Naghanap ng dahilan si Qiao Anhao nang tumingin siya sa bintana, at sinabi, "Umuulan na!"
Tumayo papunta sa bintana si Qiao Anhao.
Tumigil si Lu Jinnian nang marinig niya ito at tumingin sa bintana. Si Qiao Anhao ay naka titig sa bintana habang nababasa ito ng ulan.
Tumigil sandali si Lu Jinnian at bumalik sa pagkain na dala ni Qiao Anhao saka binaba ang chopsticks.
Pinunasan niya ang kanyang labi ng tissue. Naglakad papunta kay Qiao Anhao kahit bahagyang nagdalawang-isip.
Matangkad si Lu Jinnian kay Qiao Anhao. Kita niya ang tingin ni Qiao Anhao sa bintana habang tinignan ang ulan sa labas. Hindi niya maiwasan magtanong,
"Gusto mo rin ang tag-ulan?"
Hahawakan na sana ni Qiao Anhao ang bintana kasabay ng tulo ng tubig. Hindi niya na malayan nasa tabi niya ito. Tumigil ang mga daliri niya sa bintana bago siya tumango.
"Oo, gusto ko ito."
Tahimik lang si Lu Jinnian pero agad din na buhay ang kanyang ekspresyon.
Matagal naka tingin si Qiao Anhao sa bintana. Natanto niya ang tanong ni Lu Jinnian kung gusto rin niya ang tag-ulan. Lumingon siya at binalik ang tanong, "Gusto mo rin ang tag-ulan?"
"Oo, gusto ko rin ito," Malumanay sumagot si Lu Jinnian pero may iba pa itong ibig sabihin.
Parehas nilang gusto ang tag-ulan... na parehas nilang gusto, may pinagkaparehas silang dalawa.
Nagbigay ito ng saya sa puso ni Qiao Anhao.
Gusto niya ito dahil ito ang una nilang pagkikita, nang naghahanap sila ng silong sa tag-ulan.
Nang araw na iyon na hulog ang loob niya sa kanya.
Pero paano naman siya?
Gusto sana itanong ni Qiao Anhao bakit gusto niya ang tag-ilan, pero nagsalita ito sa kanya, "Nang una, ayaw ko nito."
Tumigil si Lu Jinnian nag-iisip ng malalim at nagpatuloy, "Matapos ng isang incident nagsimula akong magustuhan ang tag-ulan."