Ang nakasulat sa ampao sa WeChat ay, "Girl, advance happy birthday."
Sino pa ba ang taong ito, kung hindi si Zhu Lingling…
Nagpadala lang ito ng 200 yuan sa isang ampao sa WeChat, kaya nung nakita niya ito, magrereklamo na sana siya kung gaano kakuripot si Zhu Lingling dahil sa pinadala nito nung nakita niya na nagpadala ng nagpadala ang matalik niyang kaibigan ng ampao pagkatapos ng isang ampao at isa pa ulit pagkatapos…
Pinadalhan niya si Huo Mian ng 10 ampao, 2,000 yuan ang lahat…
"Ano sa tingin mo? Mabait ba akong kaibigan o ano?" Pinadalhan ni Zhu Lingling si Huo Mian ng WeChat message.
"Dude, hindi ba pwedeng ipadala mo nalang ang pera? Ang pagpapadala mo sa akin ng sampung ampao ay isang abala." Pinadala ni Huo Mian ang 'dismayadong' emoji.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com