webnovel

Pagkatapos (35)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang natigilan si Xu Jiamu, at imbes na tumuloy ay tumalikod siya at

naglakad palayo.

-

Nagpatuloy si Song Xiangsi sa pagsusuka hanggang sa gumaan ang kanyang

pakiramdam. Pagkatapos, dali-dali siyang nagmumog at noong maghihilamos

sana siya, bigla siyang natigilan dahil may sumulpot na yogurt na may

nakatusok pang straw sa harapan niya.

Napatitig siya sa yogurt na nasa harapan niya ng ilang segundo sa sobrang

pagkagulat bago siya dahan-dahang tumingin sa salamin, kung saan nakita

niya si Xu Jiamu na nakatayo sa tabi niya, sa may bandang kanan.

Hindi ito nagsasalita at nang sandaling magkasalubong sila ng tingin, bigla

itong yumuko. Pero parang walang nangyari, nagpatuloy lang siya sa

paghihilamos at kumuha ng tissue na ipinampunas sa niya sakanyang mukha.

Pagkatapos, mabilisan niya itong tinapon sa basurahan, at walang tingin-

tingin sa yogurt na nakalapag sa may lababo, naglakad siya palabas.

Bagamat naisuka niya na ang lahat ng alak na nainom niya, sobrang nalalata

pa rin ang kanyang mga binti, kaya noong pakiramdam niyang matutumba na

siya, bigla siyang hinawakan ni Xu Jiamu para alalayan.

Dahil dito, biglang bumilis ang tibok ng puso niya, pero nang sandaling

mahimasmasan, buong pwersa siyang kumawala sa pagkakahawak nito, kaya

nadapa siya, pero agad din siyang tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero noong palabas na siya ng CR, biglang nagring ang kanyang phone.

Kaya para alalayan ang kanyang sarili, sumandal siya sa pader at nanginginig

na kinuha ang kanyang phone mula sa bulsa niya sa likod para sagutin ang

tawag.

Hindi alam ni Xu Jiamu kung anong sinabi ng kausap nito sa kabilang linya,

pero base sa obserbasyon niya, biglang kumunot ang noo ni Song Xiangsi, at

hindi nagtagal, hindi mapakali itong nagsalita, "Papunta ako."

Pagkatapos, nagmamadali nitong binulsa ang phone nito, at kahit na pasuray-

suray, pinilit nitong maglakad ng mabilis papunta sa elevator.

Kaya siya na pinagmamasdan lang ito ay bigla ring napakunot ng noo, at

walang pagdadalawang isip na hinabol ito. "Anong nangyari?"

Pero parang wala itong narinig at paulit-ulit lang nitong pinindot ang 'open

button' ng elevator. Base sa pagkakakilala ni Xu Jiamu kay Song Xiangsi,

parati lang itong kalmado kaya ngayon na nakikita niya itong nagkakaganito,

sigurado siyang may nangyaring hindi maganda. Pagkalipas ng mahigit

limang segundo, nagbukas ang elevator, at kagaya ng inaasahan,

nagmamadali itong pumasok.

Sa sobrang pagmamadali, muntik pa itong sumubsob sa pader, pero buti

nalang at nakasunod siya kaagad kaya nahila niya ito. "Ano ba kasing

nangyari?"

Muli, hindi ito sumagot pero kitang-kita niyang namumutla na ang mukha nito

habang nakatitig sa pulang ilaw sa loob ng elevator hanggang sa makarating

sila sa ground floor, kung saan walang pagdadalawang isip itong tumakbo

palabas.

Pagkalabas ni Song Xiangsi ng building, dumiretso siya sa gilid ng kalsada

para pumara ng taxi.

Dalawang beses pa siyang tinanong ni Xu Jiamu kung anong nangyari, pero

dahil hindi siya sumagot, nainis na ito at hinila siya papunta sa parking lot.

"Ihahatid na kita."

"Hindi, magtataxi nalang ako..." Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita,

bigla siyang binuhat nito.

At walang pagdadalawang isip, mabilis itong naglakad papunta sa sasakyan

nito sa parking lot.

Iniupo siya nito sa passenger's seat bago ito mabilis na sumakay sa driver's

seat. Habang iniistart ang makina, muli itong nagtanong, "Saan mo gustong

pumunta?"

Nakahawak si Song Xiangsi sakanyang tyan dahil nangangasim ito sa

sobrang dami ng alak na nainom niya. Nang marinig niya ang tanong ni Xu

Jiamu, umiling siya at sinabi, "Ibaba mo nalang ako sa pinaka malapit na

subway station."

Pero hindi pinakinggan ni Xu Jiamu ang sinabi ni Song Xiangsi, bagkus,

inapakan niya ng madiin ang accelator, at wala pang limang segundo,

nilampasan niya ang subway station na tinutukoy nito. "Saan mo gustong

pumunta?"

Magsasalita sana si Song Xiangsi, pero noong sandaling ibuka niya ang

kanyang bibig, walang lumabas dito, kaya nang makita ito ni Xu Jiamu sa rear

view mirror, muli itong nagsalita, "Kahit saan ihahatid kita."

Kaya sa pagkakataong ito, hindi na siya nagmatigas at yumuko nalang, "Sa

District Three Hospital."

Next chapter