Sanay na si Lu Jinnian na insultuhin ng iba dahil simula pagkabata niya ay madalas niya na itong nararanasan. Maging ang mismong tatay niya ay sinabihan rin siya noon ng masasakit na salita, pero wala sa mga ito ang papantay sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Gusto niya sanang sumagot pero hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Wala siyang ibang magawa kundi panatilihing kalmado ang kanyang itsura para ipakita na hindi siya apektado.
Matapos ang ilang sandali, unti-unting tumahan si Qiao Anhao pero nanginginig pa rin ang kanyang mga pilikmata.
Natatakot si Lu Jinnian na umamin ng kanyang tunay na nararamdaman dahil baka tuluyan lang mawala sakanya si Qiao Anhao kaya mas pinili niyang palihim itong samahan.
Walang problema kung hindi na talaga sila pwedeng bumalik sa dati.
Pero para sakanya, si Qiao Anhao lang ang tanging nagbigay sakanya ng pagasa at ang nagiisang tao na nagpakita sakanya ng tunay na ganda ng buhay.
Maraming pagkakataon na makita niya lang ang ngiti nito at nabubuo na ang araw niya.
Pero ang ibig sabihin ng simpleng hiling nito sakanya ay walang iba kundi ang kawalan ng pagasa ng kanyang pangarap.
Mangiyak ngiyak ang mga mata ni Lu Jinnian kaya yumuko siya para pigilan ang kanyang mga luha. Makalipas ang ilang sandali, muli niyang iniangat ang kanyang ulo at walang emosyon na tumingin kay Qiao Anhao.
Qiao Qiao, alam mo ba? Ikaw ang mahal ko na handa kong pagalayan ng buong buhay ko.
Bahagya siyang ngumiti at kitang kita sakanyang mukha ang kalungkutan na kasalukuyan niyang nararamdaman. Sa mga oras na ito, handa na siyang sabihin na aalis na siya sa buhay nito.
-
Kanina pa umiiyak si Qiao Anhao pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tuluyang nailalabas ang kanyang sama ng loob kaya patuloy pa ring naninikip ang kanyang dibdib.
Sobrang nagalit siya noong nakita niya ang pangala ni Lu Jinnian sa abortion form. Bigla siyang nanghina pero wala siyang sapat na lakas ng loob na magtanong kung bakit kailangan nitong patayin ang anak niya dahil natatakot siyang baka dumiretso siya sa impyerno kapag narinig niya ang sagot nito.
Pero inaasahan na ang kaduwagan niya ang magdudulot sakanya ng sovra sobrang pasakit at pagdurusa.
Gusto niya ng palayain ang kanyang sarili, gusto niya ng lumayo, at hayaan nalang na tuluyang manlamig ang kanyang puso…
Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan niya si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ula. Bago siya makapagsalita, muli nanamang tumulo ang kanyang mga luha. Huminga siya ng malalim at nang maramadaman niya na mas kalmado na siya, tuluyan niya ng tinanong ang katanungan na matagal niya ng gustong masagot, "Bakit ayaw mo sa anak ko?"
Magsasalita palang sana si Lu Jinnian pero bigla niyang narinig ang tanong ni Qiao Anhao kaya gulat na gulat siyang tinignan ito.
Namamaga na ang mga mata nito kakaiyak at para itong bata na nakaluhod sa sahig. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa sobrang galit habang nakatitig sakanya.
Nang hindi sumagot si Lu Jinnian, muling inulit ni Qiao Anhao ang kanyang tanong. "Lu Jinnian, Lu Jinnian, bakit mo kailangang ipalaglag ang anak ko?"
Pautal-utal magsalita si Qiao Anhao sa sobrang bigat ng puso niya. "Lu Jinnian, alam kong hindi totoo ang kasal natin, at hindi natin plinano na magkaanak, pero dahil nandiyan na siya, bakit kailangan mong maging sobrang sama sakanya? Bakit mo siya pinatay?
Dahil marami na rin siyang naiiyak at nasabi, medyo kumalma na rin ang emosyon niya kaya mas kaya niya ng magsalita. "Hindi mo ba alam na buhay yun? Gaano ka na ba talaga kasama para magawa mong pumatay ng buhay? Murder yun, MAMATAY TAO!
"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na patayin ang anak ko?" Hindi mapigilan ni Qiao Anhao ang pagagos ng kanyang mga luha habang pautal-utal na nagsasalita. "Ang anak ko, sinong nagbigay sayo ng karapatan? SINO?"