webnovel

Mahal kita, Mahal kita (16)

Editor: LiberReverieGroup

Saktong kakarefresh lang ni Qiao Anhao ng kanyang page noong oras na iyon at nang sandaling makita niya ang reply ni Lu Jinnian, hindi niya na napigilan pa ang sarili niyang mapangiti.

Hindi na siya nagreply kay Lu Jinnian sa weibo pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maya't-maya itong tignan.

Kahit hindi sila naguusap sa loob ng sasakyan, ramdam na ramdam pa rin sa kilig.

Noong sandaling napadaan sila sa isang lumang KTV, naalala ni Qiao Anhao nung mga panahong nasa first year high school palang sila ni Lu Jinnian at naguumpisa palang silang maging malapit sa isa't-isa.

Taon-taon, binibigyan siya nito ng regalo sa tuwing sumasapit ang kanyang birthday. Pero pagkagraduate nila, wala na siyang natanggap mula rito.

Sakto rin kasi noong mga panahong iyon, unti-unti ng lumalamig ang kanilang relasyon.

Noong nasa high school sila, maraming beses niyang nilibre sa KTV ang mga kaklase niya.

Malayo na sila sa KTV nang biglang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian. "Hindi ko alam na naalala mo pala ang birthday ko. Akala ko matagal mo ng nakalimutan."

Diretso lang ang tingin ni Lu Jinnian sa mga neon lights na nasa kalsada. Walang katapusan ang pagtama ng mga sinag nito sa kayang mukha kaya hindi masyadong maaninag ang itsura niya. Halos limang segundo siyang tahimik bago sinabi, "Hindi ko nakalimutan kahit minsan."

Ang birthday ni Qiao Anhao, ang birthday ng kanyang ina at ang anniversary ng pagkamatay nito ang mga pinaka importanteng araw para sakanya at kahit kailan ay wala pa siyang nakakalimutan ni isa rito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao matapos niyang marinig ang sinabi ni Lu Jinnian at hindi niya maipaliwang ang nararamdaman niya. Pinigilan niya ang kanyang paghinga at muling nagtanong, na para bang may gusto siyang kumpirmahin, "Lagi mong naalala ang birthday ko?"

"Pitong taon nating ipinagdiwang, paano ko naman makakalimutan?" Halata sa boses ni Lu Jinnian na para bang may bigla siyang naramdamang lungkot habang sinasabi niya ang kanyang tugon.

Kahit na simple lang ang mga regalong naibibigay niya noong kabataan nila, lagi niyang sinisigurado na kasama siya ni Qiao Anhao sa tuwing sasapit ang kaarawan nito.

Pitong taon ang lumipas mula first year high school hanggang sa unang taon nila sa university. At sa pitong taon na iyon, ginawa niya ang lahat para mahalin si Qiao Anhao.

Pitong taon?

Ang mga salitang iyon ay nakapagpaalala kay Qiao Anhao ng kanilang kabataan, noong mga araw na sobrang pursigido siyang mahalin si Lu Jinnian. Pinapahalagahan niya ang bawat regalo na galing dito, na para bang ang mga ito ay ang pinaka mahal na kayamanan sa buong mundo.

Napakunot si Qiao Anhao ng kanyang mga kilay. Mali. Nakatanggap lang siya ng anim na regalo noon. Bakit sinabi nito na pito? Di kaya kasama na yung ngayon?

Magtatanong na sana si Qiao Anhao kay Lu Jinnian nang biglang tumunog ang kanyang phone.

Tawag ito mula sa isnag unknown number.

Hindi na naituloy ni Qiao Anhao ang pagtatanong at sinagot ang tawag. Isang magalang na boses ng babae ang biglang nagsalita. "Pasensya na po, ito po ba ang asawa ni Mr. Xu Jiamu, Mrs. Qiao Anhao?"

Nagulat si Qiao Anhao. "Sino 'to?"

"Sa ospital po ito, ibabalita ko lang po sana na nagising na si Mr. Xu. Tumawag na po ako sa Xu family pero walang sumasagot kaya kayo nalang po ang tinawagan ko."

"Papunta na ko." Ibinaba ni Qiao Anhao ang tawag at kinausap si Lu Jinnian na nasa tabi niya, "Kailangan nating pumunta sa ospital, nagising na daw si Brother Jiamu."

Tumungo lang si Lu Jinnian at dahan-dahang nag maniobra papunta sa ospital ni Xu Jiamu.

Hindi mapigilan ni Lu Jinnian na isiping….dahil gising na si Xu Jiamu, ito na rin kaya ang kanilang katapusan?

Samantalang si Qiao Anhao naman ay iniisip kung… sa paggising ni Brother Jiamu at sa estado ng relasyon nila ngayon, magiging magkaibigan pa rin kaya sila kahit tapos ang pagpapanggap nila bilang mag-asawa?

Habang nasa byahe sila papunta sa ospital, pareho silang nagiisip ng mga kanya-kanya nilang inaalala, ang isa ay natatakot sa paghihiwalay at ang isa naman ay iniisip kung paano maguumpisa muli.

Next chapter