webnovel

Ang Katapusan (30)

Editor: LiberReverieGroup

Habang paangat ng paangat ang eroplano, unti-unti ring lumalabo ang

makukulay na ilaw ng Beijing, at muli, bumuhos nanaman ang luha ni Song

Xiangsi.

Bigla niyang naalala ang Song Xiangsi, walong taon na ang nakakaraan.

Nakaputing bistida at nakatirintas ang buhok. Tandang tanda niya yung araw

na nakatayo siya sa harapan ng napaka gwapong Xu Jiamu. Nakatitig siya sa

hawak nitong credit card. Wala siyang magawa… kailangan niya ng pera, kaya

bandang huli, napakagat nalang siya ng kanyang labi at walang magawang

tumungo habang nakapikit pa ang mga mata. "Sige, payag na ako."

-

Noong araw na nakalabas si Qiao Anxia ng ospital, saktong sakto lang ang

klima.

Umagang umaga, nagtulungan sina Auntie Qiao at Chen Yang na magempake

ng gamit. Nangako si Qiao Anhao na sasamhan niya si Qiao Anxia sa paguwi,

pero dahil malaki na ang tyan niya, hindi pumayag si Lu Jinnian na hindi ito

kasama, kaya mula sa trabaho, dumiretso ito sa ospital para sunduin siya.

Alas dose na ng tanghali noong nakauwi sila sa bahay ng mga Qiao at

saktong sakto lang ang dating nila dahil katatapos lang ding maghanda ng

mga katulong ng pananghalian. Dahil hindi pa tuluyang magaling si Qiao Anxia

at buntis naman si Qiao Anhao, sinadya ni Auntie Qiao na magpaluto ng mga

masusutansyang pagkain na madali lang matunaw.

Pagkatapos nilang kumain, sinamahan nina Chen Yang at Lu Jinnian si Uncle

Qiao sa study room, habang ang tatlong babae naman ay naiwan sa sala na

nanunuod ng TV.

Dahil tatlong buwan ng buntis si Qiao Anhao, medyo mas naging antukin na

siya kaya habang nanunuod, hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa

balikat ni Qiao Anxia.

Habang tumatagal, pabigat na pabigat ang ulo ni Qiao Anhao, kaya bandang

huli, hindi na kinaya ni Qiao Anxia at sinilip na ito. Nang makita niyang

nakatulog na ang pinsan niya, bigla niyang siniko si Auntie Qiao para

senyasan na kunin ang kumot, na nakatupi mula sa hindi kalayuan. "Kunin mo

yung kumot."

Pagktapos, maingat niyang tinakluban si Qiao Anhao. Pero habang inaayos

niya ang kumot, hindi niya namalayang natapik niya ang tyan nito. Bigla

siyang natigilan…. At hindi nagtagal, dahan-dahan niya itong hinimas. Pero,

siguro dahil sa sitwasyon niya, parang may kumurot sa puso niya, kaya

bandang huli, huminto nalang siya at napayuko.

Alas sais na ng gabi nang magising si Qiao Anhao, pero bago sila umuwi,

kumain muna sila ng gabihan na si Auntie Qiao mismoang nagluto.

Bumyahe sina Qiao Anhao at Lu Jinnian pabalik sa Mian Xiu Garden,

samantalang si Chen Yang naman ay inuwi na kaagad si Qiao Anxia sa

apartment nila. Siguro dala na rin ng pagod, nakapikit lang si Qiao Anxia sa

kabuuhan ng byahe.

Pagkarating nila sa apartment, binuksan ni Chen Yang ang pintuan at

hinarangan ang daan ni Qiao Anxia. "Pumikit ka muna."

Malinaw na hindi maintindihan ni Qiao Anxia ang ibig sabihin ni Chen Yang

kaya naguguluhan siyang nagtanong. "Ano?"

"Pumikit ka."

Pero dahil nakita ni Chen Yang na naiirita na si Qiao Anxia, at mukhang wala

itong balak na sumunod, gamit ang kanyang kamay, tinakpan niya ang mata

nito, at gamit naman ang isa niyang paa, sinipa niya ang pintuan at dahan-

dahang naglakad papasok.

"Chen Yang, ano bang ginagawa mo"

Sinubukang alisin ni Qiao Anxia ang kamay niya, pero imbes na pakawalan,

yumuko siya at bumulong ng 'shhh'. Sinarado niya ang pintuan at nagpatuloy

sa paglalakad ng mabagal hanggang sa makarating sila sa gitna ng sala, kung

saan dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay mula sa mata nito.

"Chen Yang, ano bang pakulo mo…"

Habang sinasabi ito ni Qiao Anxia, naiinis siyang dumilat, at nang sandaling

mabuksan niya ang kanyang mga mata, sumalubong sakanya ang

napakaraming alitaptap, na nagpaliwanag sa napakadilim nilang apartment.

Next chapter