Chapter 1672: Malaki ang utang na loob ko sa Su Family (3)
"Hindi pa… Nakabuntot pa rin sa akin ang mga tauhan ni Ian… Wag mo rin muna siyang puntahan, kundi, malalaman niya kung nasaan ang mama mo."
"Edi nasa Gitnang Silangan ka pa rin?" Walang masabi si Lu Yan.
"Saan pa ba ko pupunta? Sa tingin mo ba maglalakas loob ako bumalik sa headquarters?"
"Sige… Daddy, ngayon naiintindihan ko na kung bakita ayaw mong lumapit ako kay ate… Kumpara sa buhay natin na palipat-lipat… mukhang mas masaya ang buhay ng kapatid ko."
"Mabuti at naiintindihan mo na ang paghihirap ko…" Malinaw na sinabi ng matanda.
"Oo, kahit papaano naiintindihan ko na."
"Kung hindi lang dahil kay Qiao Fei, siguradong napahamak na rin ang kapatid mo, hindi ba? Kung malaman niya kung nasaan si Mian, edi…"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com