Chapter 799: Ang Bagsik Ni Master Su Para Sa Maganda (10)
"Honey, mayroong private reception si Mayor Song mamayang gabi para sa pagbabalik ng anak niya, pwede o ba akong samahan?"
Sa totoo lang, kumalma ang puso niya nang imbitahan siya ni Qin Chu...
"Sige, sasama ako sayo pagkatapos ng trabaho."
"Mhm, may hinanda na akong gown para sayo, Umuwi ka agad."
"Okay."
Binaba niya ang tawag nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Doctor Huo."
"Ano iyon?" Nagtataka si Huo Mian nang makita si Xie Juan na tumatakbo at halos mawalan ng hininga.
"Pumunta ako sa opisina niyo at sinabi nila na wala na kayo sa Orthopedics Department."
"Mhm, sa Neurology na ako simula ngayon. Kung may kailangan ka pwede mo akong puntahan dito."
Tumango si Xie Jian at inabot ang isang plastic bag.
"Doctor Huo, para ito sa inyo."
"Ano ito?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com