Siguro hindi pa talaga handa si Qiao Anhao na makausap ng personal si Qiao
Anxia kaya noong sandaling makita niya ito, bigla siyang napakuyom ng
kanyang mga kamay, bago niya ito batiin, "Sis!"
Noong narinig ito ni Qiao Anxia, bigla siyang napayuko at nang sandaling
iangat niya ang kanyang ulo, si Lu Jinnian kaagad ang una niyang nakita.
Ilang segundo rin siyang nakatitig dito bago niya tignan si Qiao Anhao na
nakangiti sakanya at siguradong taliwas sa inaasahan nito, hindi siya bumati
pabalik at nagdire-diretso lang siyang naglakad papunta sa tabi ng papa niya.
Kahit na hindi nagsalita ng pabalang at tinignan lang siya ni Qiao Anxia,
ramdam ni Qiao Anhao ang pagka'ilang sa mga mata nito.
Kaya bigla siyang natigilan at hindi na nakapagsalita.
Walang kaalam alam si auntie Qiao na ngkagusto dati si Qiao Anxia kay Lu
Jinnian kaya noong nakita niyang tumabi ito kay uncle Qiao, tumabi rin siya
sa mag ama at masayang sinabi, "Aakyat palang sana ako para tawagin ka
pero bumaba ka na pala. Isa pa, Xia Xia, tignan mo! may mga binili si Lu
Jinnian para sayo. Ang bait bait niya talaga at nagabala pa siyang bilhin ang
mga paborito mo."
Sa sobrang abala ni Lu Jinnian sa pakikipagusap kay uncle Qiao tungkol sa
negosyo, hindi niya na napansin kung anong nangyayari sa paligid niya, pero
base sa kilos ng katabi niya, alam niyang hindi mapakali si Qiao Anhao at
malinaw sakanya na dahil ito kay Qiao Anxia.
Kaya ngayon na narinig niya ang sinabi ni auntie Qiao, dali-dali siyang
tumingin sa dalawa at magalang na sumagot, "Auntie, kayo naman po! Paano
ko naman po malalaman kung anong mga gusto ni Miss Qiao? Siyempre si
Qiao Qiao po ang mga namili niyan. Kagaya po ng Chanel na bag…si Qiao
Qiao po ang nagsabi na gusto ni Miss Qiao ng blue at pink kaya bandang
huli, pinilit niya ako na bilhin nalang namin yung dalawa."
Si Lu Jinnian talaga ang may gusto na bilhin nila ang dalawang bag kaya
noong nagshoshopping sila, hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung ano ba
talagang dahilan nito, at ngayon na narinig niya na ang sagot nito sa auntie
niya, malinaw na sakanya ang lahat… gusto ni Lu Jinnian na iparamdam kay
Qiao Anxia kung gaano ito kamahal ng pinsan nito…
At dahil sa ginawa ng asawa, sobrang napanatag si Qiao Anhao at palihim
siyang tumingin kay Qiao Anxia para silipin ang magiging reaksyon nito.
Pero malungkot mang aminin, parang hindi narinig ng pinsan niya ang
pinaguusapan nina auntie Qiao at Lu Jinnian at nakatitig lang ito sa TV nang
hindi manlang sumilip kahit sandali sa mga shopping bags.
Kaya ang kaninang masayang sala ay biglang bumigat at naging nakakailang.
Buti nalang, sanay sina auntie at uncle Qiao na gumawa ng paraan para
muling sumaya ang paligid kaya para hindi na madagdagan ang ilang,
pinagalitan ni uncle Qiao si Qiao Anxia hanggang sa bumati ito kay Lu
Jinnian, na nagpanggap din na walang nagyari habang patuloy na
nakikipagusap.
At sa anggulo na hindi nakikita ng iba, palihim na hinawakan ni Lu Jinnian
ang kamay ni Qiao Anhao.
Kahit na wala siyang salitang narinig, alam ni Qiao Anhao na pinapakalma
siya ni Lu Jinnian.
Totoong nalungkot siya sa mga ikinilos ni Qiao Anxia dahil nasanay siya na
sobrang giliw nito sa tuwing magkikita sila, pero dahil mga palihim na
ginagawa ni Lu Jinnian, medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Pagkatapos naghain ng mga katulong ng tanghalian, lahat sila ay tumayo at
naglakad papunta sa dining table.
Alam ni auntie Qiao na buntis si Qiao Anhao kaya sinadya niyang magpaluto
ng mga pagkaing madaling matunaw at hinintay niya lang na makaupo ang
lahat bago niya lagyan ng chicken soup ang mangkok nito.
"Salamat po auntie."
Gamit ang dalawang kamay, magalang na tinanggap ni Qiao Anhao ang
mangkok. Sa totoo lang, hindi talaga siya komportable kaya maya't-maya
siyang sumisilip kay Qiao Anxia na tahimik na nakaupo sa tapat niya. Minsan
lang silang magsalu-salo sa bahay ng auntie at uncle niya kaya para sana
bawasan ang tensyon, naglakas loob siyang tumayo para abutan ito ng
mangkok, "Sis, inom ka muna oh!"