik ko sa kanya.
"Ayos lang. Pwede ka namang mag-Tagalog, don't worry." Sagot niya which made me irrirated, amused and at the same time relaxed. "Now, can I have your profile picture?"
"I won't give it to you that easily...besides, lakas mo din maka-banat no."
"I'm just following logic..." Reply niya. "Sabi mo huwag manghingi ng pic mo sa first message, kaya sa second message ako manghihingi."
"Ang witty ng gago." Sagot ko sabay balik niya ng tawa.
"But seriously, you're much wittier than I do, kiddo. Patawa nga yung description mo eh."
"Thanks for that. Want me to prove it?" Alok ko ng pabiro kahit na wala naman talaga ako sa mood.
"Ikaw ha, kabata-bata mo pa. No, I'm not really into it at the moment."
Eh bakit Sex status mo? Sa bagay ganun din naman yung akin, lakas trip eh no.
"So anong hanap mo dito?" Tanong ko, going straight to the point.
"Let's just say bored lang ako. Or maybe, alam mo iyon, chill lang, chatting with friends. Kapagod kasi mag-work no."
"As if naman may real friends kang nakikilala sa mga dating site..." Sagot ko with a hint of cynicism.
"That's...somehow true." Nagulat akong mag-aagree siya sa sinabi ko. "Pero it depends kasi kung friendly ka talaga or not. Obvious naman na di lahat ng makikilala mo dito, matino, pero ganun din naman in real life eh. May gagamit sa iyo, ibaback-stab ka, kakalimutan ka bigla kapag wala nang masipsip sa iyo, pero there will always be those na will be at your side kahit anong mangyari."
"So meron kang actual friends dito?"
"Oo naman. Yung iba ka-FuBu ko dati then naging offline friends na rin, as in walang laswaan factor ah. Yung iba as friends na talaga from the start."
"Good for you then." Bored kong sagot sa kanya. Akala ko tatatanan na niya ako after I didn't get a reply, pero mga thirty minutes bigla ulit siyang nagparamdam.
"You're definitely a cynic." Bungad niya, sabay padala ulit ng isang message. "I don't know what's up with you, but I feel that deep inside you're hurting or something. Lakas namang maka-assume nito.
But it's somehow true. Nung bata ako, walang isang araw na hindi ako nabully ng mga kaklase ko. Yung tipong itatapon gamit mo sa kanal, bubugbugin ka, tatawagin ka ng kung anu-anong pangalan. They'll make you feel you don't belong and you don't deserve to live. Walang araw na di ako iiyak, but then no one cared, not even my parents. Di nga silang nagabalang pumunta sa principal kahit pasa-pasa na ako. I end up being isolated from the world and having a deep distrust with people - wala naman talagang tunay na kaibigan, all relationships are transactional one way or another.
It's ironic na sumasali ako sa mga dating sites, but it somehow makes sense. At lease they wouldn't care about my past to decide if I'm worthy to be their partner in bed or not. Mahalaga, may itsura ka, magaling sa kama at malaki ang batuta. Pero si Justine, he seems not to be the one who looks at that shallow standards. He seems to be the kind who looks deep into someone's soul.
At the same time na nagcru-cruise ako meron akong blog kung saan ako nagdadrama at nagblo-blog. It's the most creative time of my life I'd say - nakakagawa ako ng mga tula, stories at posts tungkol sa pagdurusa ko sa buhay. What's surprising was that kahit puro lang ako rant I had a significant following.
I never cared about my followers until one day, nakita kong finollow niya ako. Obvious naman eh, kitang-kita yung DP niya, parehas pa username. Siguro nakita lang niya 'to at random, at mukhang clueless siya na ako yung nakausap niya sa PR kasi iba DP at pangalan ko sa blog.
"Life is tough, but challenges aren't given us to make us suffer but make us better humans. Like diamonds, which emerge from coal put under enormous pressure." Padala pa niya sa isang anonymous message. As if di ko halatang siya iyon. Pinost ko sa blog, attaching a message of thanks, and nothing else.
Hindi ko rin siya nakakausap sa PR for quite some time, until one day I received two tickets for a Hunger Games block screening at wala naman akong masasama. I left a note saying who want to have them (kasi wala rin naman akong interes na manuod), but his message changed my mind.
"Let's meet up, cruisergeek..." Alok niya sa akin.