Nagbiro si Qiao Anxia sa maraming tao, "Pwede niyo akong tawagin na Da Qiao at ang kapatid ko bilang Xiao Qiao."
"Da Qiao, Xiao Qiao, Ang gando niyong magkapatid."
-
Masigla ang personalidad ni Qiao Anxia. Kaya matapos ang 3 minuto kasundo niya na ang lahat at lalong sumigla ang lahat sa pagdating niya. Ang maririnig mo sa kuwarto ay, "Da Qiao saan university ka nagtapos?", "Da Qiao, paano kayo nagkakilala ni Chen Yang?", at "Da Qiao, Bakit hindi ka kumanta para sa amin?".
Tahimik naka upo si Qiao Anhao sa tabi ni Lu Jinnina sanay na siya sa ganitong eksena. Matapos niyang malaman na pumanaw ang magulang niya tumira na siya sa tiyuhin niya. Kaya nawala ang kumpiyansa at sigla niya na tulad ng kay Qiao Anxia. Madalas tuwing magkasama sila ni Qiao Anxia madali itong makisama sa iba. Habang siya ay tahimik lang sa isang tabi naka ngiting tinitignan siya.
Ang tunog ng inuman, usapan, kantahan at tawanan ang rinig sa buong party room. Habang si Lu Jinnian ay tila hindi apektado sa mga nangyayari. Kalamado lang ito naka tingin sa telepono.
Sumusulyap siya pa minsan-minsan nakita niya tungkol ito sa Huan Yinh Entertainment. Kahit sa maingay na lugar trabaho pa rin! Hindi maiwasan bumugtong hininga ni Qiao Anhao. Ang iniisip niya, 'Kung may trabaho siya, Bakit pa siya pumunta dito?'
Matagal ng naka upo si Qiao Anhao sa party room kaya pumunta ito sa banyo. Sakto naman nakita niya si Qiao Anxia.
"Qiao Qiao. " Ang sabi ni Qiao Anxia at tinapik ang kanyang ulo.
Inayos ni Qiao Anhao ang buhok niya saka agad hinawakan si Qiao Anxia bago ito pumasok sa cubicle, "Ate, anong nangyari? Paanong si Chen Yang ang kasama mo?"
"Nagkita kami sa isang charity event 2 linggo na ang lumipas. Nagpalitan kami ng numero, nang maganda ang usapan namin saka kami nagsimulang mag-date." Sagot ni Qiao Anxia.
"Pero dati ang sabi, na ang gusto ay si Lu Jinnian…" Totoong nag-aalala si Qiao Anhao kay Qiao Anxia pero gusto niya rin malaman ang nararamdaman niya para dito.
Nang marinig ni Qiao Anxia ang 2 salita "Lu Jinnian", Naalala niya kung paano siya nito tinanggihan. Agad siyang ngumiti at siningitan si Qiao Anao. "Ang sabi niya may iba siyang gusto, at hindi ako yun. Matagal niya nang mahal ang taong iyon, bakit pa ako magsasayang ng oras sa kanya?"