webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (4)

Editor: LiberReverieGroup

May hindi inaasahang nangyari sa set na sobrang lala. Sobrang natakot si Qiao Anhao dahil nasanay siyang mamuhay ng mapayapa kahit pa sampung taong gulang palang siya noong naulila na siya mga magulang.

Nangyari ang inisidete noong ikalimang araw ng kanilang pagfifilm. Nasa isang liblib na lugar sila na hindi masyadong pinupuntahan ng tao. Ginagawa naman nila ang lahat para ayusin ang kanilang pagfifilm, pero sadyang may mga kundisyon talagang hindi umaayon sakanila.

Noong araw na 'yun, hindi maikukumpara ang ganda ng panahon. Asul na asul ang kalangitan at para kay Qiao Anhao, ito na siguro ang pinaka asul na nakita niya dahil bilang lang ang ulap na nakikita niya. Napakaganda ng pagsikat ng araw at namumukadkad din ang halos lahat ng mga bulaklak. Ang tanawing ito ay para talagang isang painting na walang pagkakamali; isa itong paraiso. 

Pagsapit ng gabi, nakaramdam na ng pagod ang buong crew kaya pumayag ang direktor na makapagpahinga muna ang mga ito ng kahit kalahating oras bago ipagpatuloy ang pagfifilm ng sunod na eksena. Ngunit ang hindi alam ng lahat, magkakaroon pala ng isang nakakakilabot na pangyayari sa paparating na huling eksena.

-

Limang araw na simula nang magumpisa ang pagfifilm ng pelikula at simula noon ay hindi pa umaalis si Lu Jinnian.

Hindi maikakailang masama talaga ang kundisyon ng lugar kaya hindi masyadong komportable ang assistant dahil sanay itong mamuhay ng marangya sa loob ng mahabang panahon. Sa mga nagdaang araw, nakatapat lang ito sa electric fan at kumakain ng pakwa para labanan ang init.

Samantalang para kay Lu Jinnian ay wala namang problema dahil ang naging pamumuhay niya noon ay di hamak na mas malala pa. Araw-araw, nakatutok lang siya sa computer mula alas nuebe ng umaga hanggang alas cinco ng hapon para asikasuhin ang kanyang mga trabaho.

Ganun din ang ginawa ni Lu Jinnian sa araw na ito. Bago mag alas cinco ng hapon, natapos niya na ang lahat ng trabahong nakapila sa kanyang email kaya sumandal muna siya sa kanyang kinauupuan at ipinikit ang pagod niyang mga mata. Iniangat niya rin ang kanyang mga kamay para masahiin ang nangalay niyang mga balikat.

"Mr. Lu, kumain ka muna ng pakwan.Makakatulong ito para labanan ang init." Nang makita ng assistant na tapos a si Lu Jinnian sakanyang trabaho, dali-dali siyang dinalhan nito ng isang plato ng pakwan. 

Umupong maayos si Lu Jinnian at kumuha ng pakwan gamit ang isang toothpick na dala rin ng kanyang assistant.

Nakakadalawang kagat palang siya nang maisipan niya na parang gusto niyang sumilip sa labas kaya agad niyang ibinaba ang toothpick na hawak niya at tumayo. "Titignan ko lang kung kamusta na ang pagfifilm."

Hinawi ni Lu Jinnian ang mga kurtina at naglakad palabas.

Dali-daling inilagay ng assistant ang mga natirang pakwan sa ref at nagmamadaling sinundan si Lu Jinnian sa labas. 

Noong halos dalawang daang metro nalang ang layo nila mula sa set, biglang sumigaw ang direktor, "Maghanda na kayo!"

Dahil sa naging pagutos nito, dali-daling pumunta ang lahat ng mga kailangan para sa eksena ififilm sa kanya-kanya nitong mga posisyon.

"Start!"

Hindi nagtagal, gumalaw ang mga kamera at sabay na lumabas sina Qiao Anhao at Cheng Yang sa screen.

Para sa huling eksena sa araw na ito, aarte ang dalawa na nagaaway sila. Kasalukuyan silang nasa bangin na halos tatlong metro ang taas at base sa script, bigla nalang may sisigaw ng malakas sa background. Tuloy-tuloy ang pagragasa ng tubig at rinig na rinig ang malakas nitong paghampas sa mga bato.

Binigyan ng stunt instructor sina Qiao Anhao at Cheng Yang ng mga paalala bago magumpisa ang kanilang pagfifilm, pero dahil hindi sila masyadong pamilyar sa mga dapat nilang gampanan, medyo nahihirapan silang gawin ito ng tama. Matapos nilang gumawa ng maraming NGs, napagdesisyunan ng instructor na muli silang kausapin para ulitin sakanila ang mga dapat nilang tandaan kaya sa sumunod na take, di hamak na mas naging maayos na ang lahat

Nakasuot ng pulang bistida si Qiao Anhao at nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Ang makeup sa kanyang mga mata ay binagay sa mapula niyang lipstick at sa itim na itim niyang buhok na sinadyang ayusin ng simple gamit ang isang maliit na ruby pin.

Samantalang si Cheng Yang naman ay nakasuot ng kulay itim mula pang'itaas hanggang pang'ibaba nito. Nanlilisik ang kanilang mga mata habang nakatitig sa isa't-isa na hindi magtatagal ay mauuwi sa isang sumbatan. Noong araw na iyon, rinig na rinig ang pagsipol ng hangin sa sobrang lakas nito na nagdulot din ng paglipad ng kanilang mga damit.

Next chapter