Habang naglalakad si Song Xiangsi papunta sa sala, hindi lumilingon si Xu
Jiamu. Tinuro niya lang ang sofa bilang senyas na umupo muna ito, at
dumiretso siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.
Pagkatapos, sinilip niya ito, at nang makita niyang nakatayo lang ito, muli
kumunot ang kanyang noo, pero sa pagkakataong ito, hindi niya na ito pinilit na
umupo, bagkus, naglakad siya papalapit dito para iabot ang baso. "Anong
kailangan mo sakin?"
Pero imbes na kunin ang baso, muling tumingin ang sobrang putlang Song
Xiangsi kay Xu Jiamu, at walang pagdadalawang isip na nagmakaawa,
"Kailangan ko ng dugo mo."
'Dugo?' Hindi maintindihan ni Xu Jiamu ang ibig sabihin ni Song Xiangsi, pero
nang marinig niya ang salitangi ito, bigla siyang kinabahan, kaya hindi niya
namalayang natapon na ang tubig sa kamay niya.
"Kailangan mo ng dugo ko?"
"Oo." Paulit-ulit na tumungo si Song Xiangsi, at habang patagal ng patagal ang
usapan, makikita sa istura niya na lalo siyang nagiging aligaga. "Nakikiusap
ako sayo, pwede bang samahan mo ako sa district hospital? Kanina,
nagdadrive si Jiang Licheng sa Ring South Road at naaksidente siya…"
"So nagpunta ka dito kasi gusto mong iligtas ang asawa mo?" Naiinis na sagot
ni Xu Jiamu.
Asawa…. Buti nalang at sumingit si Xu Jiamu… Kundi, baka nadulas na siya
sa katotohanan na kaya niya ito pinuntahan ngayon ay dahil ito ang kamatch ni
Little Red Bean…
Pagkarating niya sa ospital kanina, nagaagaw buhay na si Little Red Bean.
Ang sabi ng doktor sakanya, marami raw nawalang dugo sa bata at sa
kamalas-malasan, hindi sila match at wala na ring dugo sa blood bank ng
ospital… kaya kailangan niyang magmadali kundi mamatay ang anak nila.
Bilang ina, sobrang natakot siya noong narinig niya ang mga salitang, 'baka
mamatay', kaya noong sandaling 'yun, para siyangbiglang nawala sa sarili
niya at nagmamadaling pumunta kay Xu Jiamu, dahil ito lang naman ang
kakilala niyang pwedeng magdonate kay Little Red Bean.
Kung hindi lang sumingit si Xu Jiamu, baka nasabi niya na ang totoo…
Kaya bigla siyang natigilan, at dahan-dahang yumuko. "Nagmamakaawa ako,
samahan mo na ako sa ospital. Please?"
Pero hindi na muling sumagot si Xu Jiamu at nakatitig lang siya kay Song
Xiangsi.
Parang kanina lang sobrang yabang nito at ni hindi manlang siya binigyan ng
pagkakataon na makapagpaliwanag…Kaya kumpara sa nakikita niya ngayon,
masasabi niyang parang ibang tao talaga ang kaharap niya.
Ibig sabihin, may puso naman pala ito, pero sadyang hindi lang talaga siya ang
laman….
Dahil dito, biglang humigpit ang pagkakahawak ni Xu Jiamu sa baso.
Nagagalit siya sa sobrang sakit ng pinaparamdam nito sakanya at gustong
gusto niyang tanungin si Song Xiangsi kung sinasadya ba talaga nitong saktan
siya.
Pero pagkalipas ng kalahating minuto, muling nagmakaawa si Song Xiangsi,
"Jiamu, samahan mo na ako please?"
Habang sinusubukang hawakan ang kanyang kamay.
Pero bago pa man din ito dumampi sakanya, bigla siyang umilag at tumalikod.
Dahan-dahan, inilapag niya ang baso ng tubig sa katabi niyang coffee table at
nagsalita, na para bang hindi apektado. "Sorry, hindi ako interesado."
Pagkatapos, itinuro niya ang pintuan, na para bang sinasabi niyang lumabas
na ito. "Mrs. Song, humanap ka nalang ng ibang tutulong sayo."