webnovel

Parusa

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 79: Parusa

Binigyan siya ni Qin Chu ng isang oras pero andoon na agad si Rick sa loob ng 20 minutes.

Isang pulang Ferrari ang pumarada sa harap ng GK headquarters at may isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket ang lumabas mula sa kotse.

Ang tindig niya ay nagdulot ng ingay sa GK dahil sa sobrang gwapong Chinese-French na mga bahagi nito na pumukaw sa atensyon ng lahat.

- Sa loob ng opisina ng president -

"Qin Chu, tagal na rin noong huli tayong nagkita."

"Maupo ka," sabi ni Qin Chu habang naglalakad siya papunta sa wine cabinet at nagbuhos nang dalawang glasses ng red wine.

"Tinawag mo siguro ako para sa isang importanteng bagay. Ano meron?"

Nakangiting tanong ni Rick habang iniikot niya ang glass sa kanyang kamay.

Madaming taon na niyang kilala si Qin Chu. Kahit na minsan lang sila mag-usap, malapit sila sa isa't isa.

Ang pakikipagkaibigan ng lalaki ay iba sa mga babae. Ang mga lalaki ay hindi magkikita para lang magtsaa o magshopping sa tanghali.

Pero kapag kailangan, lagi silang andyan.

Ang nanay ni Rick ay isang French aristocrat habang ang kanyang tatay ay isang local entrepreneur; panigurado ang tatay bilang entrepreneur ay balatkayo lamang.

Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng isang five-star hotel chain at ang pinaka-engrandeng club sa lungsod - Seductive fox.

Ang totoo niyan, ang pamilya ni Rick ay parte ng isang mafia - mataas na klaseng mafia, mukha lang silang normal sa labas.

Umupo si Qin Chu sa harap ni Rick at tumingin sa glass ng red wine sa kanyang kamay. Pagkatapos, mabagal niyang sinabi ang, "Hongtai Logistics Company, Wang Li, lalaki, 32 years old."

"Gusto mong patayin ko siya?" Tanong ni Rick habang unti-unting napapangiti ito.

Napa-iling si Qin Chu…

"Kagabi, nagmaneho siya ng truck sa labas ng ospital at may intensiyon siyang banggain ang isang tao. Siguro may nag-uutos sa kanya. Kaya gusto ko tulungan mo ko hanapin kung sino ang nagpadala sa kanya."

"Anong gagawin ko pagkatapos kong malaman? Papatayin ko ba silang lahat?"

"Hindi na kailangan. Ipapatikim ko lang naman sa kanila ang karma at hihingilin nalang niya na sana patay nalang sila. Oo nga pala, ayoko na may maiwang ebidensya."

Masyadong nag-aalala si QIn Chu para sa kaligtasan ni Huo Mian. Pagkatapos ng mahabang pag-iisip, napagdesisyunan niyang si Rick na ang mag-aayos ng problema.

"Okay, ako na bahala."

"Salamat." Tumango si Qin Chu nang may pasasalamat pagkatapos makita ang pagiging loyal nito sa kanilang pakikipagkaibigan.

"Huwag mo akong pasalamatan. Tinulungan mo ako ayusin ang gusot ng kapatid ko sa States. Pwede mo akong sabihan kahit kailan kung kailangan mo ako," sabi ni Rick habang iniinom ang lahat ng red wine. Tumayo siya at tinapik ang balikat ni Qin Chu.

"Okay."

"Oo nga pala, anong ginawa ng lalaking ito para sa akin mo ipaayos ito?" Medyo naguguluhan si Rick. Si Qin Chu ang taong kayang ayusin ito sa loob ng ilang segundo, kaya bakit kailangan pa niya makiusap sa isang marahas na mafia na makialam?

"Dahil… muntikan na nila saktan ang taong pinaka-iniingatan ko sa lahat," mabagal na sagot ni Qin Chu.

"Yung taong pinaka-iniingatan mo? Ah, gets ko na, naiintindihan ko na. Mukhang nagkabalikan na kayo ngayon, congratulations." Ngumiti si Rick bago umalis.

Lahat ng nakakakilala kay Qin Chu sa loob ng madaming taon ay alam na sang babae lang ang minahal ni Qin Chu.

- First Hospital -

Habang lunch break ni Huo Mian, umiinom siya ng tubig sa lounge, nang biglang naalala niya ang nakakatakot na pangyayari kagabi.

Kung hindi siya hinila ni Qin Chu, paniguradong patay na siya.

Sobrang bilis ng truck kahapon kahit may sign sa labas ng ospital na bawal magpatakbo ng mabilis.

Pero ginawa pa rin ito nung taong yun. Isang simpleng pagmamaneho lang ba ito ng lasing?

Dati, hindi ito masyadong pag-iisipan ni Huo Mian. Pero pagkatapos niya tanggihan ang kasunduan, ang abugadong, si Mr. Luo ay binantaan siya mga ilang araw na ang nakakalipas.

Nag-aalala si Huo Mian; malinaw ang banta ni Mr. Luo.

Kahit hindi niya pansinin ang mga sinabi nito, hindi ibig sabihin na wala silang gagawin sa kanya.

Mukhang nagsimula na sila umaksyon…

Napayukom ng kamao si Huo Mian. Iniisip niya na hindi patas ang lipunan.

Sila ang mali - ang anak nila ang nagmamaneho ng lasing at nakabangga ng ibang tao. Ngunit, ayaw nila itong maparusahan at bunyag na tinatakot ang isa sa mga pamilya ng biktima.

Kung nabangga man siya kahapon, panigurado mapagkakamalan lang ito ng traffic enforcer bilang isang simpleng aksidente.

Kinilabutan si Huo Mian sa inisip niyang ito…

Pagkatapos, nagring ang phone niya…

"Nasaan ka?" Maririnig ang kaakit-akit na boses ni Qin Chu sa phone.

Next chapter