Natulog si Qin Chu sa tabi ni Huo Mian, ang phone niya ay laging naka-set sa silent.
Takot kasi siya na magising si Huo Mian sa tawag…
Pero, gising si Qin Chu at tinitingnan ang mga plano ng kumpanya sa kanyang tablet.
Umilaw ang phone niya ng walang tunog; pagkatapos tingnan ito, nakita niya na galing ito kay Jiang Linyue.
Wala siyang plano sagutin ito dahil sa totoo lang, ayaw niya kay Jiang Linyue. Ang mga babae kasi na masunurin sa labas ang pinakanakakatakot.
Sa totoo lang tinatago nila ang mga sarili nila kaya hindi mo talaga malalaman kung ano ang mga nakatago sa kaloob-looban nila.
May suot sila na nakakatakot na maskara at ang mga taong katulad nito ay kailanman hindi ipapakita sa iba ito.
Kung ikukumpara, mas gusto ni Qin Chu ang mga taong katulad ni Huo Mian dahil ang mga taong katulad niya ay pinapakita ang tunay na sila sa sandaling yun.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com