Mula pagkapanganak hanggang sa magdalaga, nasanay si Qiao Anhao na
laging may ibang taong gumagawa para sakanya ng mga bagay-bagay.
Pero noong naghiwalay sila ni Lu Jinnian dati ng anim na buwan, nasanay
siyang kumilos para sa sarili niya – magbayad ng bills, maglinis, magpalit ng
bumbilya, at magluto. Pero pagkatapos nilang maikasal, inispoiled siya nito ng
sobra, sa puntong hindi niya na kayang mabuhay ng wala ito sa tabi niya.
Mula noong mabaog si Qiao Anxia, si Little Rice Cake na ang naging munting
kayamanan ng mga Qiao, at dahil sobrang bibo rin nito, giliw na giliw sina
Uncle at Auntie Qiao, na wala ng ibang hiniling kina Lu Jinnian at Qiao Anhao
kundi ang mahiram ito palagi.
Isang araw, sa hindi malamang kadahilanan, sobrang lamig sa Beijing kaya
pagkauwi ni Lu Jinnian, bahing siya ng bahing. Sakto, nandoon din si Auntie
Qiao para bisitahin si Little Rice Cake, pero noong nakita nito na parang may
sakit siya, nagpaalam ito sakanilang magasawa na iuuwi nalang muna nito si
Little Rice Cake para hindi mahawa sakanya.
Sa totoo lang, maayos naman talaga ang pakiramdam ni Lu Jinnian noong una,
pero pagsapit ng alas nuebe ng gabi, bigla siyang inapoy ng lagnat. Kagaya ng
dati, ayaw niya pa ring magpadala sa ospital, at dahil abala si Madam Chen sa
gawaing bahay, si Qiao Anhao nalang ang nagasikaso sakanya.
May first aid kit sila sa bahay, pero simula noong makasal sila, siya lang ang
nakakagalaw 'nun, kaya ngayong hindi siya makabangon, kailangan itong
hanapin ni Qiao Anhao. "Hubbym nasan yung first aid kit?"
"Nasa ibabaw ng TV" Hinang-hinang sagot ni Lu Jinnian.
Nang mahanap na ito ni Qiao Anhao, hindi na siya nag'abala pang magbasa ng
manual, at kagaya ng nakasanayan, muli siyang nagtanong kay Lu Jinnian,
"Anong kailangan mong gamot para sa lagnat? Anti-inflammatory ba? Ilan
kailangan mo?"
Malinaw na sobrang sama ng pakiramdam ni Lu Jinnian, pero sa kabila nito,
walang pa rin kahit anong bakas ng inis sakanya sa tuwing sumasagot siya sa
mga tanong ni Qiao Anhao. "Dalhin mo dito…"
Pagkapasa ni Qiao Anhao ng first aid kit, naglabas si Lu Jinnian ng dalawang
magkaibang gamot.
At dahil hindi pa kumuha ng tubig si Qiao Anhao, dali-dali itong tumakbo
pababa sa kusina. Habang naghihintay, humiga muna si Lu Jinnian, pero
makalipas lang ang ilang segundo, bigla siyang napabangon nang may narinig
siyang nabasag galing sa baba, kaya sa kabila ng masamang pakiramdam,
nagmamadali siyang tumakbo. Nang makita si Qiao Anhao na nakaluhod sahig
habang nagpupulot ng mga bubog, natakot siya nab aka masugatan ito kaya
bigla niya itong hinila, "Ako na, kunin mo nalang yung gloves.'
Mabilis namang dinala ni Qiao Anhao ang gloves pero nang makita niyang
sobrang putla ni Lu Jinnian, hindi niya ito inabot dito, bagkus, binalak niya
itong isuot sa sarili niya, pero bago niya pa magawa, bigla itong inagaw ni Lu
Jinnian, at lumuhod para linisin ang mga kalat. Nang masigurado nitong wala
ng mga mga bubog na natira, kumuha ito ng tubig para sa sarili nito at sabay
silang umakyat.
Pagkatapos uminom ni Lu Jinnian ng gamot, sabay na silang humiga sa kama.
Kinapa ni Qiao Anhao ang noo nito, at nang maramdamn niya na lalo pa itong
uminit, bigla siyang nalungkot… Gusto niya kasi sana talagang alagaan ito,
pero noong sinubukan niya, naging sakit pa siya sa ulo nito….Mula noong
ikasal sila, ibinigay nito ang lahat ng mga gusto at pangangailangan niya, kaya
ngayon literal na wala siyang ideya sa gawaing bahay… Dahil dito, napapikit
nalang siya at malungkot na nagtanong, "Lu Jinnian, pangit ba ako maging
asawa?"
"Mmh?" Bahagyang dumilat si Lu Jinnian at naguguluhang tumingin kay Qiao
Anhao.