webnovel

Pagkatapos (23)

Editor: LiberReverieGroup

Bago sumakay, biglang huminto si Xu Jiamu, na para bang may bigla siyang

naalala, at sinabi, "Nagbago na ang isip ko. Hindi mo na kailangang magstay

ng tatlong araw at tatlong gabi. Dalawang oras lang ang kailangan ko. Magkita

nalang tayo ng alas otso sa Four Seasons Hotel sa Linggo.

At pagkatapos niyang magsalita, tuluyan na siyang sumakay sa loob ng taxi at

umalis.

-

Kinabukasan, nagising si Xu Jiamu na may sobrang taas na lagnat, kaya buong

araw lang siyang nagpahinga dahil gabi na noong medyo bumaba ang

temperature niya.

Kumain lang siya ng kaunti, pero kahit sobrang sama ng pakiramdam niya,

hindi talaga siya makatulog. Siguro dala na rin ng lungkot, dahil bukod sa mag-

isa lang siya sa malaki niyang villa, sobrang bigat din talaga para sakanya ng

mga nangyari kahapon.

Noong umalis si Song Xiangsi papuntang America, sobra talagang nalungkot

siya, pero ngayong nalaman niya na nakauwi na ito ng Beijing, pakiramdam

niya ay trumiple pa ang lungkot niya.

Kaya kahit masama ang pakiramdam, nagsigarilyo muna siya ng dalawang

magkasunod na stick para mabawasan kahit papaano ang stress na

nararamdamdaman niya, bago siya pumunta sa study room para gawin ang

mga natambak niyang trabaho. Sa sobrang dami, alas sinco na ng umaga

noong natapos siya kaya nagshower na siya ng kaagad, at dumaan sa isang

café para magumagahan, bago siya dumiretso sa office.

Bukod sa mga email na pinagpuyatan niya ng buong magdamag, pagkarating

niya sa opisina, tumambad din sakanya ang lamesa niya na tambak ng iba't-

ibang dokumento, kaya hindi pa man din siya nakakapahinga, dumiretso na

siya kaagad sa upuan niya at isa-isang binasa ang mga ito, na para bang hindi

niya alam ang konsepto ng pagod. Maya't-maya ring may mga kumakatok sa

opisina niya para magtanong tungkol sa trabaho, at nang matapos niya na ang

lahat, inabisuhan siya ng kanyang secretary na may nakaschedule siyang

lunch meeting…. Kaya sa madaling salita, sobrang busy niya talaga ngayong

araw.

Pagkatapos ng gabing nagdonate si Xu Jiamu ng dugo, hindi na sila ulit

nagkita ni Song Xiangsi, at wala rin ni isa sakanila ang kumukontak sa bawat

isa.

Walang pasok ang Xu Enterprise tuwing weekends, pero pumasok pa rin si Xu

Jiamu para magovertime. Siguro dala ng sobrang lungkot, binugbog niya ng

sobra ang sarili niya sa kakatrabaho hanggang sa puntong hindi niya na

namalayan ang oras. Pero pagsapit ng alas sais ng gabi noong ika-Linggo,

biglang nag'alarm ang kanyang phone, na nang silipin niya ay tumambad

sakanya ang isang reminder: Evening, 8 PM.

Bigla siyang natigilan at natulala sa tatlong salita na nasa kanyang screen,

pero wala pang limang segundo, nagpatuloy siya sa pagtatrabaho hanggang

7:20. Doon niya lang shi'nut down ang kanyang computer at umalis.

7:40 palang noong nakarating siya sa Four Seasons Hotel, twenty minutes

bago ang usapan nila ni Song Xiangsi. Sa mga normal na araw, pumupunta na

siya sa private room na nireserve niya, kung saan doon nalang siya

naghihintay ng kung sino mang kameeting niya, pero sa pagkakataong ito,

dumiretso siya sa lobby para maghintay. Hindi nagtagal, mga bandang 8:06, sa

wakas, dumating na rin si Song Xiangsi.

Pagkapasok ni Song Xiangsi sa entrance ng hotel, hindi niya ito sinalubong at

sinundan lang ng tingin. Sinadya niyang pumwesto sa anggulong madali siyang

makita, kaya nang sandaling magsalubong sila ng tingin, bigla siyang tumayo

at dumiretso sa elevator.

Kalmado lang ang tindig nito, at parang isang maamong tupa, walang imik

itong sumunod sakanya.

Pagkabukas ng elevator, nagdire-diretso siya sa nireserve niyang private room,

at swinipe ang kanyang card para makapasok.

Hindi nagtagal, pumasok rin si Song Xiangsi at dahan-dahang sinarado ang

pintuan.

Kagaya ng dating Xu Jiamu, humilata siya sa sofa at binuksan ang TV. Pero

nang mapansin niyang nakatayo lang si Song Xiangsi sa may pintuan,

pinahinaan niya ang volume nito, at walang prenong sinabi, "Alam ba ng asawa

mo na may kasama kang ibang lalaki sa iisang kwarto ngayon?"

'Asawa? Ibang lalaki?' Para sa isang babae, ito na ata ang pinaka

nakakainsultong salitang pwedeng sabihin ng isang lalaki, pero anong

magagawa niya? Pumayag siya na gawin ito para mabuhay ang anak niya…

ang anak nila… Kaya nang sandaling marinig niya ito, napayuko nalang siya.

Pero kagaya ng inaasahan, lalo lang nainis si Xu Jiamu sa naging reaksyon ni

Song Xiangsi, kaya ibinuhos niya sa remote control ang galit. Paulit-ulit niya

itong pinindot para magpalipat-lipat ng channel, pareho sa eksena noong

gabing ginawa nila ang deal, eleven years ago.

Next chapter