"Kung matutuwa ako sa sagot mo, handa akong patawarin ang lahat ng nagawa
mo sa akin: sa hindi mo pagsipot, at sa…"– Natigilan si Lu Jinnian dahil bigla
niyang naalala ang gabi na natanggap niya ang pinaka masakit na text mula kay
Qiao Anhao. Nandilim ang kanyang paningin, pero agad niya rin namang
naikalma ang kanyang sarili –"lahat ng mga sinabi mo sa akin, kakalimutan ko
ang mga 'yun."
Noong nakaramdam si Qiao Anhao ng pagasa, agad siyang tumahan at tinignan
si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata. "Sabihin mo sa akin."
Pagkatapos niyang umiyak ng matagal, kinusot niya ang kanyang ilong kaya lalo
pa siyang nagmukhang kawawa.
"Qiao Qiao…" Ramdam na ramdam ang matinding sakit sa mga mata ni Lu
Jinnian habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Qiao Anhao, "Bigyan mo ako
ng dahilan."
Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung ano ang ibig sabihin ni Lu Jinnian.
Ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita.
Hindi nagtagal, muling nagpatuloy si Lu Jinnian, "Bigyan mo ako ng rason para
paniwalaan kita na mahal mo talaga ako."
Kahit ilang beses ng sinabi ni Qiao Anhao na mahal niya talaga si Lu Jinnian,
kahit ilang beses na siyang gumawa ng paran para i'harass ito para lang
mapansin siya nito, kahit binalewala niya na ang magiging tingin sakanya ng
ibang tao noong umiyak at nagwala siya dahil ayaw niyang umalis…. Sa kabila
ng napaka rami niyang ginawa para makumbisi si Lu Jinnian na gusto niya
talaga itong makasama… Ngayon, hinahanapan pa rin siya nito ng rason.
Simula noong natanggap ni Lu Jinnian ang text na "May karapatan ka ba",
tuluyan na siyang nawalan ng lakas ng loob.
Pagkatapos niyang masabi ang kanyang tanong, nanatili siya sa kanyang
kinatatayuan habang nakatitig kay Qiao Anhao.
Kailangan niyang magbigay ng rason para mapatunayan na mahal niya talaga si
Lu Jinnian?
Muling bumuhos ang mga luha sa mukha ni Qiao Anhao pero hindi nagtagal ay
agad din siyang kumalma at naging seryoso. Napakunot siya ng kanyang noo
habang iniisip ng mabuti kung ano bang dapat niyang isagot.
Noong mga oras na 'yun, biglang nabalot ng katahimikan ang sulok kung saan
sila nakatayo.
Minsan, may mga naririnig silang tunog ng mga eroplanong lumilipad.
Dalawang minuto palang ang lumilipas pero pakiramdam ni Lu Jinnian ay
habang buhay na siyang naghihintay. Hindi nagtagal, unti unting gumaan ang
kanyang mga kamay na nakahawak sa mga balikat ni Qiao Anhao at noong
bibitaw na sana siya ay bigla naman itong nagsalita. "Lu Jinnian…"
Namamaga na ang mga mata ni Qiao Anhao sa sobrang kakaiyak. Namumula na
rin ang ilong nito at maging ang mga hibla ng buhok nito ay nagkabuhol buhol
din. Mukha talaga itong kawawa, pero kitang kita ni Lu Jinnian ang sinseridad sa
itsura nito. "Magpakasal na tayo."
Kung kailangan ni Lu Jinnian ng dahilan para maniwala ito na talagang mahal
niya ito, wala ng ibang maisip si Qiao Anhao kundi ang yayain itong
magpakasal.
"Hindi ba ang sabi mo sa akin dati, handa kang pakasalan ako kung wala ng
magkakagusto sa akin. Pwede mo na akong pakasalan ngayon, at ibibigay ko
sayo ang lahat ng mga natitirang araw ng buhay ko, sa tingin mo ba sapat na
ito?"
Noong sandaling marinig ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao, biglang
nanigas ang kanyang buong katawan at sa sobrang pagkagulat ay nakatitig lang
siya rito.
Habang tumatagal ang pananahimik ni Lu Jinnian, pabilis ng pabilis ang tibok ng
puso ni Qiao Anhao sa sobrang kaba. Hindi pa ba sapat kay Lu Jinnian ang
ibinigay niyang rason? O baka naman ayaw lang talaga siya nitong makasama?
Pagkalipas ng kalahating minuto na hindi pa rin umiimik si Lu Jinnian, sobrang
natakot na si Qiao Anhao kaya muli nanaman siyang naiyak at hindi mapakaling
nagsalita, "Lu Jinnian, kung hindi pa sapat ang sinabi ko, may pwede pa akong
idagdag. May bata na sa sinapupunan ko ngayon, hindi mo naman papabayaan
ang bata, tama?"