Noong umagang 'yun, si Xu Jiamu ang naghatid kay Little Rice Cake sa school,
pero kagaya ng mood nito mula noong isang araw, nakasalumbaba lang ito sa
buong byahe.
Kadalasan, kapag nakikita ni Xu Jiamu na ganito si Little Rice Cake, inaasar
niya ito, pero dahil ngayon ang balik ni Song Xiangsi papunta sa America, wala
rin siya sa mood.
Pagkarating nila sa parking lot ng school, walang kabuhay-buhay na bumaba si
Little Rice Cake habang hila-hila ang kanyang bag. "Bye bye, uncle."
Dali-dali ring bumaba si Xu Jiamu para ihatid si Little Rice Cake sa loob ng
classroom nito, pero bago ang lahat, kagaya ng nakasanayan, sumilip muna
siya sa pinagupuan nito para tignan kung wala na itong nakalimutan, at doon
niya nakita ang isang malaking pulang mansanan. "Oh. Nakalimutan mo ang
apple mo."
Pero tinignan lang siya ni Little Rice Cake, at walang kabuhay-buhay na
sumagot. "Uncle, sinadya ko po talagang iwanan yan."
"Bakit naman?"
Mula noong isang araw, walang pinagsasabihan si Little Rice Cake kung bakit
siya malungkot, kaya ngayong tinatanong siya ng uncle Xu Jiamu niya kung
bakit niya iniwanan ang apple, lalo lang siyang nalungkot, "Kasi nagdadala
lang naman ako ng apple para kay Little Red Bean, pero sabi niya babalik na
sila ng America ngayon kasama ang mommy at daddy niya eh…"
At nang marinig ito ni Xu Jiamu, bigla siyang namutla at napahawak ng
mahigpit sa susi ng kanyang sasakyan.
Kahit magaling bumasa ng mukha si Little Rice Cake, wala naman siyang
napansing kakaiba kay Xu Jiamu, kaya nagbuntong hininga lang siya, at muli,
nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng classroom niya ng
nakasimangot.
Pagkabalik ni Xu Jiamu sa sasakyan niya, halos kalahating oras siyang
nakatulala lang sa kawalan habang nakaupo sa passenger seat, bago siya
dahan-dahang mag maniobra papunta sa Xu Enterprise.
Kagaya ng nakasanayan, sinalubong siya ng tambak na meeting at iba't-ibang
mga paperworks kaya pagkarating na pagkarating niya, inasikaso niya muna
ang mga ito, at nang matapos niya na ang lahat, puno ng pagmamalasakit na
lumapit sakanya ang kanyang secretary para magtanong, "Chief Xu, pasado
alas dose na po. Ano pong gusto niyong kainin?"
"Pasado alas dose?" Bulong ni Xu Jiamu sa sarili niya.
Halos labinlimang minutong naghintay ang kanyang secretary ng sagot niya,
pero dahil hindi siya nagsasalita, inilapag nalang nito ang dala nitong menu sa
lamesa niya at umalis.
Dahil sa isang simpleng tanong, pakiramdam ni Xu Jiamu ay para siyang
sinakal ng sobrang higpit. Hindi siya makagalaw sakanyang kinauupuan
habang nakatitig sa oras na nasa kanyang desktop. Ala una na…. Siguradong
nakalipad na ang eroplano ni Song Xiangsi….
Humarap si Xu Jiamu sa bintana para pagmasdan ang kalangitan ng may
sobrang lungkot na mga mata, at pagkalipas ng ilang sandali, na hindi niya na
alam kung gaano katagal, dahan-dahan siyang pumikit at yumuko sakanyang
lamesa.
-
At parang isang kisap mata lang, kalahating linggo na simula noong bumalik si
Song Xiangsi sa America. Sa ngayon, maayos naman ang lagay niya at balik
siya sa mga dati niyang gawi bago mamatay ang papa niya. Pero hanggang
ngayon… parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyari noong umuwi siya sa
China.
Tuwing Sabado, walang pasok ang anak ni Jiang Licheng, na si Qiao En, kaya
nakareserve talaga ang mga araw na ito para makapg'bonding ang dalawang
bata.
Gusto rin sanang sumama ni Song Xiangsi, pero sa kasamaang palad,
nalaman niyang dinatnan na pala siya. Wala naman sanang problema pero
siguro dala ng na rin ng pagod sa lahat ng ginawa niya sa China, dagdag pa ng
byahe niya pabalik sa America, sobrang sakit ng puson niya, kaya hindi na siya
nagpumilit. Hinintay niya lang si Jiang Licheng at Qiao En na sunduin si Little
Red Bed, at pagkatapos, bumalik kaagad ng tulog para makapagpahinga, at
tanghali na noong nagising siya ulit.
Sa pagkakataong ito, mas mabuti na ang pakiramdam niya kaya kumain siya
ng mabilisan at nagumpisa ng magligpit ng mga nagkalat na laruan ni Little
Red Bean sa sala. Pero noong patapos na siya, hindi niya inaasahan na may
makakapa siyang isang card galing sa ilalim ng sofa.
Isa itong makinang na kulay gintong business card, at kahit sa malayuan,
halatang hindi basta-basta ang materyales na ginamit dito. Sa gitna nito, may
dalawang pamilyar na salitang nakasulat: Xu Jiamu.