Chapter 1211: Ang #1 Scandal sa C City (2)
- South Side Recuperation Center -
Nakaupo si Huo Mian sa opisina niya, nakadikit sa tenga niya ang phone niya…
Alam niya na aalis si Su Yu sa C City nang isang buwan. Sinabi ito sa kanya ni Jiang Xiaowei noong umaga.
Akala niya mag-sesend ng Weibo message o ano si Su Yu sa kanya, pero hindi niya ito ginawa.
Mas nagulat pa siya na ang walang kinalaman na katulad ni Tang Chuan, hindi na kinaya at tinawagan siya para magpaalam kay Su Yu sa airport…
Pero, may magbabago ba kung magpakita siya?
Syempre, wala…
Una, kung magpapaalam si Huo Mian kay Su Yu, baka hindi nga magselos si Mr. Qin, pero hindi siya magiging komportable. At, isang buwan lang naman aalis si Su Yu, babalik pa naman siya.
Pangalawa, hindi niya nagustuhan si Su Yu, kaya kung pumunta siya, magkakaroon si Su Yu ng pag-asa. Imbis na paasahin siya, mas gusto niyang matapos na ang pagdurusa niya.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com