webnovel

Gumalaw na si Xu Jiamu (3)

Editor: LiberReverieGroup

Kahit sinabihan na ni Qiao Anhao si Zhao Meng na sunduin sya nito ng maaga ay late pa rin itong dumating at halos alas onse na ng umaga.

Hindi na pumasok si Zhao Meng sa loob at inihinto nalang nito ang sasakyan sa bakuran ng mansyon.

Nagpaalam si Qiao Anhao kay Madam Chen at kinuha ang kanyang bag habang nagmamaniobra si Zhao Meng para maitapat nito ang sasakyan sa mismong harap ng gate.

Patawid na sana si Qiao Anhao pero may biglang humintong Mercedes-Benz sa tapat mismo ng mansyon. Napahinto siya sa paglalakad para silipin kung sino ang sakay nito noong nakita niyang bumukas ang pintuan. Lumabas ang assistant ni Lu Jinnian mula sa passenger seat at umatras ito ng bahagya para buksan naman ang pintuan sa back seat.

Lumabas si Lu Jinnian sa sasakyan at matapos ang dalawang hakbang ay bigla siyang napahinto dahil nakita niya si Qiao Anhao na nakatayo sa tapat ng gate ng kanilang bakuran.

Halos isang metro ang layo nila sa isa't-isa at wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita.

Hindi napansin ng assistant kung ano ang nangyari dahil nagbabayad ito sa chauffer. Paglingon nito, nagulat nalang ito na nakatayo lang si Lu Jinnian kaya naguguluhan itong nagtanong, "Mr. Lu?"

Naglakad ito ng dalawang hakbang at nakita nito si Qiao Anhao na nasa harap ni Lu Jinnian kaya hindi ito nagalinlangang bumati, "Hello, Miss Qiao"

Doon palang nahimasmasan si Qiao Anhao at bahagya siyang tumungo sa assistant. Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang bag at agad na inalis ang kanyang tingin kay Lu Jinnian. Lumihis din siya sa dadaanan nito at nagmamadaling tumawid.

Masyadong mabilis ang kanyang paglalakad kaya hindi niya napansing umandar na pala ang sasakyang ginamit ni Lu Jinnian. Muntik na siyang mabangga pero mabilis din ang naging pagkilos ni Lu Jinnian. Hinila siya nito kaya napaatras siya at saka dahan-dahang umandar ang sasakyan sa harap niya.

Napatalon ang assistant sa sobrang gulat. Tinignan nito si Qiao Anhao na medyo namumutla noong mga oras iyon at nagtanong, "Miss Qiao, okay ka lang ba?"

Pinilit ni Qiao Anhao na kalmahin ang kanyang sarili at agad na tumungo assistant. Narealize niya na ang malambot at mainit na kamay ni Lu Jinnian ay nakahawak sa kanyang braso.

Naninigas ang buong katawan ni Qiao Anhao at pag'angat niya ng kanyang ulo ay nakita niya si Lu Jinnian na nakayuko habang ang kulay itim nitong mga mata ay nakatingin ng diretso sakanya. Agad din siyang yumuko at medyo nagalangan pa noong una pero hindi nagtagal ay tinanggal niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito bago siya muling yumuko at tuluyang tumawid ng kalsada.

Nagulat din si Lu Jinnian sa nangyari kaya hindi siya agad nakagalaw na para bang may hawak pa rin siya. Nanatili siya sa ganoong posisyon habang tinitignang papalayo si Qiao Anhao.

Binuksan ni Qiao Anhao ang pintuan ng sasakyan at si Zhao Meng naaman, na may kausap sa phone noong sandaling iyon, ay biglang napatingin at nakipag'beso sakanya. Agad itong nagpaalam sa kausap at binuksan ang makina ng sasakyan nito para makaalis na sila.

Lumiko ang sasakyan sa isang kanto at kahit na wala na ito ay nanatili pa ring blangko si Lu Jinnian sa kinatatayuan nito.

Dahil matagal ng kasama ni Lu Jinnian ang kanyang assistant, ramdam nito na may mali. Nauna itong maglakad papalayo sa kanya at nagpanggap itong parang isang pipe at bingi.

Matapos ang ilang sandaling pagiging blangko, muling ikinurap ni Lu Jinnian ang kanyang magagandang mga mata. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa iba at unti-unting ibinaba ang kanyang mga kamay saka siya kalmadong tumalikod at tahimik na naglakad papasok ng mansyon.

Hinintay muna ng kanyang assistant na medyo makalayo siya bago ito sumunod sakanya. Sa maraming taong magkasama sila, alam nito na hindi maganda ang kanyang mood ngayon kahit pa mukha siyang kalmado. 

Next chapter