Shmily…Alam ng lahat na isa itong brand at ang kwento sa likod ng acronym
na ito…See-how-much-I-love-you…
Sa totoo lang, hindi naman sa gustong mapahiya ni Lu Jinnian si Qiao
Anhao… Noong una, gusto niya lang itong asarin pero hindi niya naman
akalain na gaganti talaga ito sakanya kaya nakisakay nalang din siya.
"Eh sino kaya yung nagaral ng mubuti ng mahigit kalahating taon para lang
makapasok sa Class One kasi gusto niya raw sana akong maging kaklase."
"Eh sino naman yung hindi sinagutan ang kalahati ng math exam niya para
lang maging kaklase ko sa Class Three!" Pikon na pikon na sagot ni Qiao
Anhao, na halatang ayaw magpatalo. At dahil hindi pa siya kuntento, muli
siyang nagpatuloy, "Tapos sa sobrang pagka'crush niya sa akin, hinanap niya
talaga yung lamesa ko para yun yung gagamitin niya!"
"Sino kaya jan yung pumasok sa A University para sa akin?!"
"Hmft.. Sino kaya yung nagpunta sa Hangzhou para sa akin!" Teka.. Masyado
atang mababaw yun…Muling nagsalita si Qiao Anhao para dagdagan ang huli
niyang sinabi, "Isa pa, noong nagcamping kami noong middle high, sino kaya
yung gising buong magdamag para humawi ng mga lamok para sa akin!"
Sa totoo lang, wala talagang alam si Qiao Anhao tungkol dito dahil sobrang
himbing ng tulog niya noong mga oras na yun, pero nitong mga nakaraang
araw, medyo marami-rami rin silang napagusapan ni Qiao Anxia, at dahil
kampante siyang bala pa siya, muli siyang nagpatuloy, "Tsaka… sino kaya
yung tanong ng tanong ng tungkol sa akin noong limang taon na kaming hindi
nagkita!"
Hehe…sinabi basakanya ni Qiao Anxia ang lahat? Ha ha… sabagay, marami
rin naman siyang nalaman sa pinsan nito…Kalmadong nagsalita si Lu Jinnian,
"Sino naman kaya yung every other day kung bumyahe sa Shanghai para raw
makipag bonding sa pinsan niya, ero ang totoo gusto naman talaga akong
puntahan sa Hangzhou!"
Sa puntong ito, naaliw na rin si Lu Jinnian kaya muli siyang nagsalita, "Oh
teka… sino naman kaya yung hanggang ngayon ay tinatago yung mga ticket
ng eroplano at tren, kasama pa noong ilang perang binigay ko sakanya noon."
Nanlaki ang mga mata nni Qiao Anhao at gulat na gulat na tumingin kay Qiao
Anxia sa ibaba ng entablabo.
Traydor!!!
Noong nakaraang linggo, marami siyang sikretong ikinuwento kay Qiao Anxia
noong tinanong siya nito kung kailan at paano siya nainlove kay Lu Jinnian.
Tapos… tapos… ikinuwento nito lahat kay Lu Jinnian?
Nang magtagpo ang mga mata nila, tumawa lang si Qiao Anxia, na halatang
nangaasar at para bang wala itong pakielam sa nanlilisik niyang mga mata.
Bagkus, payabang siyang tinignan nito na para bang sinasabi ng mga mata
nitong 'Oh, may magagawa ka pa ba?'
Sabi nila blood is thicker than water! Haixt!! Hindi naman pala totoo yun!
Nanggigigil na tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, na sobrang kalmado lang,
at inis na inis na sumagot, "Sino kaya yung sumusunod sa akin, para lang
makita ang likod ko!"
Hmm… gusto lang sanang gumanti ni Qiao Anhao, pero nang sandaling
marinig niya sarili niyang mga salita, parang bigla siyang kumalma at sobrang
naantig.
Sa dami ng mga nangyari sakanila, ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon
na padaanan ang mga ito, kaya ngayon lang din nila nalaman na ganun pala
kaganda ang mga ala-alang pinagsaluhan nila, ng hindi nila namamalayan.
Kaya si Lu Jinnian, na gusto pa sanang asarin si Qiao Anhao, ay bigla ring
natigilan at muli itong tinitigan ng diretso sa mga mata. Sa pagkakataong ito,
bakas sa boses niya ang naguumapaw na emosyon, "Sino naman kaya yung
sumalampak sa tapat ng bahay nila noong New Years Eve dahil nalaman
niyang kami ang nanalong best screen couple."