webnovel

Biglaang Pagbabago sa Loob ng Isang Gabi (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Diyosa Huo, bakit ka nagsasabi ng mga katakot-takot na mga bagay? Mabubuhay pa kaya ako bukas kung papakasalan ko siya ngayon?" Bahagyang tumingin si Gao Ran kay Huo Mian.

"Whoa, ano ba yang sinasabi mo? Ano ang ibig sabihin mo sa 'mabubuhay ka pa ba'? Ano ba ang ginawa ko sayo? Hindi ba't ikaw ang personal na nag-imbita sa akin sa suite mo? Sa tingin mo ba ay gusto kong pumunta? Napagtanto ko na isa kang dalawang mukha at bulok na pulis. Isa kang tao na umaakto ng magka-iba sa harap at likod ng mga tao. Napaka-hipokrito." Halatang galit si Zhu Lingling.

"Yo, ako ang mali. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko talagang sabihin kay Huo Mian ay hindi nila dapat kinukumpara tayo sa kanila. Parehas tayong may trabaho, may mga kailangan ako gawin sa police bureau, at hindi mo naman pwedeng ipagpaliban ang mga gagawin mo kaya kailangan natin bumalik ng maaga. Babalik ako ulit dito kapag nagbakasyon ako. Ang ganda kasi rito." Bumuntong hininga si Gao Ran.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter