webnovel

Pagpapatuloy (1)

Editor: LiberReverieGroup

Muling tumingin si Song Xiangsi sa pintuan ng operating room, at pagkalipas

ng halos kalahating minuto, walang emosyon siyang nagpatuloy, "Ganito

naman lagi, ano pa bang sasabihin ko?"

Napaka simpleng mga salita, pero para kay Xu Jiamu, para itong matatalas na

kutsilyong sabay-sabay na tumusok sa puso niya…

Sa walong taon nilang pagsasama, pareho silang busy sa kanya-kanya nilang

mga buhay… Abala ito sa pagfifilm ng iba't-ibang pelikula, at siya naman ay

abala sa Xu Enterprise. Kahit na halos gabi-gabi silang nagsesex, hindi niya ito

narinig na nagreklamo kahit minsan, na para bang ang tapang tapang nito, at

sa totoo lang, ngayon ang kauna-unahang beses na nakita niya itong umiyak,

hindi dahil kinakailangan ng role nito, kundi dahil sa sobrang sakit na

nararamdaman nito….

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na ganito na raw ang nararamdaman

nito mula noon… Ibig sabihin, noong mga taong magkasama sila, kahit gaano

kalala at kabigat ang araw nito, kinikimkim lang nito?

Halo-halong emosyon ang naramdaman niya habang nakatitig sa namamaga

nitong paa, at pagkalipas ng limang minuto, tinulungan niya itong magsuot ng

at walang imik na umalis.

-

Pagkabalik ni Xu Jiamu, may dala na siyang grocery. Muli, lumapit siya kay

Song Xiangsi at inabutan ito ng yogurt na tinusukan niya na ng straw.

Hindi makapaniwalang tumingin si Song Xiangsi kay Xu Jiamu, na para bang

takang taka siya kung bakit bumalik pa ito.

Pero sa pagkakataong ito, kinuha niya na ang yogurt na inaabot nito.

Muli, lumuhod si Xu Jiamu sa harapan niya at inilapag ang dala nitong paper

bag sa tabi nito at sa pangalawang pagkakataon, tinanggal nanaman nito ang

sapatos niya at naglabas ng ointment na minasahe nito sa namamaga niyang

paa niya.

Hindi mapigilan ni Song Xiangsi na mapatitig kay Xu Jiamu, pero sa takot

niyang mahuli siya nito, bigla niyang kinagat ang straw ng yogurt na hawak

niya para maibaling ang kanyang atensyon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyang may nag'alaga

sakanya….

Siguro dahil maagang namatay ang mama niya, bata palang siya ay nasanay

na siyang maging independent. Tapos, nagkasakit ang papa niya, kaya

kinailangan niyang gumawa ng paraan para hindi sila mamatay ng dilat. Sa

sobrang dami ng pangangailangan nila, napilitan siyang maging matapang

hanggang sa puntong akala niya kaya niya na ang lahat. Para sa mata ng

marami, isa siyang super star, pero ang hindi alam ng mga ito, kaakibat ng

titulong dala niya ang sunod-sunod na injury… Nasasaktan ba siya? Oo… Pero

tinitiis niya lang lahat ng 'yun, at kapag siya nalang ang naiiwang mag'isa, dun

niya lang naiiyak ang lahat ng sakit at pagod.

Sa walong taon nilang pagsasama ni Xu Jiamu, gustong gusto niya sanang

sandalan ito, pero nakakalungkot lang dahil sa tuwing sinusubukan niya ay lalo

niya lang nararamdaman na wala talaga itong pakielam sakanya.

Hindi naman siya duwag na tao, pero pagdating kay Xu Jiamu parang

nawawalan siya palagi ng lakas ng loob…

Siguro mukha siyang matapang, pero sa loob loob niya, sobrang dami niyang

insecurities, kasi kahit anong ganda at sikat niya, hindi niya maalis ang

katotohanan na kabit lang siya.

Ngayon na mayroon na siyang Little Red Bean, kailangan niyang triplehin ang

tapang niya. Noon sa tuwing napapagod siya, lagi lang siyang umiiyak, pero

ngayon, ginagawa niya ang lahat para pigilan ang sarili niya dahil sa natatakot

siya na baka pag hinayaan niya ang sarili niyang umiyak, magtuloy-tuloy na

ito… Dati, naisip niya na maghanap nalang ng ibang lalaki lalo na't ramdam na

ramdam niyang ayaw talaga siyang pakasalanan ni Xu Jiamu, pero ngayong

dumating na si Little Red Bean sa buhay niya, mas matatamisin niya pang

silang dalawa nalang kaysa sumugal nanaman sa maling lalaki, na bandang

huli ay sasaktan lang din ang anak niya.

Kaya ngayon na naramdaman niyang may taong nagaalaga sakanya, gustong

gusto niyang umiyak.

Next chapter