179 Inosente

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alam ni Huo Mian na pumunta si Qin Chu para makipagnegosasyon sa pamilya ng pasyente para sa kanya, pero hindi niya inakala na magiging ganito kabilis ang pag-aayos nito.

Bago pa makauwi si Qin Chu, ay tinawagan na siya ng buntis para magmakaawa.

Pagkatapos itong marinig ni Huo Mian, ay hindi na siya nagsalita, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng buntis "Kasalanan naming lahat ito, masyado kaming naging sakim. Akala namin magagamit namin itong oportunidad para makakuha ng malaking pera sa ospital. Sa huli ay nabulag kami ng aming kasakiman, pero alam na namin ngayon na mali kami. Sana ay bigyan mo kami ng isa pang pagkakataon; kailangan ng dalawa kong anak ang ama nila. Natatakot akong mawala siya sa amin. Kapag nakulong siya, paano na kami."

Naawa si Huo Mian ng marinig niya ang salitang 'kulong'; hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Qin Chu.

Siguro nga ay malala ito, dahil kung hindi, bakit iiyak ng ganito ang buntis.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter