webnovel

Trahedya

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 10: Trahedya

"Zhiyuan! Ayos ka lang?" dahil sa sobrang takot, mabilis na tumakbo si Huo Mian at tinulungan tumayo si Ning Zhiyuan.

Nagulat siya nang bigla siyang tinulak ni Ning Zhiyuan kaya naman kamuntikan na siyang matumba.

"Umalis ka, huwag ka makisawsaw dito! Imoral kang… babae ka, at wag na wag mo kong hahawakan. Nadidiri ako sa'yo."

Puno ngayon ng luha ang mukha ni Huo Mian. Umiling siya at nasasaktan. "Zhiyuan, hindi kita tinraydor. Maniwala ka sa'kin. Lahat ng yun nangyari na dati pa. Tapos na ang lahat sa'min."

"Maniwala sayo? Tungkol saan? Na virgin ka pa?" pangungutya ni Ning Zhiyuan habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

Napayuko na lamang si Huo Mian, natatakpan ng kanyang mga pilikmata ang kanyang mga mata. Hindi ito sumagot.

"Bakit wala kang masabi? Mali ba siya? Sasabihin mo parin ba sakin na wala pang nakakagalaw sa'yo?" Tanong ni Ning Zhiyuan, puno ng galit ang tingin nito kay Huo Mian.

"Hindi, tama siya. Kami noong seven years ago pero lahat nang yun tapos na! Zhiyuan, hayaan mo kong mag-explain. Sasabihin ko sayo lahat ng nangyari samin."

Pa!

Isang malakas na tunog ang umalingangaw nang sinampal ng malakas ni Ning Zhiyuan ang kaliwang pisngi ni Huo Mian. Agad-agad, naramdaman niya ang sakit kung saan siya sinampal nito.

Sa tabi nila, nanliit ang mga mata ni Qin Chu. Makikita sa mata nito ang pighati.

Inabot niya ang kamay niya kay Ning Zhiyuan, ngunit tinulak lang siya nito sa gilid.

"Huo Mian, akala ko isa kang matinong babae na makakasama ko habang tumatanda. Gustong-gusto kitang pakasalan at mamuhay kasama ka. Di ko man lang naisip na katulad ka rin nila, isang malandi. Bulag siguro ako. Iniisip ko yung tagal ng panliligaw ko sayo nung college, hindi man lang kita mahawakan noon kasi tinuturing kitang diyosa, t*ngina bulag nga siguro ako!" tumawa si Ning Zhiyuan. "Pinaglaruan mo lang pala ako, p*ta."

"Zhiyuan, saktan o murahin mo na ako kahit gaano mo pa kagusto. Hindi na importante yun. May mga sugat ka, pumunta muna tayo ng ospital, okay? " halos madapa si Huo Mian habang tinutulungan si Ning Zhiyuan tumayo ngunit tinulak siya ulit nito.

"Huwag mo kong hahawakan, Huo Mian. Tanggalin mo yang madudumi mong kamay. Hindi mo ko dadalhin kung saan-saan. Umalis ka dito!" pagkatapos niya magreklamo, gumapang si Ning Zhiyuan sa lapag na para bang sugatang hayop at umalis.

Naiwang nakatayo si Huo Mian, mahinang umiiyak.

"Hindi niya alam kung bakit nagkakaganto ang mga bagay-bagay. Hindi pa ba tapos ang tadhana sa pagpapahirap sa kanya? Akala pa naman niya bayad na siya mga nangyari seven years ago?"

Bakit kailangan pa siyang pilitin ng ganito? Bakit hindi siya pwedeng mamuhay ng normal? Ang gusto lang naman niya ay isang normal na buhay at wala ng iba pa.

"Huo Mian, bumalik ka na sakin. Pakasalan mo na ako." nagsalita si Qin Chu sa likod niya. Ang mga sinabi nito ay hindi bukas para pag-usapan o isang pagmama-kaawa. Ang dating nito ay isang utos na dapat sundin. Alam ni Huo Mian ang lakas nang pamilya ng mga Qin. Sila ay privileged simula sa kanilang kapanganakan at sa bayan na ito, sila ay parang mga diyos na kayang gawin ang lahat ng kanilang nais. Seven years ago, natutunan niya ito sa mahirap na paraan at pinagbayaran niya ng sobra-sobra ang kanyang mga kasalanan. Mukhang katulad niya, hindi pa rin ito tapos para kay Qin Chu.

Next chapter