webnovel

Ang Walang Kwentang Kaibigan

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 31: Ang Walang Kwentang Kaibigan

"Long time no see," pagkatapos niya makilala ang tao sa loob, kalamadong kumaway si Qin Chu.

"Sh*t, ikaw nga yan! Bumalik ka na pala at hindi mo man lang sinabi sakin?! Pumasok ka dito! Humanap tayo ng lugar kung saan pwede tayo mag-usap."

Dahil hindi makatanggi si Qin Chu, pumasok ito sa black na Jaguar.

Ang nagmamay-ari sa Jaguar ay walang iba kung hindi ang childhood bestfriend ni Qin Chu, si Gao Ran.

Pagkapasok ni Qin Chu sa sasakyan, nagring ang phone niya…

"Hindi mo na ako kailangan sunduin, may mga gagawin pa pala ako. Babalik ako mamaya. Pakilagay nalang ang mga documents sa office at paki-cancel lahat ng appointments ko this afternoon. Ayun lang," binaba agad ni Qin Chu ang tawag.

"Bumalik ka sa pagtatrabaho sa GK?" natatawang tanong ni Gao Ran.

"Yeah."

"Gaano na katagal?"

"Mahigit isang week."

Napahawak si Gao Ran sa kanyang ulo. "Sh*t, kung hindi dahil sa stupid boss kong pinadala ako para mag-aral sa ibang lugar, maririnig ko kaagad ang balitang dumating ka na. Pero what the hell man? Hindi mo man lang ako tinawagan?"

"Sinubukan kong tawagan ka, pero hindi nakakapasok."

"Tama ka nga diyan. Bawal kasi kami gumamit ng cell phone habang nasa klase,"sSabi ni Gao Ran, kitang-kita na masaya ito dahil nakasama niya ulit si Qin Chu.

- Pagkatapos ng kalahating oras –

Nakaupo silang dalawa sa isang elegant tea house. May sense of antiquity ang kwarto.

Nagtanong si Gao Ran, "Gaano na ba katagal tayong hindi nagkita? Seven o eight years?"

"Seven years exactly."

"Ang bilis ng oras. Isa ka lang walang alam na bata noong umalis ka, at ngayon isa ka ng President ng GK! Haha."

"Ikaw ang nagsalita. Seven years ago, isa ka lang siga sa daan, ngayon director ka na ng Municipal Public Security Bureau. Sobrang laking pagbabago," sabi ni Qin Chu habang inaabot ang teacup.

"Ugh! Sabi kasi ng tatay ko pulis daw ang lolo ko at dahil pulis din siya, kailangan ako rin. Wala siyang pakialam kahit mag-asawa ako o magkaanak basta itatakwil niya ko pag hindi ako naging pulis."

"Isang pamilya ng pulis, hindi na rin masama," sabi ni Qin Chu.

"T*ngina! Ayaw ko naman talaga maging pulis. Ang baba ng sweldo at ang daming kailangan gawin. Pag hindi mo naman nagawa, mapapagalitan ka. Sa tingin mo ba madali lang para sa'kin makaabot sa director's position? Nabaril ako sa tiyan sa isang anti-terrorist operation two years ago. Muntikan na akong mamatay!" Itinaas ni Gao Ran ang kanyang shirt para ipakita kay Qin Chu ang kanyang mga peklat.

"Edi mabuti. What doesn't kill you makes you stronger."

"Umalis ka dito. Tigilan mo ang pang-gag*go sakin. Wala naman sakin kung gusto mo makipagpalit ng pwesto. Ikaw na ang magiging police director habang ako ang magiging president ng isang business empire."

"Sige," seryosong sagot ni Qin Chu.

"Oo nga pala, wala akong talent sa business. Magiging isa nalang akong happy-go-lucky cop," pagkatapos niya magsalita, kinuha ni Gao Ran ang kanyang teacup at uminom.

"Tingnan mo nga naman, umalis ka nang walang paalam, for seven years! Ano bang problema mo? Di mo ba alam kung gaano kita na-miss? Tinawagan ko pa tatay mo para makuha address mo, pero ayaw niyang ibigay sa'kin," angal ni Gao Ran.

"Yeah, yun ang usapan namin ng tatay ko. Sabi ko sa kanya, hindi ako babalik o makikipag-usap sa kahit sino bago matapos ang seven years."

"Anong klaseng kag*guhan yan? Di kita maintindihan."

"Ginawa ko ito lahat para sa isang tao," sabi ni Qin Chu, binibigyang diin ang bawat salita.

Naalala bigla ni Gao Ran ang nangyari seven years ago. Nagaalinlangan niyang tinanong, "Itong deal na ito ay may kinalaman kay Huo Mian?"

Nanahimik si Qin Chu… pero halata mo ang sagot nito.

"Tama nga ang iniisip ko. Qin Chu, bakit baliw ka pa rin sa babaeng katulad niya? Hindi mo ba alam kung paano ka niya tinrato seven years ago? Kalimutan mo na siya at humanap ka na ng isang Caucasian girlfriend. Kilala mo ba kung sino ka? Ikaw ang tagapagmana ng GK for god's sake! Kaya mong makuha ang kahit anong bagay o tao na gusto mo, so bakit mo pinapahirapan ang sarili mo para sa isang babae?"

"Seven years ago… Wala siyang kasalanan dun. Hindi ko siya naprotektahan."

"Ano ngayon ginagawa mo? Bumalik ka para sa kanya?" mukhang napahanga si Gao Ran.

Hindi pinansin ni Qin Chu ang tanong at tumingin sa kanyang relo.

"May kailangan akong puntahan, usap ulit tayo sa susunod na araw."

"Sige. Wag mong kakalimutan manga-musta ha," tumayo si Gao Ran para ihatid siya palabas.

Pagkadating niya sa GK, umakyat si Qin Chu at dumiretso sa kanyang office. Nagulat siya nang makita ang babaeng nakaupo sa sofa.

Pagkakita niya kay Qin Chu, mabilis itong tumayo at pinakitaan siya nang napakagandang ngiti.

"President Qin, bumalik ka na pala."

Napasimagot si Qin Chu…

Next chapter