"Hindi ko maalala na binigyan kita ng impresyon na interesado ako sayo..." Tinignan ni Lu Jinnian ng masama si Qiao Anxia. Ang mga sumunod niyang sinabi malinaw na humihingi ito ng tawad pero masakit itong pakinggan. "Kung ginawa ko, humihingi na ako ng tawad. Sana tigilan mong lokohin ang sarili mo. Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan!"
Diresto itong sinabi ni Lu Jinnian. Bahagyang na bigla si Qiao Anxia at tinignan si Lu Jinnian. Dahan-dahan namutla ang mukha niya at nagtiim bangang. Matagal bago siya nagtanong,"Narinig mo ba ang pag-uusap namin ni Qiao Qiao?"
Hindi sinagot ni Lu Jinnian ang tanong. Masama siyang tumingin. "Ang rason kung bakit ako naka upo dito ay simple lang, ito ang sabihin sayo na ang mga bagay na ayoko na dati, hindi ko na ulit pinupulot!"
Lalong namutla ang mukha ni Qiao Anxia, bahagyang namula ang mata niya pero huminga siya ng malalim. Pinigilan ang lungkot na bubuo sa loob niya, pinilit niyang maging kalmado.
Tinignan niya si Lu Jinnian saka nagtanong," Bakit?" Hindi siya naghintay sa sagot nito. "Dahil ba sa babaeng gusto mo?"
Hindi maiwasang ngumiti si Qiao Anxia. " Maraming taon na ang lumipas at mag-isa ka pa rin, nagpapakita na hindi kayo pwede ng babaeng mahal mo. Mahigit 10 taon - 10 taon! Hindi ka pa rin sumusuko?"
Kahit masama ang tingin ni Lu Jinnian ramdam mo ang determinasyon. Direkta na tumama sa puso ni Qiao Anxia.
"Huwag kang mag-alala. Kahit sumuko ako. Hindi ako mahuhulog sayo?"
Mahigpit na hinawakan ni Qiao Anxia ang manilbela at nagtiim ng labi.
Tinignan ni Lu Jinnian ang windshield ng ilang segundo bago nagsalita ulit. Kahit masakit itong sabihin, "Saka, hindi ko maisip na sumuko sa kanya."
Ilang taon, marami siyang naka date na lalaki, pero kahit ang lalaki ang maghabol o siya ang maghabol sa lalaki. Lagi niyang nakukuha ang lalaking gusto niya.
Maliban kay Lu Jinnian.
Nung una, bata siya at loko-loko at sinantabi ang pagiging arogante at pride niya para habulin siya. Bandang huli si Lu Jinnian na mismo ang nagtakwil sa kanya.