webnovel

Did I Disappoint You? (7)

Editor: LiberReverieGroup

Habang pinagiisipan ito ni Lu Jinnian, dahan-dahan siyang tumayo.

Parami ng parami ang mga bisitang dumarating habang sina Qiao Anhao at Lu Jinnian naman ay magkasamang naglakad, na parang mga tunay na mag-asawang nagmamahalan, papunta sa sofa na nasa isang gilid. Pagkaupo nila, ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata para kumalma, pero hindi niya binibitawan ang kamay ni Qiao Anhao.

Samantalang si Qiao Anhao naman ay nakatitig lang sa mukha ni Lu Jinnian, nakalimutan niya na hawak nito ang kanyang kamay. Pero nahimasmasan siya nang bigla itong tumayo at nahila nito ang kanyang kamay.

Ikinurap niya ang kanyang mga mata na halatang naguguluhan siya sa nangayari pero napansin niya na may bakas ng inis sa mukha ni Lu Jinnian kaya tumayo siya sa kanyang kinauupuan at binuksan ang kanyang bibig. "Lu…"

Isang salita palang ang nasasabi niya nang may nakita siyang mga taong naglalakad papalapit kaya agad niyang binago ang dapat niyang sasabihin. "Brother Jiamu, anong problema?"

Ang isang salitang 'Lu' na nasabi ni Qiao Anhao, hindi niya pa natatapos sabihin ang pangalan nito dahil biglang nagkagulo ang mga bisita, kaya ang tanging narinig lang ni Lu Jinnnian ay ang mga sinabi niya pagkatapos nun.

Brother Jiamu…

Itinikom ni Lu Jinnian ang kanyang mga labi. Bigla niyang binitawan ang kamay ni Qiao Anhao at umalis.

Nagmamadali si Qiao Anhao na sundan si Lu Jinnian. "Saan ka pupunta?"

Mabilis ang lakad ni Lu Jinnian at masyado ring mataas ang takong na suot ni Qiao Anhao, kaya nahirapan siyang habulin ito. Nang medyo nakalapit na siya, hirap na hirap niyang hinila ang kamay nito pero hindi ito lumingon sa kanya. Nilampasan lang siya nito at pumasok sa CR.

Bumungad kay Qiao Anhao ang malakas na hampas ng pintuan, naiwan siyang nakatayo sa labas na gulat na gulat. Marahil nagulat talaga siya sa mga nangyari pero ramdam niya na hindi maganda ang mood ni Lu Jinnian.

Sinubukang isipin ni Qiao Anhao ang mga nangyari at sigurado siya na wala siyang nagawang kahit anong mali. Tumalikod siya para tignan ang mga nagsasayang bisita. Pagkatapos ay tumingin din siya kina Xu Wanli at Han Ruchu na magkatabing nakatayo, at binati siya ng mga ito.

Biglang may pumasok sa kanyang isip – dalawang anak, parehong galing sa Xu family; ang isa ay walang malay na nakaratay, pero nakakatanggap ng sobra sobrang biyaya, samantalang ang isa naman ay iniirapan at iniiwasan. Simula noong mamatay ang nanay ni Lu Jinnian, wala ng natirang nakakaalala ng birthday nito.

-

Halo halo ang emosyon ni Lu Jinnian habang nakatayo sa isang nakasarang cubicle kung saan nagsindi siya ng sigarilyo.

Sa mga nakalipas na taon, nakasanayan niya na talagang magsigarilyo ng marami sa tuwing hindi maganda ang kanyang mood o sa tuwing namimiss niya si Qiao Anhao.

Sa totoo lang, hindi niya naman talaga gusto ang amoy ng tobacco. Medyo masakit kasi ito sa ilong, pero sa lahat ng mga lumipas na taon, bukod sa paggamit nito para manhidin ang kanyang pakiramdam, wala na siyang maisip na iba pang paraan…

Maraming tao ang labas pasok ng CR. Rinig na rinig ang tunog ng mga inidorong nagfuflush. Maging ang mga pagihi ng mga lalaki at mga naguusap ay maririnig din.

Para sa lahat ng mga gumugulo sa kanyang isipan, humithit si Lu Jinnian ng malakas sa kanyang tobacco, habang sinusubukan niyang kalmahin ang mga naglalaban niyang emosyon.

Alam niyang nagseselos siya.

Alam niyang ding kapalit lang siya ni Xu Jiamu, pero pag nakikita niya na ang nakikita lang ng mga mata ni Qiao Anhao ay si Xu Jiamu, hindi niya pa rin mapigilang mainis.

Siguro nga kapag mahal mo talaga ang isang tao, normal lang na makakaramdam ka ng selos. Habang mas nagmamahal ka, mas nagiging marupok ka rin. Ito ay isnag bagay na hindi kayang kontrolin ninuman.

Next chapter