webnovel

Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (10)

Editor: LiberReverieGroup

Kahit na umarte si Qiao Anhao sa harap ni Zhao Meng na parang balewala ito sa kanya matapos umalis ng kaibigan niya, nagdalawang isip ito kung magmamaneho ito ng kanyang kotse.

Dahil nasabi dati ni Xu Jiamu sa kanya na may pribadong mansion ito sa may hilagang bahagi ng siyudad sa ibabaw ng bundok. Nasabi rin ni Xi Jiamu na ayaw ni Lu Jinnian ng mga ospital kaya sa tuwing nagkakasakit ito doon ito nagtatago.

Nang mga oras na iyon, si Xu Jiamu ay nagrereklamo dahil sa ayaw ni Lu Jinnian na magpagamot kahit malubha ang sakit nito. Maraming beses na nagrereklamo ito pero wala naman ito masamang intensyon kaya sadyang itinago niya ito sa kanyang memorya kung sakali na kailanganin niya sa hinaharap.

Kahit hindi siya sigurado kung saan ang mansion na ito ay sinubukan niya parin para magbakasakali.

Tumigil siya muna sa isang medical shop bago pumunta sa mansion. Kahit hindi siya sigurado sa estado ng kanyang condition, nagbakasali siya na magdala ng gamot para sa lagnat.

Hindi pa nakakarating si Qiao Anhao sa mansion ang naalala niya lang nasa tuktok lang ito ng bundok na tinatawag na Yi mountain. Nilagay ni Qiao Anhao sa GPS niya ang Yi mountain at napagtanto niya nga na nasa hilagang bahagi nga ito ng siyudad. Pinaandar niya ang kotse at pumunta sa direksyon na iyon.

Buti nalang at hindi gaano kalaki ang Yi mountain at nagiisa lang ang mansion na nakatayo doon. Nagmaneho si Qiao Anhao papunta sa tuktok at nakita ang nagiisang mansion na sa tingin niya ay pagmamayari ni Lu Jinnian.

Nagsimulang magmaneho si Qiao Anhao ng 3 pm ng hapon at dumating siya ng Yi mountain ng pasado 5 pm ng gabi.

Tamang-tama lang ang pagdating niya para sa paglubog ng araw. Reddish-gold rays ang makikita sa mansion, nagmukha itong kastilyong parehas na magarbo at maganda.

Nakasara ang mga gate ng mansion nang itinigil ni Qiao Anhao ang kotse at tumingin sa paligid. May nakita siyang bakod na mababa lang at umakyat siya doon para makapasok.

Wala siyang susi ng mansion at wala rin nagbukas ng pinto nang subukan niyang kumatok. Sumilip siya sa mga bintana sa pagbabakasakali na makita niya si Lu Jinnian pero hindi niya ito nakita. Umikot siya sa paligid ng mansion at may nakita siyang bahagyang nakabukas na bintana sa likod ng mansion. Nagdalawang isip siya bago tuluyan itong buksan bago makapasok sa mansion.

Maganda ang loob ng mansion.

Naglakad siya sa buong unang palapag pero hindi niya nahanap si Lu Jinnian. Umakyat siya sa second floor tanging mga hakbang lang ng kanyang paa ang lumilikha ng tunog sa buong mansion.

Napagpatuloy sa paghahanap si Qiao Anhao sa ikalawang palapag, at nakita niya lang si Lu Jinnian nang makarating siya sa dulo ng hallway na may malaking kwarto.

Nakasuot pa ito ng suit, sarado ang kanyang mga mata at tahimik na nakahiga sa kama. Kung titignan mukhang malalim ang tulog nito.

Tinaas ni QIao Anhao ang kamay niya at kumatok sa pinto habang nakatingin siya sa kama kung saan nakahiga si Lu Jinnian. Ngunit, kahit kumatok na siya ay nanatili itong walang reaksyon. Nangunot ang kanyang mga kilay niya at naglakad papunta sa kama.

Next chapter