May dalang ballpen at papen si Lu Jinnian at kahit na medyo matagal na
siyang hindi nagbabasa ng mga ganung klase ng libro, sisiw pa rin sakanya
ang pagsasagot ng ilang mga tanong.
Pagkatapos niyang magsagot ng dalawang pahina na puro tanong, bigla
siyang naglabas ng isang kulay lila na envelope mula sakanyang bulsa at
inilapag ito sa lamesa bago niya sikuhin si Qiao Anhao.
Noong oras na 'yun, dalang dala na si Qiao Anhao sa binabasa niya kaya
gulat na gulat siyang napalingon. Nang mapansin niya ang envelope na
inilapag nito, tinignan niya si Lu Jinnian, na walang karea-reaksyon habang
nagsasagot ng mga tanong galing sa libro.
Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari kaya ilang segundo pa ang
lumipas bago niya kunin ang envelope para silipin ang laman nito. Takang
taka niyang inilabas ang nakatuping yellow pad sa loob nito, na noong
binuklat niya ay tumambad sakanya ang dikit-dikit na sulat ni Lu Jinnian.
Classmate Qiao Anhao,
Natanggap ko ang sulat mo at sobrang saya ko dahil dun.
Kaya kung wala lang gagawin, pwede ba kitang yayain mamayang seven
thirty?
Classmate Lu Jinnian.
Sa ilalim ng papel, may nakasulat na petsa na limang taon na ang
nakakalipas kaya naintindihan kaagad ni Qiao Anhao na ang sulat na biglang
ibinigay sakanya ni Lu Jinnian ay sagot sa sulat na palihim niyang siniksik sa
bulsa nito noong nakaraang araw.
Kaya sa sobrang kilig, literal na abot tenga ang ngiti niya habang nakatitig sa
papel. Pagkalipas ng ilang segundo, bigla niyang inagaw ang hawak na
ballpen ni Lu Jinnian at binaliktad ang papel para magsulat sa likod nito.
Classmate Lu Jinnian,
Magkita tayo mamayang gabi!
Classmate Qiao Anhao.
Kagaya ng naunang pagkakatupi, ibinalik niya ito sa dating ayos at isiniksik
sa envelope bago niya muling ilapag sa lamesa at itulak palapit kay Lu
Jinnian.
Pagkabuklat ni Lu Jinnian ng papel, bigla siyang natawa sa sagot ni Qiao
Anhao at muli siyang nagsulat. Sa pagkakataong ito, hindi niya na ito tinupi at
isiniksik sa envelope, at direkta ng ibinigay kay Qiao Anhao.
Nakita ni Qiao Anhao ang sagot ni Lu Jinnian: Magkita tayo mamayang seven
thirty.
Dahil hindi niya na talaga mapigilan, bigla siyang natawa pero dali-dali rin
naman siyang tumigil dahil naalala niya na nasa loob sila ng library. Sa totoo
lang, masaya siya, sobrang saya, pero may parte pa rin sa kanya na
malungkot.
Dahil kung noon pa umamin sakanya si Lu Jinnian, siguro hindi siya
mahihiyang umamin din ng nararamdaman niya para rito at kung talagang
nangyari yun, sigurado naman na ganito na rin sila kasaya pero mas maaga,
tama?
Muli niyang inagaw ang ballpen sa kamay nito, at kagaya ng nakasanayan sa
tuwing nagiisip ng isasagot, ilang minuto niyang kagat kagat ang dulo ballpen
bago siya muling magsulat: Nakakalungkot naman kasi ang dami pala nating
taon na nasayang.
Medyo nabigla si Lu Jinnian sa sunod na sagot ni Qiao Anhao kaya natigilan
siya ng ilang sandali bago siya makaisip ng isasagot niya pero noong
magsusulat na sana siya, bigla naman nitong inagaw ang papel at muling
nagsulat: Si Brother Jiamu ba ang dahilan kung bakit minsan sweet ka pero
madalas, mainit ang dugo mo sa akin?
Habang sinusulat ito ni Qiao Anhao, inalala niya yung mga panahong
nagpapanggap silang magasawa. Hindi niya makakalimutan ang gabing
nagpalipas sila ng gabi sa villa nito sa Mount Yi kung saan napagkwentuhan
nila ang tungkol sa babaeng nagugustuhan nito.
Ang pagkakasabi lang ni Lu Jinnian ay kasal na raw ang babae, kaya nga
inisip niya pwede na silang magkaroon ng pagkakataon, pero hindi niya
naman inakala na siya pala ang tinutukoy nito. Para kay Lu Jinnian, sila ni Xu
Jiamu ang magasawa at nirerespeto nito ng sobra ang kapatid nito, pero
isang gabi, umuwi ito ng lasing na lasing sa Mian Xiu Garden. Niyakap siya
nito ng mahigpit at paulit ulit na sinabing "Bakit ba hindi nalang kasi ako ang
mahalin mo?"