webnovel

Bakit hindi nalang ako (6)

Editor: LiberReverieGroup

Marahil ay dahil ito sa hindi comfortable na posisyon ni Lu Jinnian, na ngayon ay yakap nito si Qiao Anhao lalo niya itong niyakap. Sakto na ang baba nito ay nasa noo ni Qiao Anhao. Hinalikan ni Lu jinnian ang ulo niya ng dalawang beses at sinabi, "Hindi mo alam. Matagal kitang hinintay sa loob ng maraming taon. Nang ikaw ay lalapit sa akin…"

Naging mahina ang boses ni Lu Jinnian. Hanggang sa nawala ito.

Habang nasa party, kahit lahat ng sagot niya ay maikli, puno ito ng pagmamahal para sa babaeng mahal niya. Habang naka upo si Qiao Anhao sa tabi niya tila pinapatay ang puso niya.

Ngayon na narinig niya ito, puno ng emosyon ang bawat salita, mas lalo itong masakit.

Pinigil ni Qiao Anhao na huwag siyang manginig habang may luha sa gilid ng kanyang mata.

Gusto niyang mayakap siya nito pero hindi niya alam na ganito ito ka sakit.

Pinikit ni Qiao Anho ang mata niya, gusto niyang umalis sa tabi nito. Gayumpaman, lalo siya nitong niyakap ng mahigpit.

Tahimik ang buong kwarto at tunog na lang ng orasan ang maririnig.

Naging kalamado na ang paghinga ni Lu Jinnian at tila tulog na ito pero si Qiao Anhao hindi ito makatulog hindi tumitigil ang luha sa kanyang mga mata.

-

Kinabukasan, nagising si Qiao Anhao sa tawag ni Zhao Meng at inaantok niya sinagot ang telepono at sinabi, "Hey".

Narinig niyang seryosong nagsalita si Zhao Meng, "Qiao Qiao, huwag mong sabihin na hindi ka pa gising? Huwag mong kalimutan na may shoot ka mamayang hapon. Papunta na ako ng Mian Xiu Garden. Bilisan mo kung ayaw mong mahuli sa set. "

Agad gumising si Qiao Anhao. Nang umalis siya ng kama saka niya nalaman ang sakit ng katawan niya. Tapos naalala niya ang nangyari sa kanila ni Lu Jinnian kagabi. Tinignan niya ang kwarto pero wala na ito. Umalis na si Lu Jinnian.

Kung hindi dahil sa pagod a akalain niya na panaginip ito.

Nagmadali si Qiao Anhao hindi na niya inisip ang sakit ng katawan niya. Mabilis siyang pumunta sa banyo para maligo ng bubuksan niya na ito na bigla siya sa nakita niyang dugo sa kaliwang kamay niya.

Tuyo na ang dugo at maitim na.

Saan kaya galing ito?

Namutla si Qiao Anhao ng at nagulat. Agad niyang tinignan ang kama at nakita niya na may kaunting kulay mantsa sa kama.

Tinignan ni Qiao Anhao ang kaliwang kamay niya at nagtaka. Napagtanto niya lang na may sugat sa likod si Lu Jinnian. Namutla siya

May Sugat si Lu Jinnian? Mukhang malala ang sugat niya…

Next chapter