webnovel

Sikretong Kasal

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 57: Sikretong Kasal

Sa ilang sandali, akala niya si Qin Chu ang lumabas pero ito ay si Doctor Liu galing sa Neurosurgery Department ng ospital.

"Doctor Liu, kamusta na ang kapatid ko?"

"Naging maayos naman ang surgery; ito ay very successful."

Pagkarinig nito, nakahinga rin sa wakas si Huo Mian at nawala lahat ng bigat na pinapasan niya sa kanyang balikat.

"Sobrang swerte ng kapatid mo. Yung namuong dugo ay nasa sobrang sensitibong lugar ng utak niya at wala pang successful na nakakagawa ng ganitong surgery sa bansa natin. Buti nalang, sobrang galing ng surgical skills ni Dr. Qin at dahil siya ang lead surgeon, sobrang laki ng itinaas ng successful rate," Halata ang pagkamangha ni Doctor Liu sa boses nito.

Napangiti si Huo Mian. Lahat sila ay manghang-mangha kay Qin Chu kaya madaling makita na sobrang crucial ang naging parte nito sa operasyon.

"Nasaan na ang kapatid ko?"

"Dinala na siya sa VIP room ng isa sa mga assistants at gigising siya after 12 hours. Huwag ka na mag-alala masyado."

"Okay. Salamat ng marami para sa effort niyo, Doctor Liu."

"Walang problema, hindi naman kami sobrang napagod dahil ina-assist lang namin si Dr. Qin. Siya talaga ang dapat pasalamatan. Mukha rin pala siyang di okay at nagpapahinga ngayon sa lounge."

Pagkatapos, si Doctor Liu at ang iba pang mga doctors at nurses ay isa-isa nang umalis ng OR.

Dahil hindi pa rin lumalabas si Qin Chu. Binuksan ni Huo MIan ang pinto ng OR at pumasok.

Tapos na ang operasyon. Ang lounge sa tabi ng OR ay para sa lead surgeon upang makapagpahinga siya.

Pagkapasok ni Huo Mian sa lounge, nakita niya ang pagod na Qin Chu, nakaupo ito sa sofa.

Hindi niya alam na kakabalik lang ni Qin Chu sa city, gabi bago ang operasyon.

Bago ang operasyon, kakagaling niya lang sa isang all-night meeting at dahil marami ring partners sa iba't ibang industriya ang GK, sobrang busy ng company, 366 days sa isang taon, 8 days sa isang linggo at 25 hours bawat isang araw.

At kahit pa ang tatay ni Qin Chu, si Qin Yumin, ang chairman ng board, ang puso nito ay nasa hindi magandang kondisyon at may high blood pressure na rin ito kaya naman malapit na ito mag-retire. Maliban din sa mga malalaking billion-yuan projects, ipinaubaya na niya lahat kay Qin Chu.

At kahit ayaw ni Qin Chu ang pagiging GK's president, may naging kasunduan sila ng tatay niya, mga ilang taon na rin ang nakakalipas, at kailangan niya gawin ang best niya.

Sa sobra ring daming workload, pagpupuyat at nangyaring surgery, natural lang na sobrang mapagod siya. 

Siguro dahil din ito sa hindi pa niya pagkain buong araw.

Nagsimula na rin umalma ang tiyan nito…

Ang mga operasyon sa utak ay sobrang mahirap at kailangan ng matinding focus mula sa surgeon dahil sa isang maling galaw lamang, maaring mamatay ang pasyente o kaya naman magkaroon ng habang buhay na after effects.

Tsaka, kapatid ni Huo MIan ang pasyente. Kaya naman talagang binuhos ni Qin Chu ang lahat…

"Ito, uminom ka muna. Mukhang hindi ka okay," Binigyan siya ni Huo Mian ng isang disposable cup na may lamang maligamgam na tubig.

Tumingala si Qin Chu at tumingin kay Huo Mian, nanatiling tahimik ito at kinuha ang baso ng tubig.

"Salamat sa ginawa mo ngayong araw. Sobra," sincere na sabi ni Huo Mian.

Hawak ang baso ng maligamgam na tubig, mabagal na sumagot si Qin Chu, "Kasal na tayo. Hindi mo na kailangan maging magalang."

"..." panandaliang hindi makapagsalita si Huo Mian. Kung hindi niya pinaalala, makakalimutan niya na ngayon rin pala nila nakuha ang marriage certificate nila.

"Qin Chu."

"Hm?"

"Pwede bang huwag mo muna sabihin sa iba ang tungkol sa kasal natin..."

"Bakit naman hindi?"

"Malayo ang agwat natin sa isa't isa, ikaw…?"

"So ang gusto mo sabihin ay, nahihiya ka dahil ako ang presidente ng GK?"

"Hindi naman sa ganun. Ayoko lang kumalat ito sa media. Makikita ito ng nanay ko at may malalim siyang hinanakit para sayo."

"So kailangan natin itago na ikinasal tayo panghabang-buhay?" kita na ayaw ni Qin Chu gawin ito. Sino ba namang may gusto itago ang kanilang kasal? Sa totoo lang, gusto na niya ipagsigawan sa buong mundo na mag-asawa na sila ni Huo Mian.

Next chapter