Mabilis na sagot ang telepono. Narinig agad ni Qiao Anhao ang boses ni Song Xiangsi.
"Miss Qiao? What's up?"
Habang nasa telepono, Ngumiti si Qiao Anhao bilang pagpapasalamat kay Song Xiangsi. "Sister Xiangsi, nakita ko post mo sa Weibo. Salamat sa tulong mo."
"Ang totoo, hindi ako ang dapat mong pasalamatan. Dapat si..."
Nang sasabihin na ni Song Xiangsi kung sino. Masamang tinignan ni Lu Jinnian si Song Xiangsi. Ngumiti nalang ito at binago ang usapan. "Miss Qiao, walang anuman. Wala lang yun."
Kahit sinabi ito ni Song Xiangsi, malinaw na narinig ni Qiao Anhao ang ibig sabihin ni Song Xiangsi. May huminga ba sa kanya ng tulong para tulungan siya?
Sinabi ni Qiao Anhao ang mga duda at mahinang sinabi sa telepono,"Sister Xiangsi, maraming salamat sayo. Kung hindi dahil sayo, hindi ko alam ang gagawin ko. Kung may oras ka, ililibre kita ng pagkain?"
"Sure." Hindi nagdalawang-isip si Song Xiangsi at agad pumayag.
"Sige ako ng bahala, sabihan na lang kita."
Sumagot si Song Xiangsi "Sure" ulit.
Bago binaba ang telepono, hindi niya nalimutan na magsabi ng "Salamat".
-
Binaba na ni Song Xiangsi ang telepono at lumingon kay Lu Jinnian, na katabi niya. Malinaw na nakikinig ito sa usapan nila ni Qiao Anhao, sadya siyang nagtanong kay Lu Jinnian na tila wala itong alam, "Mr. Lu, Bakit hindi ka pa umaalis?"
Hindi na pinansin ni Lu Jinnian ang panunuya ni Song Xiangsi. Nagtanong na lang siya, "Kamusta...siya?"
Nawala agad ang ekspresyon ni Song Xiangsi. "Wala naman. Ayon sa boses niya, mukhang umiyak siya..."
Nangunot ang noo ni Lu Jinnian. Humigpit ang mga kamao niya. Lumignon siya at tinitigan maigi si Song Xiangsi, inulit ang bawat salita, "Umiyak siya?"
Nang makita ni Song Xiangsi ang itsura ni Lu Jinnian, hindi niya maiwasan na tumawa. Tumigil lang siya ng makita niya ang masamang tingin sa kanya n Lu Jinnian. Bahagyang may tuwa nang magsalita siya, "Nagbibiro lang ako. Kita ang pagkabahala mo, ayos naman siya ayon sa boses niya. Tingin ko ayos lang siya."
Hindi pa natatapos ni Song Xiangsi ang sinasabi niya, nagalit bigla si Lu Jinnian at sinabi, "Baliw!"
Agad siyang bumaba ng sasakyan at umalis.
Paglabas ng sasakyan, nakita agad ng manager at assistant ni Song Xiangsi si Lu Jinnian, agad naman nila itong magalang na binati, "Mr. Lu."
Mabilis umalis si Lu Jinnian tila hindi sila na pansin nito.
Malinaw makikita na mula sa likod nito na mas relaxed na ito matapos malaman kanina na umiyak si Qiao Anhao.