Ngayong tinatanong siya ni Qiao Anhao kung paano kumalat ang mga picture sa
internet kung iilan lang naman ang nakakaalam ng tungkol dito?
Ano bang dapat niyang isagot?
Noong gabi ng charity gala, namulat siya sa katotohanan nang mabalitaan
niyang pinatay ng sarili niyang ina ang walang kamalay-malay na bata, kaya
ngayon malinaw sakanya kung sino ang punot-dulo ng lahat ng nangyayari.
Pero hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan niya…. Na baka ang
nanay niya nanaman ang may kagagawan ng mga nangyari.
Sa totoo lang, sobrang bigat nito para sakanya at nasasaktan lang siya kapag
hindi niya nasasagot ang tanong ng kanyang kaibigan kaya bigla siyang nagisip
ng iba nilang pwede pagusapan,"Qiao Qiao, nasaktan ka ba?"
Habang sinasabi niya ito, napatingin siya sa nagasgasan nitong braso.
Kaya dali-dali niyang inilapag ang hawak niyang braso at tumayo para kunin first
aid kit na nasa ilalim ng coffee table. "Nasaktan ka. Gagamutin ko yung sugat
mo."
Alam ni Qiao Anhao na hindi papayag magpatalo si Han Ruchu kaya sigurado
siya na may ginawa ito para makaganti sakanya.
Pero hindi naman niya naisip na ganito kabilis…
Dahil alam niyang si Han Ruchu ang nasa likod nito, sobrang sama ng loob niya
at gustong-gusto niyang gumanti…
Sa kabila ng paggamit niya kay Xu Jiamu para makaganti sa nanay nito… Hindi
pa rin ito nagdalawang isip na iligtas siya… Pero wala na kasi siyang ibang
pagpipilian…
Ginamit ni Han Ruchu ang kahinaan ni Lu Jinnian para patumbahin ito, kaya
gusto niya itong gantihan sa parehong paraan na ginamit nito.; ang gamitin ang
kahinaan ng matandang 'yun para makaganti.
Hindi alam ni Qiao Anhao kung anong sasabihin kaya pinagmasdan niya lang si
Xu Jiamu habang kumukuha ng bulak galing sa first aid kit. Noong una, medyo
nagdalawang isip pa siya pero gusto niyang linawin ang lahat, kaya naglakas
loob siyang magsalita, "Brother Jiamu, alam ko namang alam na ang tanging
rason kung bakit ako pumayag sa sinabi ng nanay ay dahil kaibigan kita. Noong
panahon na yun, naaksidente ka at nacomatose ka kaya gusto kitang tulungan."
Biglang napatigil si Xu Jiamuy habang naglalagay ng betadine sa bulak.
Tama. Gusto lang naman siyang tulungan ni Qiao Qiao, pero ang kabaitan din
nito ang humila rito pababa.
"Pero Brother Jiamu, hindi ko naman naisip na magkakaganito ang lahat…"
Mangiyak-ngiyak na nagpatuloy si Qiao Anhao, "Brother Jiamu, alam mo ba?
Galit na galit sa akin ngayon ang buong internet. Tapos na ako… Sa mga
natitirang araw ng buhay ko, hindi na ako makakabangon….Gusto lang naman
kitang tulungan, pero bandang huli pero ako pa ang nasira. Pero ang pinaka
masakit dito ay…pati si Lu Jinnian ay nahila ko pababa…"
Naglalabas lang ng sama ng loob si Qiao Anhao… pero pakiramdam ni Xu
Jiamu ay sinisisi siya nito, kaya hindi niya maingat ang ulo niya para tignan ito.
Napahawak siya ng mahigpit sa betadine at ilang sandali rin siyang nanahimik
bago maglakas loob na magsalita, "Sorry."
"Brother Jiamu, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali."
Noong oras na yun,mas gusto pa ni Xu Jiamu na tumayo si Qiao Anhao,
sigawan siya, sisihin dahil sa mga ginawa ng nanay niya at sabihan ng walang
utang na loob…
Dahil pakiramdam niya ay doon lang gagaan ang loob niya.
Alam niyang walang wala ang "Sorry" niya sa gulong hinaharap ngayon nina
Qiao Anhao at Lu Jinnian ng dahil sa kagagawan ng nanay niya.
Pero hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin kaya ang tanging
magagawa niya lang ay paulit ulit na sabihin ang salitang iyo... "Sorry Qiao
Qiao. I'm sorry. Sorry."
At noong oras din na yun, biglang nagbukas ang pintuan at hindi mapakaling
nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Qiao?"