Chapter 1611: Di Inaasahang Pagbabago Sa Mga Pangyayari (2)
"Sumama ka sa'kin." Walang pag-aalinlangan sa asta ng lalaki.
"Sinasabi ko sa'yo kung may mangyaring masama sa kapatid ko, papata-" Bago pa matapos ni Lu Yan ang sinasabi niya, sumabat agad ang lalaki, "Magiging maayos ang kapatid mo. Kahit pa hindi ka makapunta, may ibang magliligtas sa kanya. Ang kailangan mong isipin ngayon ay ang sarili mo. Nasa gitna ka na ng isang gulo, saan mo pa nahahanap ang oras na mag-alala sa ibang tao?"
"Buong buhay ko ako ang humahabol o di kaya hinahabol. Sanay na ako dito, anong dapat kong ipag-alala?" Nagkibit-balikat lang si Lu Yan.
"Kung alam mo ang lahat, eh di alam mo na pupunta si Ian sa C City?"
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Lu Yan habang nakatitig kay Qiao Fei.
"Halatang walang kang alam."
"Kailan… kailan siya darating?"
"Lalapag ang private jet niya sa loob ng tatlong oras, sigurado ka bang hindi ka pa dapat umalis?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com