webnovel

Chapter 104: Ang malalim, ngunit pinagbabawal na pag-ibig (10)

Editor: LiberReverieGroup

Maya-maya, nalaman niya na mahahati ang ang klase depende sa resulta ng Science and Arts. Kaya iniwan niyang bangko ang papel ng math.

Hindi niya maiwasan na gawin ito dahil na hulog siya sa babaeng mababa ang grado.

Maganda ang ideya pero masama ang resulta dahil bigla siyang naging Black horse at naging Class 1. Siya naman napunta sa Class 3.

Nang mahati ang klase ang sama ng mood niya. Hindi siya makatulog ng gabing iyon.

Kinabukasan dahil sa kulang sa tulog, lalong sumama ang mood niya ng makita niya ang pink na sulat sa lamesa.

Matapos nang isang linggo, nakasalubong sila ulit sa snack shop ng eskwelahan. Ngunit, hindi siya napansin nito

Magbabayad ito para sa maraming niyang nakuhang snacks nang bigla niya sinabi, "Nakalimutan ko ang small bun."

Nang marinig niya ito dumiretso agad siya sa food section. Tumayo siya sa maraming buns, hanggang sa tila nagkita sila ng hindi sinasadya.

Nang mga oras na iyon, tumingin siya sa tinapay pero ang atensyon niya nasa kanya. Malinaw na sinabi niya na small bun pero ang pinuntahan niya ay ang sanitary section. Namili siya sandali saka kumuha ng sanitary towel at saka umalis.

Hindi niya maintindahan paano naging sanitary twel ang small bun?

Ang pinakamatagal silang magkasama, nang mag-isa ito sa washroom. Napansin niya maputla ito naka sandal sa pader habang hawak ang tiyan. Mukha itong may sakit kaya dinala niya ito sa nurse room.

Ang perpekto ng hapon na iyon para sa kanya.

Maliwanag ang araw. Naka higa siya sa kama at siya naman ay malapit na umupo at nagbabasa habang iniisip siya.

Maya-maya pumunta ang babaeng ka-klase niya. Nagtanong si Qiao Anhao matapos nilang mag-usap. Kung girlfriend niya ang babae.

Mali ba ang pagkakaintindi niya sa kanya?

Agad niya nilinaw ito kahit madalang siya nagsasalita. liniwanag niya rin kung bakit niya ito kausap. Naisip niya na hindi na kausapin ang babae niyang ka-klase kahit kailan. Dapat hindi siya lapitan ng mga estudyanteng babae.

Kahit perpekto ang hapon na iyon, ito rin ang na hiya siya.

Dahil binigyan siya ni Qiao Anhao ng pera para sa binayad niya na 28 bucks na medical fees. Kita niya iyon mula sa pamimigay ng leaflets. Nang buksan nito ang wallet nito na kita niya ang makapal na hundreds ang laman nito. Sweldo niya na ito sa buong taon.

Next chapter