webnovel

Pagpapatuloy (8)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos mag'gabihan, hinugasan ni Xu Jiamu ang mga plato. Pagkalabas

niya ng kusina, naabutan niya si Song Xiangsi sa sala na naglalatag ng kumot.

Nang marinig ni Song Xiangsi na may papalapit, dali-dali siyang lumingon.

Inilapag niya ang hawak niyang unan sa sofa at naglakad papunta sa direksyon

ng dati niyang kwarto. "Pwede ka ng matulog dito. Pinalitan ko na ang bed

sheet niyan."

Sinilip ni Xu Jiamu ang kwarto na tinuturo ni Song Xiangsi bago siya muling

tumingin sa sofa. Malinaw sakanya ang ibig nitong sabihin… Gusto nitong

magkahiwalay silang matulog, kaya bilang lalaki, walang pagdadalawang isip

niyang sinabi, "Ako na ang matutulog sa sofa."

"Sigurado akong pagod ka kasi buong araw kang nagmaneho…"

Ayaw pa sanang magpatalo ni Song Xiangsi, pero habang nagsasalita siya,

mabilis na naglakad si Xu Jiamu papunta sa sofa at humiga.

Kaya hindi na siya nakapagsalita at napatitig nalang dito. "Salamat."

"Walang anuman."

Halos limang minuto pang nanatili si Song Xiangsi sakanyang kinatatayuan

bago siya magsabi ng 'Goodnight', at dahan-dahang isarado ang pintuan.

-

Kinaumagahan, ginising ni Song Xiangsi ng maaga ang papa niya, habang si

Xu Jiamu naman ay nagluluto ng umagahan nilang tatlo.

Mukhang maganda ang tulog ni Mr. Song kagabi, dahil kumpara sa mga

nakaraang araw, di hamak na mas mukha itong malakas at masigasig.

Pagkatapos nilang kumain, kagaya ng orihinal na kahilingan ng matanda, muli

nitong inulit na gusto nitong pumunta sa puntod ni Mrs. Song.

Pero bago sila umalis, pinahanap ni Mr. Song kay Song Xiangsi ang isang

Chinese tunic suit na tinahi mismo ni Mrs. Song para sakanya.

Nakahimlay si Mrs. Song sa ancestral field ng Song Family, at sa kasamaang

palad, kailangan nilang maglakad papasok dahil hindi pwedeng pumasok ang

mga sasakyan.

Kahit na mas maganda ang pakiramdam ni Mr. Song ngayong araw, hirap pa

rin siyang maglakad, kaya bandang huli, binuhat nalang siya ni Xu Jiamu.

Kumpara sa Beijing, mas mainit ang summer sa kinalkhan ni Song Xiangsi.

Sakto, tanghali pa sila lumabas kaya kahit kulang-kulang dalawang daang

metro lang ang kailangan nilang lakarin, halos maligo na si Xu Jiamu sa

sobrang pawis.

Nang mapansin ito ni Song Xiangsi, bigla siyang napahawak ng mahigpit sa

payong.

-

Mula noong nagkasakit si Mr. Song, wala ng ibang nagaasikaso sa ancestral

field ng Song Family, kaya ngayon, literal na hindi na makita ang puntod ni

Mrs. Song dahil natabunan na ito ng mga damo.

Pagkababa ni Mr. Song mula sa pagkakapasan kay Xu Jiamu, hinawakan siya

ni Song Xiangsi para alalayang maglakad papunta sa puntod, kung saan hirap

na hirap siyang umupo para bunutin ang mga damo.

Dala ng sobrang panghihina, kahit gaano pa subukan ni Mr. Song, wala talaga

siyang mabunot ni isang damo, kaya nang makita ito ni Xu Jiamu, dali-dali

siyang lumapit at tinulungan ang matandang tumayo, habang sinasabi sa

mag'ama na siya nalang ang bahala.

Medyo malalim na ang ugat ng mga damo at matataas na rin ang mga dahon

kaya kailangan talaga ng doble-dobleng lakas para mabunot ang mga ito. Base

sa pinanggalingan ni Xu Jiamu, malayo ito sa tipo ng tao na gumagawa ng

ganitong gawain, kaya kasabay ng sobrang tarik na araw, walang tigil sa

pagpatak ang pawis nito. Bandang huli, hindi na talaga natiis ni Song Xiangsi

kaya lumapit na siya para bigyan ito ng tubig at sabihing magpahinga muna ito.

Pero taliwas sa gustong mangyari ni Song Xiangsi, nilagok lang ni Xu Jiamu

ang binigay niyang tubig at umupo sa tabi ni Mr. Song ng halos labing limang

minuto, at muli na itong bumalik sa puntod ni Mrs. Song para magpatuloy sa

paglilinis.

Pagkalipas ng halos isang oras, sa wakas natapos na rin si Xu Jiamu, kaya

muli, hirap na hirap na tumayo si Mr. Song, at sa tulong ni Song Xiangsi,

mabagal siyang naglakad papunta sa puntod ng asawa. Pagkarating niya,

maingat siyang lumuhod at hinimas ito, habang sinesenyasan sina Xu Jiamu at

Song Xiangsi na umalis muna para masolo ang asawa.

Next chapter