Sa mundong 'to, sakanya lang apektado Lu Jinnian.
Kahit kailan ay hindi niya plinanong saktan ito.
Pero, wala siyang kaalam-alam na siya pala ang may kagagawan kung bakit ito
nahihirapan.
Parang may sumaksak sa puso ni Qiao Anhao at sa sobrang sakit, halos hindi
na siya makahinga. Hawak hawak niya pa rin ang phone ni Lu Jinnian at
habang nakasalampak sa sahig, muli nanaman siyang umiyak.
Medyo matagal din siyang umiyak bago siya kumalma at tumayo. Gusto niyang
makausap si Lu Jinnian kaya tumakbo siya pabalik sa kwarto nila para hanapin
ang kanyang phone na natabunan ng mga gamit na pinagkakalkal niya. Ilang
beses niya itong tinawagan pero hindi ito sumasagot. Siguro dala ng sobrang
emosyon, nakalimutan niya na nasa eroplano nga pala ito.
Medyo nalungkot si Qiao Anhao kaya nakatayo lang siya sa gitna ng kwarto nila
na napaka gulo. Pagkalipas ng sandali, naisipan niyang bumalik sa study room
at muling sumalampak sa harap ng drawer. Nakuha niya na ang recording pen
at ang phone na laman nito kaya tanging ang pulang marriage certificate at
folder nalang ang naiwan. Pamilyar siya sa booklet kaya mas interesado siya sa
folder.
Binuksan niya ito at bumungad sakanya ang isang inheritance allocation
document. Ang lahat ng shares ni Lu Jinnian sa Huan Ying Entertainment at sa
iba pa nitong mga kumpanya ay mapupunta sakanya, at ang beneficiary ng Xu
Enterprise ay walang iba kundi si Xu Jiamu.
Parehong nakapirma sa dokumento si Lu Jinnian at ang lawyer nito ilang araw
bago ang New Year's eve.
Ibig sabihin, umuwi si Lu Jinnian sa China bago ang New Year's Eve… Binilang
ni Qiao Anhao ang araw kung kailan ito pumirma at napagtanto niya na sakto
ito sa araw na shinushoot niya ang huling eksena ng 'Heavenly Sword'.
Kung ganun…si Lu Jinnian talaga ang nagligtas sakanya noong gabing may
nagtangka sa buhay niya!
Nagalit si Xu Jiamu kay Lu Jinnian dahil sa pang'aagaw nito sa Xu Enterprise…
Nagkahiwalay sila dahil sa mga kasinungalingan ni Han Ruchu, kaya ang buong
akala nito ay galit din siya rito.
Malinaw na ang alam ni Lu Jinnian ay galit sila pareho ni Xu Jiamu dito, pero
wala itong ginawa kundi isipin pa rin ang mga kapakanan nila.
Mangiyak ngiyak ang mga mata ni Qiao Anhao habang inilalapag niya ang
inheritance allocation.
Lu Jinnian, bukod pala sakin mahal na mahal mo rin ang kapatid mong si Xu
Jiamu, tama?
Kahit hindi mo sabihin, gusto mong patunayan na totoo ang kasabihang 'blood
is thicker than water' kaya kahit anong mangyari, hinding hindi mo papabayaan
ang kapatid mo, tama?
Kung anong gusto mo, gusto ko din.
Masyado ka ng maraming nagawa para sa akin, ngayon panahon na para ako
naman ang may gawin para sayo.
Dahil sayo, hindi ako natatakot dahil alam kong may nagaalaga sa akin kahit
nakatalikod ako. Ngayon, gusto kong maramdaman mo rin yun.
Habang nakatitig si Qiao Anhao sa inheritance allocation, punong-puno ng
determinasyon ang kanyang mga mata.
Tumawag si Xu Jiamu kay Qiao Anhao para imbitahan siyang pumunta sa gala.
Ang pagkakasabi ng kababata niya ay isa itong charity gala, pero sa totoo lang,
isa talaga itong party ng mga mayayaman at tanyag na pamilya.
Simula labing-anim, marami ng napupuntahang event si Qiao Anhao kasama si
Qiao Anxia at ang mga magulang nito.
Papalabasin na isa itong charity event para makalikom ng maraming donasyon,
pero sa totoo lang, isa itong event para makapagyabang – iyayabang ng mga
lalaki ang kanilang mga kayamanan, samantalang ganda naman ang
ipangpopronta ng mga kababaihan.
Matagal ng huminto si Qiao Anhao sa pagpunta sa ganitong klaseng party dahil
isang beses, may mga grupo dalaga ang sumugod sakanya para
makipagpagandahan.
Samantalang si Qiao Anxia naman ay kabaliktaran niya dahil sobrang palaban
at mahilig itong makipagkumpitensya. Sa tuwing may ganitong klaseng
pagtitipon, naghahanda talaga ito ng sobra kaya naman lagi din itong belle of
the ball. Sa totoo lang, noong kabataan nila, marami talagang humahanga sa
ganda ni Qiao Anxia.
Pinangalanan ang gala ng 'The Beijing Gala' na inorganize ng isang club.
Pagkarating ni Qiao Anhao, puno na ang venue ng mga iba't-ibang klaseng
mamahaling sasakyan.