webnovel

Desisyon (3)

Editor: LiberReverieGroup

Masayang tumungo si Mr. Wei, "Sige Mr. Lu, nakikinig ako."

Bago magpatuloy, muling humigop si Lu Jinnian ng kape at inilapag ang

kanyang tasa sa platito, na gumawa ng matining na ingay sa napaka tahimik na

lounge. "Gusto ko sanang isunod sa pangalan ng Wei Enterprise ang magiging

pangalan ng lead company sa drama."

Hindi inaasahan ni Mr. Wei na may ganito kagandang plano si Lu Jinnian kaya

siyang nabuhayan noong narinig niya ang sinabi nito.

Wei Enterprise….Magandang pagkakataon ito para makilala ng lahat ang

pinaghirapan niyang kumpanya…

Muling nagpatuloy si Lu Jinnian, "Gusto ko rin sanang gawing Wei ang apelyido

ng bidang lalaki."

Dahil dito, lalo pang naging excited si Mr. Wei.

Kung mangyayari ang proposal ni Lu Jinnian, siguradong magiging malakas ang

impluwensya ng Wei Enterprise sa isip ng mga manunuod at magandang

pangenganyo ito para mas maintriga ang mga tao sa mga alahas na binebenta

nila.

Mukhang magandang deal ito…

Pero imposibleng wala itong kapalit…

"Mr. Lu, kung ang mga inooffer mo lang ang pagbabasehan ko, masasabi kong

wala talaga akong reklamo pero pwede ko bang malaman kung ano ang

minimum price na kakailanganin ng production? Kung kaya ng kumpanya

naming abutin, wala na tayong ibang paguusapan at ang kailangan mo lang

gawin ay pirmahan ang kontratang hinanda ko, pero kung medyo malaki,

ididiscuss ko muna ito sa board at saka tayo magusap ulit."

Hindi nagsalita si Lu Jinnian at itinaas niya lang ang kanyang hintuturo.

"Isang bilyon??!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Wei. Bilang isang

negosyante, alam niya na hindi maliit na halaga ang isang bilyon pero mas

lalong hindi biro ang magiging epekto sa kumpanya niya kapag natupad ang

proposal ni Lu Jinnian...Pero marami rin siyang kailangang timbangin dahil

bukod sa hindi pa naguumpisa ang drama, hindi kaya masyado din itong

magarbo kung para lang sa isang advertisement? "Mr. Lu, wala naman akong

duda sa kikitain ng upcoming drama pero kahit gusto kong pumayag, hanggang

fifty million lang kasi ang budget namin sa ngayon. Kung ayos lang sayo,

dagdagan nalang natin ang kontrata ng isang kasunduan na nangangako ang

Wei Enterprise na maglalabas kami ng isa pang fifty million kapag kumita kami.

Kung pagtutulungan natin 'to, sigurado naman ako na madali naming kikitain

ang fifty million…"

"Mr. Wei, nagkakamali ka. Hindi isang bilyon ang tinutukoy ko kundi sampung

bilyon," mahinahong sabat ni Lu Jinnian.

Isang bilyon nga sobrang natatakot na siya tapos ngayon naging sampung

bilyon pa?! Biglang nanlaki ang mga mata ni Mr. Wei sa sobrang pagkagulat.

"Sampung bilyon?! Bakit ganun kalaki? Teka lang Mr. Lu, hindi ko ata kaya…"

"Ako ang magbibigay sayo ng sampung bilyon," pagpapatuloy ni Lu Jinnian.

Hindi maintindihan ni Mr. Wei ang nangyayari kaya sa pagkakataong ito,

napatulala nalang siya kay Lu Jinnian habang pinoproseso ang mga narinig

niya. Sa sobrang kaba, biglang nanginig ang kamay niya na may hawak na kape

kaya hindi niya na namalayan na natapon na siya nito.

At doon lang siya nahimamasan at dali-daling ngumiti, "Mr. Lu, nagbibiro ka

ba?"

Umiling si Lu Jinnian at tumingin ng diretso sakanyang mga mata, "Seyoso ako."

At sa pangalawang pagkakataon…muli siyang napatulala kay Lu Jinnian at base

sa itsura nito, mukhang hindi talaga ito nagbibiro…. Ito ang unang beses na

nagkaroon sila ng negosasyon pero bakit parang sobra-sobra naman ang

inaalok nito sa partido niya…"Ah teka lang Mr. Lu, hindi ko maintindihan. Diba

dapat kami yung maglalabas ng pera kasi tutulungan niyo kaming

magadvertise? Hindi ba kayo malulugi dahil dito?"

Hindi kagaya ni Mr. Wei, walang bakas ng kaba sa itsura ni Lu Jinnian na

naglabas ng cheke at iniabot dito.

Napatitig si Mr. Wei sa napakaraming zero na nakasulat sa cheke at noong

binilang niya ito, totoo ngang sampung bilyon ang hawak niya…

Matagal na rin siya sa mundo ng negosyo at alam niya na may dahilan si Lu

Jinnian kaya kahit natatakot siyang magtanong ay pinili niyang linawin ang

lahat, "Mr. Lu, gusto mo bang bilhin ang Wei Enterprise?"

"Hindi." Kalmadong umiling si Lu Jinnian at bago siya magpatuloy, muli niyang

kinuha ang kanyang kape para humigop, "Pero tama ka na imposibleng walang

kapalit ang mga inaalok ko sayo."

Next chapter